◆Chapter 28 - The Return

70 15 0
                                    

Si Frosch yung nasa picture.

3rd Person's POV





Hindi pa rin maalis ang tinatagong lungkot at kaba ng lalakeng maghapong nakaupo lamang sa kanyang puting desk.




Parang panaginip lamang na mabuhay ang babaeng kanyang minahal---kanyang pinatay.






*buugssssh.







The glass breaks from the tight of his hand. It was a sudden flash of anger inside likes it's burning through his core.







Tinitigan niya ang litrato ng babaeng pinakamamahal niya sa kanyang kanang kamay at ikinumpara ito sa yumao niyang ina na nasa kaliwang kamay.




Halos napipilipit sa sakit dahil parang hinihila siya ng kanyang konsensya at galit.




Patuloy ang pagtulo ng kanyang dugo mula sa kanyang kamay. Makikita rin sa kanyang mukha na para bang wala siyang pake kung masugatan siya pero ang kanyang mga mata-- pinapakita dito ang galit sa rasong pagmamahal.


"Prince Xian. I have a good news." Dumating si Red. Isa sa mga nakontrolado niyang estudyante sa Gothic University.





"What?" Napipilipig niyang sinabi. Halos nangingitim ang kanyang mata sa pag-iisip.







"She's ready" Bumalik tanaw siya kay Red na nakatingin lamang sa kanya.






Naalala niya na naman si Ezra. Ang babaeng hinahanda niya para sa isang laban. Para sa panibagong simula.


-----




Samantala, sa isang panig naman ng pangyayari. Nakatuon lamang ang isang babae sa kanyang repleksyon. Ito lamang ang tanging ginagawa niya. Titingala sa langit, tititigan ang mukha sa salamin at halos pumuputok ang utak niya sa mga tanong sa kanyang isip habang hawak hawak ng isang kwintas na parang nag papabalik sa kanya sa mga oras noong kilala niya pa ang kanyang sarili.


Nakatitig siya sa kanyaang sarili na para bang tinituitigan niya ang kanyang sariling mata. Maging ang mga ito ay sumisigaw sa isang katotohanang gusto niyang malaman. Hinawakan niya ang kanyang ulo gamit ang kanyang mga kamay. Pilit na inaalala ang pangyayari.


Pinipilit niya ito.


Hanggang sa sumakit.







Hanggang sa nararamdaman niyang sumasabog ang ugat.







Hanggang sa tila puting ilaw lang ang kanyang nasisilayan.








"Sino ka?" Tanong niya sa isang babaeng nasa harapan niya. Parang kilala niya ito. Parang pamilyar siya.






Hindi sumagot ang babaeng nasa harapan niya. Kitang kita sa mata ng babaeng nasa kanyang harapan ang lungkot na halos tumutulo ang luha niya sa kanyang mga mata.

Agad niya namang pinunasan ang kanyang mga luha at ngumiti rin sa babae na nangangalang Ezra Kendra.

"Alam kong lalabas din ang katotohanan" Ngumiti ang babae kay Ezra Kendra. Madaming tanong sa kanyang isipan. Sino nga ba talaga itong babaeng ito. Bakit duguan ang kanyang damit na kanina ay puti lamang.

"Sa ngayo'y kailangan mo munang hanapin ang sarili mo gaya ng ginagawa ko" Muling naglaho ang babae sa kanyang harapan at muli ring bumalik sa katinuan ang lahat. Bumalik sa realidad ang kanyang nakikita hanggang sa napag isip isipan na tinutulungan na pala siya ng lalakeng pinagsasawaan niya na ring makita.

Her Happy Ending: DIVERGENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon