Chapter Thirty-five:The Unforgettable Past

122 23 8
                                    

19 years ago....

Justine's POV

"Tisha!!"sigaw ko sakanya at niyakap siya ng mahigpit,siya lang kasi ang babaeng nag papasaya sa akin araw-araw.Pinsan ko lang siya pero tinuturing ko na siyang kapatid.

Nawalan na ng pamilya si Tisha kaya nasa bahay lang namin siya ngayon nakatira.Pinsan ko si Tisha sa side ng mommy ko,at ang daddy ni Tisha ay ang kuya ng mama ko.

Iniwan si Tisha ng mama niya simula nung namatay ang dalawang kambal na kapatid ni Tisha,hindi ko alam kung anu-ano yung rason pero hindi ko na kailangan malaman ang lahat ng detalye dahil privacy yun ni Tisha kaya shut up nalang ako.

"Mmmhh...ang higpit naman ata nun Justine"pag rereklamo niya kaya pinisil ko ng sobra-sobra yung pisngi niya kaya napasigaw siya.

Habang nag lalaro kami ni Tisha nagulat nalang ako ng biglaang lumabas si Mama na may dala ng mga gamit namin ni Tisha kaya napatayo kaming dalawa ni Tisha sa gulat tinulungan si Mama na mag buhat ng maleta.

Nakita ko ng naiiyak na si Mama.

Napatingin nalang ako sa isang lalake isang babae at kasing edad kong babae na nakatingin sa amin na parang naaawa.Parang mayayaman sila.

"Were very sorry Mrs.Geyrozaga but we need this lot,dont wo--"pag papasensya nung matandang lalake pero hindi na pinatuloy ni mama dahil biglang nag sisigaw na sa galit si mama.

"Hindi na namin kailangan ng tulong niyo...mga walang hiya kayo!!lote yan ng asawa ko!!"sigaw ni mama sabay pahampas-hampas ng bag ni mama sa mukha nung matandang lalake kaya napaalis sila maliban nung anak nila na kasing edad ko.

"Hi.. ok lang kayo?ako nga pala si Maecah.."sabay abot niya sa kamay niya.

"Maecah!!"bigla agad akong nakarinig ng isang batang boses at kasing edad ko din ata siya,nakangiti siya habang nakabitbit ng tablet.

"Sino siya Maecah..new friend mo?"dagdag nung babae.

"Hindi...pa...Reyna..nga pala siya si Reyna.. ano pangalan mo??"tanong nung Maecah sa akin,inabot ko yung kamay niya.

"Justine..Justine pangalan ko.."pagpapakilala ko pero biglang sinampal ni Tisha ang mukha ni Maecah at bigla akong hinila ni Tisha palayo kina Reyna at Maecah.



Pagkatapos nung mga araw na yun,marami nang nawala sa amin ni Tisha...Si mama at ang bahay namin,kaya ngayon nasa bahay ampunan kami at nag-aantay na may kumuha sa amin.

Isang gabi,may isang horror film ang pinalabas sa TV kaya nanood naman kami ni Tisha.Akala namin,yung horror na talagang mahihimatay ka sa takot pero hindi pala.

Isa palang Killing/Mystery Thriller..Nung nakita ko yung paano punatay ng tao bigla akong nakaramdam ng sakit sa puso ko.Yung parang may makati,at kailangan kong gumalaw para mawala yung sakit na yun.




May nag-ampon sa amin.Ang Pesquera Family.Naging kaibigan namin ang anak nilang si Friendces,Pinag-aral kami sa St.Anthony at nung araw na ng pasokan..

May binulong sa akin si Tisha sabay hila sa akin palayo sa tabi ni Friendces.Dinala niya ako sa isang napaka dilim na lugar,sa ilalim ng Chapel.

Ang daming mga armas...

"This can be our weapon Justine.."bigla niyang sabi sa akin kaya napalingon naman ako sakanya.

"Anong ibig mong sabihin?"tanong ko sakanya

Hinawakan niya yung mukha ko at hinarap sa mukha niya.

"We have to make A revenge...A revenge para sa Tita ko na ina mo..na ina nating dalawa..na nag-aruga sa ating dalawa...Because of that Maecah and Reyna kasama na yung Friendces na yun,mas lalong naging miserable na yung buhay natin..kailangan nating patayin ang mga mahal nila sa buhay..Mga kaibigan nila at mga kakakilala nila..We have to do this"at dahil nangungusap yung mga mata niya.

Napahawak ako sa isang napaka laking kutsilyo at hinawakan ng mahigpit.

"Simulan na natin toh!!"

CS:The Revenge (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon