Erza's POV
"Ang aga pa eh, pumasok na tayo sa school." Pagrereklamo niya, Eh ito nga ang may kasalanan sa akin nung isang araw lang eh. Akala ba niya makakalimutan ko iyon? Tsk!
"Ikaw pa mag reklamo diyan! Tsk! Hindi ka nga pumunta sa bahay ko kahapon eh may sakit ako!" Bunyag ko sabay takip ko ng bunganga. Tsk! Dapat di ko sasanihin na nag kasakit ako eh. Nakakasar talaga!
Nakatingin lang siya sa akin ng diretso sa mata tapos agad akong nilapitan na parang gulat na gulat siya na hinahaplos ang noo ko. Tsk.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad? Sorry na. Tsk! Sabi na nga eh.. ang tanga ko talaga. Napabayaan pa kita!"Kinamot kamot niya ang ulo niya na parang asar na asar siya sa sarili niya. Magpasalamat siya at okay na ako.
"Tsk. Buti nalang dinalaw ako ni Kurt kahapon sa bahay. Halos inaapoy na nga ako sa init ng katawan ko" Sabi ko habang nilalabas ang homework ko sa Trigonometry, Dahil sa pesteng sakit ko kahapon eh di ko nagawa itong Trigo na ito. Tsk Tsk.
"Ano? Wala pa tayong isang buwan. Inaagaw ka na niya sa akin!" Nag pout pa siya. Ang cute niya na sanang tignan kaso may pag kaseryoso kasi yung mukha niya na parang galit. Sus! Selos alert!
"Huwag kang mag-isip ng ganyan. May asawa na si Kurt at kaibigan mo pa siya diba?" Sabi ko at ngumiti sa kanya pero nakasimangot lang ang loko.
"Siya naman ang first love mo eh." Sagot niya sa akin sabay kain ng chips. Umagang umaga eh junkfoods ang kinakain. Tssk.
"Ikaw naman ang true love ko eh" Nag wink ako sa kanya sabay kuha ng chips at sinubo sa kanya. Nakanganga kasi. Haaay nako.
"Magiging honest na ako saiyo Kiara huh? Nagseselos ako. Kahit kaibigan ko si Kurt, Hindi pa rin ganun kadali na palitan ang first love sa puso ng isang tao lalo na at ang tagal pa nung mga panahong kayo sana. Alam mo naman na siguro kung bakit ako ganito diba? Baka pag dating ng panahon, Ipalit mo nalang ako sa kanya. Ayaw kong mangyari iyon. Ayaw kong iwan m-"
"Tumigil ka nga diyan. Ang daming sat sat. Alam mo namang hindi mangyayari iyan. Ikaw ang Knight and Shining Armor ko, Ikaw ang Nerdy Boyfriend ko, Ikaw ang lahat lahat ko. Kapag iiwan kita sa dahilan na gusto kong bumalik kay Kurt edi dapat ginawa ko na ngayon. Duh? Wala sa vocabulary ko ang 'panakip butas' noh!" Kasabay nun ang pag kurot ko sa pisngi niya. Nakakayamot lang kasi yung mga drama niya pati ako nahahawa sa kadramahan niya.
"Popcorns nga Dude! Dali bili ka ng popcorn! Naiiyak na ako! Dali!"Halos di ko malunok yung chips sa bunganga ko dahil sa may sumingit na naman si Mr. Cold na parang araw araw atang nakadrugs. -___-
"Ang aga mo atang pumasok Adrian!?" Pagbati naman ng boyfriend ko habang ako, kumakain nalang ng chips habang sinosolve yung Trigo na homework ko.
"May hinihintay lang ako." Sagot naman nito habang nilalaro na naman niya yung Rubiks niya.
"Ano namang hahanapin mo dito? Kabaong? Bakit kelan ka mamamatay?!" Patawa naman na singit ni Russell sa likod niya habang natatawa naman si Xandra naman na kasama niya. Wow! Mag kaakbay ang dalawa?! Grabe lang ha? Ilang aarw ba akong nawala at parang di ako updated sa mga nangyayari dito?!
"Wala ka na doon" Cold lang na sagot ni Adrian. Hindi ko lang alam kung namilik mata ako ha? Nakita ko kasing pumula na naging violet yung mata ni Adrian. Hindi lang yung isa kundi yung dalawa habang matalim na nakatitig kay Xandra. Seriosly lang hah? Ano ba talagang nangayayari?
BINABASA MO ANG
Her Happy Ending: DIVERGENT
Mystery / Thriller"Maybe it's not about the happy ending, Maybe it's about the story" Erza Kiara Blanc Valentine was known to be a mysterious girl. beside by her looks and nasty attitude, She's a goth, loner and a girl who had dreadful past that always hunts her. He...
