Nalaman nalang ng mga estudyante na buhay pa pala ang drayber kaya kinulong kito bago pa makauwi ang mga taga section Red galing sa trahedyang dinaanan nila.
Malungkot naman ang kanilang guro at sinisisi niya ang kanyang sarili dahil hindi siya sumama sa field trip na yun.Pati ang kanilang Principal ay nadamay sa kababalaghang nangyare at hindi naman dapat sisihin ng guro ang kanyang mga estudyante dahil nag hirap din ito na mailigtas ang kanilang mga sarili.
"Class..I'm sorry for not being there...i'm sorry,i'm sorry...dahil sa akin nawala ang punong guro natin...ngayon ay tayo nalang ang mag aalaga sa paaralan natin.."pag uumanhin ng guro nila at parang hindi ito makatingin sakanila.
"Huli ka na sir..inuuna mo pa kasi yang ka bussy mo kahit alam mong pwedeng may mangyayaring masama sa amin..sabihin mo kasing,ayaw mo lang mapahamak"wika ng dalaga at biglang napatingin lahat ang mga kaklase niya at tinitigan siya ng masama.
Nag sitinginan nalang ang lahat sa binata nang biglaang tumayo at lumapit sa harap ni Yumichi.
"Pwede ba Yumichi?tumahimik ka?walang kinalaman ang guro natin dito"sigaw ni Asanro sakanya.Tumayo nalang din si Yumichi at tinarayan ang binata.
"Pwede ba Asanro?marami ng nawawala sa atin pero ganyan ka pa rin?parang satingin mo wala lang ang nangyayare?...oo wala siyang kinalaman kasi wala naman siyang ginagawa..diba Sir?"sabay lingon sakanyang guro na nakaupo.Nakasimangot lang ang guro at parang hindi makagalaw sakanyang kinatatayuan.
Lumabas sa room si Yumichi at sumunod ang kanyang kaibigan na si Greggy.Huminto sa harap ng garden si Yumichi at si Greggy.
"Bakit mo naman sinabi yun?"nagtatakang tanong ng binata sakanya at hindi lang naman ito pinansin ng dalaga."Yum?"
"Sorry na ok?...hindi ko lang napigilan ang sarili ko Greg...talagang natamaan lang ako sa pagkawala nina Hannah at Jana....Kaya....lahat ng mga taong satingin kong nagkamali...parang sila agad ang sinisiraan ko"sagot ng dalaga habang nakayuko.Lumapit lang din naman ang binata at dinamayan ang kaibigan.
Nagsilabasan na ang mga taga section Red at nag tambay silang lahat sa Gymnasium dahil may pinagawa ang guro nila sakanila.Habang nakaupo ang mga babae sa bench ang mga lalake naman ay nag uusap-usap lang,nag-aantay lang sila sa ipapagawa ng guro nila.
Lumabas muna saglit sa Gym sina Tisha,Zeus,Cheyenne at Jennie Rose.Nag punta sila saglit sa canteen at may bibilhin sana pero nag tataka sila kung bakit walang mga tao,walang din kasi ang mga nagtitinda.Pero naka display ng maayos ang kanilang mga tinda.
"Himala?bakit walang tao?free na bang magnakaw ngayon?"pagbibiro ng binata at nilingon-lingon ang paligid.
"Hello?may tao po ba?"boung sigaw ni Jennie Rose habang naka porma ng bilog ang kanyang kamay sa kanyang bibig at biglang nag echo ito sa loob ng canteen.
Dahil malaki-laki ang kanilang canteen ay nag lalakad lang sila hanggang sa pinaka huli na tinda sa canteen nila nang may naamoy ang mga estudyante sa loob.
"What's that freakin smell?"pagrereklamo ni Cheyenne at napatakip sa ilong niya.
Nang nilibot-libot ni Tisha ang kanyang paningin,may nakita siyang paa sa ilalim ng lamesa kaya gustong-gusto niya namang malaman kung ano yun.
"Guys,may paa oh..baka natutulog lang yung mga nag titinda dito"opinyon ni Tisha at satingin naman nila ay tama ang hinala ng dalaga kaya unang lumapit si Jennie Rose.
Napasigaw nalang agad si Jennie Rose sa nakita niya at biglaang napayakap siya ni Zeus.At dahil nandiri si Zeus ay nilayo niya ang dalaga.
"P-patay.."nauutal na sabi ng kaklase nila habang nakaturo sa nakita niya kanina.
BINABASA MO ANG
CS:The Revenge (EDITING)
RastgeleYou ready for this section? Wanna join them? Well,you might get hurt little by little. Just be careful. This is edited ^_^ Pls, look forward to the every chapter. Thank you so much.