Chapter 44 - The Rage Test

18 6 0
                                        


Chapter 44 – The Rage Test

Erza's POV

"Why did you do that?!" Paisgaw na itinanong sa akin ni Ate Vianca habang ako naman nakabusungot na nakatingin sa kaniya. Naka pout kumbaga.

"I'm trying to save you Ate" Madiin kong sinagot sa kaniya pero nakatingin lamang siya sa akin na para banf maluluha na siya kaya agad ko naman siyang nilapitan.

"I'm sorry.. Natatakot lang kasi akong masaktan uli ang kapatid ko gaya nalang nung nangyari sa kapatid nating si Ate Kendra." Yakap ko sa kaniya at agad naman na siyang umiyak buti na lamang at nakauwi na kami because it's our breaktime. Mamayang 3:00 pm pa ang klase namin because it's our turn to our Rage Test,

"Kiara, sa ginawa mong iyon... pwede mong ikapahamak ang lahat lahat, Di bale ng masktan ako Kiara pero ito ang alam kong papel ko sa buhay mo. Ang protektahan ka." Umiyak siyang niyakap ako na parang takot na takot siya. Naramdaman kong nanlalamig ang kamay niyang nakayakap sa akin.

Hindi ko maintindihan pero naramdaman kong may papalapit na panganib... sa amin.. sa akin.

Nagtatanong pa rin ang isip ko kung bakit gusto niya akong protektahan at bakit ramdam kong maraming tao ang pumoprotekta sa akin..

Ano bang halaga ko sa mga buhay nila?

Pinangako ko sa sarili kong hahanapin ko ang taong pumatay sa kapatid kong si Kendra at kung bakit pinatay ng aking ama ang kaniyang sarili sa aking harapan. Kailangan kong gawin ang lahat para mahanap ang mga sagot sa mga katanungan kong ito.

"You don't need to protect me Ate Vianca, I can handle myself" I said pero mas lalo niya akong hinigpitan na para bang takot na takot siyang pakawalan ako.

"How? You don't even know yourself Kiara" Bumitaw siya sa yakap niya at tinitgan ako at parang nakikita ko sa mga mata niya ang sagot na hindi ko maintindihan.

"Then, tell me. Who am i? Sino ba talaga ako?" Tanong ko sa kaniya at umiwas siya ng tingin sa akin at hinawakan niya ang aking kamay.

"I can't tell you. It's yours to find out" And as she said that, bigla na lamang nag ring ang phone ko.

'Trever's calling...

Xandra's POV

Ilang oras na rin ang lumipas at hindi pa rin ako tumatayo sa kinuupuan ko dito sa likod ng Gym. Namamaga ang mata kong nakatanaw sa matandang puno na tila naghihintay ng ulan para magbunga ulit.

Ilang oras kong tinatanong sa isip ko kung ano bang nagawa ko at bakit ko nararamdaman ang lungkot at pighati sa loob ko. Hindi ko dapat nararamdaman ito. Hindi dapat ito nangyayari sa akin pero ano bang nangyari at biglaan na lamang nagkaganito ang lahat?

"Is this a coincidence? Bait ba kapag nagkikita tayo, ang lungkot lungkot mo.. and I hate it" Pumaloob na lamang ang aking luha sa aking narinig. Tumingin ako sa likod pero wala namang tao kaya umiling ako at nang humarap ako ay halos nagulat ako sa mukhang malapit sa akin.

"W-what are you?" Gulat kong tanong sa kaniya. Hindi ko alam pero halos nanlamig ang aking katawan ng tumingin ako sa kaniyang mga mata. Sobrang kakaiba.

"Mukha ba akong hayop? We've met once right? For sure, natatandaan mo itong gwapo kong mukha." Nakatitig lamang ako sa kaniya habang nagsasalita siya. Ang kinis niyang mukha na sobrang putla, ang almond eyes niya na mint green, ang ilong niyang napakatangos.

"Tssch. Red Caleb? Nag ka amnesia ka na naman ba at hindi mo ako maalala?" At ang kaniyang mapupulang labi na bagay nga sa kaniyang pangalan pero para sakin, mas bagay niya ang pangalan na 'Arrogance' at pelyedo niya ang Red para Arrogance Red na ang pangalan niya. Sobrang proud niya sa kaniyang sarili parang si ano lang...

Her Happy Ending: DIVERGENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon