CHAPTER 16: HONEYMOON?!
(Patricia's POV)
After that scene, kinailangan na naming umalis.
Ano daw kasi eh..
Basta yun! Diko masabi. Ano..
I-kwento ko na nga lang! Seryoso na to!
*an hour ago*
Tinapos namin ang sayaw hanggang sa matapos din yung kanta. Pagkabalik namin sa table, nagpahinga kami saglit.
Nakita ko naman ang mga parents ko na nagsasayaw, ganun din ang parents ni Brandon.
Answeet nila. Kahit may edad na sila akala mo para pa rin silang mga teens sa lambingan nila.
Magiging ganyan din ba kami ni Brandon kung sakali? Parang ang sarap sa feeling eh. Pero malabong mangyari yun.
Napahikab na naman ako dahil bumalik ang antok ko. Anong oras na rin kasi. Mga past 10pm na rin. Tsaka hindi pa ako nakakapagpalit ng gown, nangangati na rin ako.
"Looks like our bride is sleepy. Well, maybe its time na para masolo siya ng groom. Haha" sabi ng emcee kaya napatawa yung iba lalo na sina Cheska, Dannie at Vince.
Nakaka-miss yung tatlo. Hindi ko sila masyadong naasikaso ngayon. Nakausap ko nga sila kaso saglit lang tapos inaasar lang ako.
Lumapit naman si Brandon dun sa emcee at kinuha ang mic "Im sorry everyone, but I think my bride and I are off. She needs a rest for now. So if you'll excuse us."
Lumapit naman siya sa akin "Let's go" tsaka inalalayan akong makatayo
Akala ko aalis na kami pero pumunta kami sa parents namin. Inaantok nako!
"Ingat kayo dun ha?" sabi ni daddy Gilbert
"Yes dad." sagot ni Brandon
"Yung mga gamit niyo nasa kotse na. Magpalit na muna kayo bago kayo umalis" sabi naman ni dad
Ano ba yun?
Siniko ko naman siya at tinanong "Hoy, ano yun?" di kasi ako maka-relate eh
"We're going to Palawan." simpleng sagot niya
"Ha? Anong gagawin natin dun? Gabi na kaya."
"You'll know when we get there."
I just shrugged. Bahala nga siya. Basta inaantok ako
"Galingan mo anak ha. Hihihi" sabi ni mommy Jamie
"Dapat maka-score. Hihi" si mommy din nakisabay. Tapos nag-apir pa sila ni mommy Jamie
Hindi ko nalang sila pinansin dahil hindi ko rin naman alam ang sinasabi nila.
"O siya, Patricia anak, magpalit ka na dun sa loob para maka-alis na kayo mamaya." sabi ni dad kaya umalis nako.
Pumasok naman na ako dun sa kwartong ginamit nung inayusan ako at nagulat ako ng andun si Cheska at Dannie!
"Waaaaahh! Girl! Dapat galingan ni fafa Brandon!"-- Cheska
"Dapat i-seduce mo Pats ha! Haha"-- Dannie
"Ano bang pinagsasasabi niyo? Tulungan niyo na nga lang akong tanggalin ang gown ko!"
"Ano ka ba? Diba pupunta kayo sa Palawan para sa HONEYMOON niyo?"-- Dannie
BINABASA MO ANG
NERDY and PLAYBOY
RomantikThey never agreed to be with each other 'till forever. They've been two worlds apart for 13 years not until that day... The day that everything has changed; a day that they will face their FOREVER. But most probably a FOREVER DISASTER between 2 dif...