CHAPTER 2: WHAT?!
(Patricia's POV)
"They accidentally...
KISSED" sabi ni Vince at yung dalawa nagulat
"Uwaaaaahhh!! Girl grabe ka!" sigaw ni Dannie
"Lanya ka babae, swerte mo!" pagsang-ayon naman ni Cheska
Ang malas ko ngayon! Tapos ang dami pa palang nakakita!
Ano ba yan! Naka-uwi na nga ako at lahat-lahat pero hindi ko parin matanggal sa isip ko yung nangyari! Brain stop it! Nakaka-loka! Bakit ayaw matanggal niyan sa isip ko ha?! Kung bakit ba naman kasi...
Aksidenteng nagkahalikan kami ni..
Ayaw ko ng isipin yun! Bakit ba kasi sa dinami dami pa ng lalake si Brandon pa?! Okay lang naman saken kung kahit panget na o kaya naman yung kaladkarin pero bakit siya pa?! He's my worst nightmare! Not to mention na ang dami niyang ginawa sakin yan! He made my life miserable back at highschool. Gusto niyo ng sample? Sige bibigyan ko kayo.
*flashback: 3rd year highschool ako, siya kasi 4th year na*
Shet! Late nako! Ayaw ko mapagalitan dahil sa late a---
Natigil naman ako nang may nakabunggo sa akin dahil para mapaupo ako sa sahig.
"Aray ko po." ang sakit ng pwet ko. Sino ba naman kasi yung nakabunggo sa akin?
Nahagip naman ng mata ko ang lalakeng kinaasaran ko. Si Brandon James Dela Cruz. Nagtatawanan sila ng mga barkada niiya. Alam kong siiya ang bumunggo sa akin kaya mas nainis ako.
"Hahahaha!" tawa niya at saka nag-apiran pa sila ng mga tropa niya
"Nice one Brandon" sabi naman ng kasama niya
Inirapan ko nalang sila dahil walang kwenta rin naman kung aawayin ko sila. Napatingin ako sa relo ko at doon ko langnapagtanto na malapit na ang time at panigurong late nako sa next subject ko. Kung bakit ba naman kasi ang layo ng science lab eh.
"Yow Nerd!" may sumigaw at napatingin ako kung sino..sino pa bang nerd? Eh ako lang naman ang tinatawag nilang ganyan eh. Sanay na ako! Magtataka pa ba ako?
"Bakit?" tanong ko ng makalapit si Brandon sakin.
Ano kayang kailangan sakin nito? Pwede bilisan niya? Late nako sa klase ko.
Lumapit lang siya sakin at nakangiti na nakakaloko. Napataas lang ako ng kilay pero nag-lean siya saken kaya napa-urong ako. Humahakbang siya papalapit pero ako paatras ng paatras hanggang sa nahulog na lang ulit ako sa sahig.
Narinig ko na naman ang malulutong na halakhak nila pero kinalma ko parin ang sarili ko, there;s no sense na makipagtalo pa ako. Pats, makakarma din ang mga yan.
"Ang dumi!" sambit ko nang makita kong naputikan ang skirt ko, umulan kasi kanina at basa yung ground. Saktong dun ako natumba. Nakakainis!
Easy lang Pats, kaya mo yan! Endure it! Just walk away at hayaan ng mamatay kakatawa yang Brandon na yan.
(Eto pa)
Nandito kami ngayon sa gym since may volleyball game kaming mga babae. Pero mamaya pa yun kasi nagba-basketball ang mga senior boys.
"Pats, kuha lang ako ng tubig ah" sabi ni Dannie at umalis na siya
Ako naman nakaupo lang sa may bench..nag-aayos pa lang. Tapos na kasi yung iba eh.
"Pats!"
Huh? Sino yun? Sinong nagtawag sa akin?
Nilingon ko naman kung sino ang tumawag sa akin kaso sakto namang lumipad ang bola sa mukha ko kaya nawalan ako ng balanse at napaupo ako. Nawindang ako dun!
"Pats!" lumapit sakin si Vince at inalalayan ako makatayo
"Peace NERD! Hahaha" sabi ni Brandon at bumalik sa paglaro ng basketball
"Curse you!" sigaw ko pero tawa lang siya ng tawa pati yung mga ibang students na nakakita.
Nakita kong pinagtatawanan na ako ng mga ibang tao sa gym. Ramdam kong nag-iinit na ang pisngi ko dahil sa galit at kahihiyan na rin. Pero wala akong pakialamkung mapahiya ako dahil nasanay na ako sapagpapahiya sa akin ni Brandon. Mas umuusbong ang galit ko sa kanya. Nakakainis na ang kalokohan niya. Kung may lakas lang ako ng loob para sumbatan siya kaso natatakot din ako baka kasi kampihan lang siya ngmarami.
"Pats, okay ka lang ba?" tanong sakin ni Vince at pinaupo niya ako sa bench..
"Ah. Oo, okay lang ako. Lintek na Brandon yun, ang sakit!" sabi ko at napahawak sa noo ko. Hindi naman sana nakalog ang utak ko dahil doon, diba?
*end of flashback*
See? Hindi lang yan ang ginawa niya noong highschool. Kung pwede nga lang pumatay ng tao ginawa ko na noon pa eh. Lagi niya akong pinapahiya sa mata ng madla! Lumalabas na ang PATHETIC ko, na isa akong LOSER. Kakaines! Bakit ba ganun siya? Wala ng ibang ginawa kundi pagtripan ako! Wala naman akong ginagawa dun eh.
Napabuntong hininga nalang ako dahil sa mga ala-alang yun nung highschool ko. Hayaan mo na nga Pats. Eto na naman ako sa 'Hayaan ko nalang'. Mas maganda tumahimik nalang. Mas maganda ang tahimik ang buhay.
Itulog ko na nga lang! Lalaki pa eyebags ko neto eh! Maaga pa ang pasok bukas.
--
Nagising nalang ako nang may kumakatok sa pintuan ng kwarto ko. Ang ingay naman. Inaantok pa ako eh.
"Patricia. Gising na ineng. Inaantay ka ng daddy mo sa ibaba, may sasabihin daw siya" si Manang Maria lang pala.
"Sige po, maliligo lang po ako!" sagot ko at nagdiretso na sa banyo
Ano na naman kaya ang kailangan ni daddy? Its so unusual na pinapatawag niya ako. Weird. Dapat na opisina na yan eh.
Natapos na akong naligo at nakapagbihis. Nagdiretso na ako sa baba at nakita si daddy na naghihintay sa may dining area. Ano kayang sasabihin niya? Mukhang importante eh.
"Morning Dad" bati ko sakanya at umupo na rin. Nagserve naman si manang ng juice at pagkain. Nagutom tuloy ako. Sorry naman. PG masyado eh.
"Patricia." tawag ni daddy.
"Hmm?" hindi ako makasagot eh. Kumakain na kasi ako. I'm so hungry. Ang sarap talaga ng luto ni Manang.
"I need to tell you something important so I'll get to the point." sabi niya at tumango nalang ako at kumakain pa rin.
Ano naman kaya sasabihin niyang importante? Ibibigay niya na ba ulit credit card ko? Intay lang muna, wag masyadong maexcite. Sorry ha, miss ko na kasi ang credit card ko eh. Kinuha niya saken kasi yung last week. At nagsuffer ako ng wala yun!
Napa-sigh lang siya. Ano ba dad! Ambagal mo naman sabihin eh! Pasuspense ka pa!
"Remember nung bata ka? Na lagi namin sinasabing ipapakasal namin kayo ng anak ni Mr. Gilbert?" tanong niya at napatigil ako sa pagkain.
Importante nga talaga to! Sinong hindi makakalimot eh kung 5 years old ka palang eh yun na sinasabi sayo! Tubig! Kailangan ko tubig! Shete, bakit walang tubig? Juice na nga lang! Nakakabigla eh! Hindi sa OA pero kung kayo sa sitwasyon ko talagang ganito magiging reaksyon niyo! Mukhang nakahalata naman si daddy pero nagsalita ulit siya.
"Patricia, sa friday na ang engagement niyo ng anak niya"
Naibuga ko ang iniinom kong juice at nasaktong natalsikan siya, "WHAT?!"
BINABASA MO ANG
NERDY and PLAYBOY
RomanceThey never agreed to be with each other 'till forever. They've been two worlds apart for 13 years not until that day... The day that everything has changed; a day that they will face their FOREVER. But most probably a FOREVER DISASTER between 2 dif...