◆Chapter 24 - The Reversed Memories

64 16 2
                                    

Important: Muli nating natuklasan ang Katotohanan tungkol kay Mike Cain Sheeran. Muli ko pong klaruhin ang bawat detalye sa Chapter 23.

Si Mike Cain ay isang member ng protector noon pa lamang pero isa lamang itong pag papanggap dahil ang mga katulad niya ay nabibilang sa mga Anti-Divergents dahil sa rasong kinaiinisan niya ang mga Divergents.

Bakit niya Kinaiinisan?

-Inilayo kasi sa kanya ang kanyang 'Childhood Sweetheart' na si Fiona Heartfillia. inilayo sa kanya ng isang Divergent at pag karaon raon ay may bali balitang namatay na si Fiona kaya naman ito ngayon ang kinalalabasan ng mga pangyayari: Nag si-seek ng revenge si Mike Cain.

- Ito po'y shortest clarification lamang. Kapag natapos na po ang Story na ito ay isasummarize ko po ang bawat Revelation sa huli kung sakaling naguluhan kayo. Maraming salamat po.

- Yka

+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-





Author's POV

(Simula po ngayon ay madalas na pong Author's POV or 3rd Person's POV para mas maintindihan po ninyo ang bawat pangyayari)


Halos pagod na pagod si Erza sa kakatakbo. Hindi man lang sila sumakay ng kotse o ano man lang papunta sa lugar na pinag mamasdan niya ngayon.

Napakapamilyar para sa kanya ang lugar na para bang minsan ay dito niya gustong makapag oahinga dahil sa napaka presko ng hangin.

Napakataas at napakatayog ang nga matatandang puno sa kanyang mga gilid. Halos nalalanta na ang mga bulaklak sa tabi ng isang bulding na may malabatong ding ding.

May balon pa sa gitna at kahit gaano pa man kasariwa ang hangin ay para bang hinahati sa gitna ang kanyang puso na natatandaan niyang dito nga pala sa lugar na ito kung saan namatay ang kanyang mahal na kapatid na si Ezra Kendra Bumalik tanaw siya at hinarap si Trever na nakatingin lamang sa kanya.


"Wala ka ba talagang natatandaan?" Halos mahina lang ang boses ni Trever na parang sinasaksak ang puso niya ng pira piraso dahil sa hindi man lang makaalala ang babaeng minahal niya, mahal niya at mamahalin niya.



Hindi sumagot si Erza dahil sa kabang nararamdaman niya. Ramdam niya kasi ang presensya ng kanyang kapatid. Natatandaan niya ang pangyayaring binaril ang kanyang kapatid na si Ezra Kendra sa kanyang harapan.

Natatandaan niya ang lalaking pumatay sa kanyang mahal na kapatid.

Natatandaan niya ang masasakit na nakaraan ngunit naguguluhan pa rin siya dahil sa rasong hindi niya matandaan ang nakaraan nila ni Trever?

Meron nga ba? Ano ba talaga ang nakaraan nila?

"Wala"Sinagot niya ang mga tanong sa kanyang isip. Naguguluhan siya. Ang alam niya lang ngayon ay mahalaga sa kanya si Trever.

"Dito sa lugar na ito, Wala ka ba talagang natatandaan?" Tanong niyang muli kay Erza ngunit hindi pa rin siya nito sinagot. Napakasakit para sa kanya lahat lahat ng nangyari. Ang mga nakaraang hindi niya makalimutan. Ang nga nakaraang gusto niya ng makalimutan ay hindi niya pa rin makalimutan dahil sa sakit at bigat ng mga pangyayaring hindi niya inasahan.

"Ano bang meron sa lugar na ito?" Tanong ni Erza kahit alam niya namang dito nga talaga namatay ang kanyang kapatid.

Yun ang hinihintay na sagot ni Erza kay Trever pero wala. Walang imik na tinitigan ni Trever ang babae sa kanyang harapan. Muli niya itong niyakap ng napakahigpit sabay sabing.

Her Happy Ending: DIVERGENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon