N.A.P->[37.2]

2.2K 67 1
                                    

CHAPTER 37.2 (Part Two): HOME BY JANUARY

(Brandon's POV)

"Yeah! Sawakas nandito na tayo!" Lumabas kaagad ng sasakyan si Mike at nagtatatakbo papuntang dagat.

Hindi ko na naramdamang nakarating na kami kasi busy akong magtext kanina kay Pats. Pinagtripan pa ako ng mga loko kanina kasi katext ko asawa ko. Anong magagawa ko? Miss ko na eh.

Nagsibabaan naman na kaming lahat sa sasakyan at nakita ko ang kabuuan ng beach. Mukhang masayang mag-surf kaso December ngayon, maginaw. Hindi ko alam kung bakit naisipan nilang mag-beach eh ang ginaw-ginaw.

"Guys, tara dun! Magcheck-in muna tayo." Sabi ni Stephen kaya sumunod kami sa kanya.

"Overnight?" Tanong ko kay Trevor pagkapasok namin ng isang Resthouse. Yun lang naman ang available, may magagawa pa ba kami? Wala namang hotel o ano.

"Nope. 2 days, 1 night. Uso makinig Kaps." I just glared at him. Kasalanan ko bang mas inintindi ko ang pagtitext namin ni Pats kaysa sa sinabi ni Stephen about sa pag-stay namin dito?

"Bale yung dalawang babae sa iisang kwarto, tapos sina Trevor, Mike at Pete sa isang kwarto. Tapos kami nila Kaps, Vince at Migs naman sa isa pang kwarto. Okay ba?" Said Stephen. Yeah, I forgot about Migs, he's here too. Kaso hindi ko siya napansin kanina kasi antahimik niya.

After kaming i-assign sa rooms ay dinala na namin ang mga gamit namin sa kwarto.

"What?! No! I told you not to come here! Tsk." Nadatnan ko si Migs na may kausap sa phone at mukhang frustrated.

Binalewala ko na lang siya at nahiga na sa isang kama. Inaantok pa ako, medyo masakit pa ang ulo ko pero lintek lang at dinala nila ako dito. "Could you please go out and f*cking talk with that person outside?"

Umalis naman siya and at last! Tahimik na ulit. I could sleep all day! Mapapatay ko kung sino man ang mag-iingay ngayon sa kwarto habang nagpapahinga ako.

--

I woke up maybe 2 in the afternoon? Nagutom ako, hindi kasi ako napakag-almusal nang dinala ako dito at natulog lang ginawa ko.

I opened my phone and no messages from Pats. Tsk.

To: Wife

Can I call right now? Sorry, nakatulog ako kanina.

Naghintay ako ng ilang minuto kaso wala pa rin siyang reply. Mamayang gabi na lang siguro.

Bumaba naman na ako para sana kumain kaso may nakasalubong akong hindi kaaya-aya sa paningin. And when I say hindi kaaya-aya sa paningin, it means Krissy and Clarisse.

"Oh! Hi sleepyhead!" Bati ni Krissy at lumapit sila ng kaunti at nginitian pa ako.

Hindi ko na lang sila pinansin at nilampasan na lang sila.

"Where's your wife by the way? Himala at hindi mo kasama." Natigil naman ako dahil sa sinabi ni Clarisse. Kahit nakatalikod ako sa kanila ay alam kong nakangiti pa rin sila. I know girls, but this one is a b*tch. I don't know why I even dated her before.

"Eh ano ngayon kung wala ang asawa niya? Bakit? Lalandiin mo na naman ba si Brandon?" May nagsalita sa kanila kaya napatingin naman ako, it's Dannie. "For your information b*tches, hindi kayo welcome dito, mga SABIT lang kayo. Excuse me." Pumagitna si Dannie sa kanila at nakita ko namang nanlilisik ang mga mata nila.

"Ikaw na bata ka. Halika na nga." Natawa naman ako dahil sa inasal ni Dannie. She's still the same, pero mas naging matapang siya.

"Huwaw. Ngayon mo lang ata ako ulit natawag na 'bata' ah? Parang 1 year lang agwat natin eh. Anyare sayo?" Lumapit naman siya at inakbayan ko siya. It feels like bumabalik ang nakaraan. I've been friends with them too, but not like the bond between me and Pats. "Woy! Ambigat ng kamay mo! Maawa ka naman!" Inaalis niya ang kamay ko kaya tinanggal ko na lang at iniwan na namin sina Krissy at Clarisse doon.

Pumunta naman kami sa dining room at hindi pa rin pala sila nagla-lunch. "OMG!" Bulyaw ni Cheska pagkakita sa amin ni Dannie. "Hindi si Brandon yan!--Aray ko! Bat ka ba biglang sumasapak?!"

"OA mo eh." Vince said to her and Cheska just rolled her eyes.

"Wait wait wait! Kaps! Wag mong sasabihing si Dannie my labs ang isusunod mo? Aba, walang ganyanan Kaps." Stephen said, I can that he's really frustrated.

Napa-iling na lang ako dahil hindi nga pala nila alam na magkakaibigan na kami simula pagkabata. "That will never happen, dude." Sabi ko at naupo na sa isang upuan.

"Kuya and Me, Cheska, Brandon and Pats are childhood friends. Erkey? Yun na yun. Wag na nating pahabain. Nakakatamad magkwento." Sabi ni Dannie at naupo na sa tabi ni Cheska.

"Eh bat parang hindi halata na childhood friends kayo? Lalong lalo na kay Kaps!" Sabi naman ni Trevor.

"Ang talagang childhood friends ay sina Dannie, Cheska, Vince, Pats and Preston Kyl. Nakilala ko sila nung 6 ako dahil na rin sa lola ko at lola ni Pats. I liked Pats when we were young kaya selfish ako sa kanya noon, pero kahit papano ay nakikihalubilo ako kina Vince nun. That lasted only a week though kasi after that was, we went to America. I grew up there until bumalik kami dito, high school na ako. Diko na sila masyadong naalala, then that's it. Satisfied? Can we eat now?"

Hindi nagtagal ay kumain na rin kaming lahat. Buti at hindi na bumama yung dalawang hindi kaaya-aya sa paningin. Parang gusto kong umuwi na lang kaysa makita pa sila dito.

Habang pabalik na ako sa kwarto namin para magpalit ng damit ay nagring ang phone ko.

Incoming call..Wife

Agad kong sinagot ang tawag niya kaya hindi ko mapigilang mapangiti. I feel like a gay. Sh*t.

"What took you so long?"

"Sorry, nakatulog din ako eh. Sobrang nakakapagod kasi ang naging event."

"Hmm..Am I bothersome?"

"What? No Brandon."

"Hey..I have to tell you something." I know I should tell her, well of course she needs to know. Mas magandang malaman niya na galing sa akin. Ayoko nang mangyari ulit yung tungkol sa amin ni Clarisse. Ayoko nang magkaroon ulit ng misunderstanding sa aming dalawa. At ayoko nang talikuran niya ulit ako.

"Eh? Ano yun? Kumusta pala ang outing niyo? Sabi sakin ni Cheska natulog ka daw, mukhang may hangover. Naglasing ka?"

"Uhmm..yeah." pero hindi yun ang gusto kong sabihin sa kanya.

I heard her groan on the other line, "At bakit ka naglasing? Don't tell me you've spent Christmas in a bar!"

"Well, I did go to a bar last night, 'coz I can't celebrate Christmas without you."

Sandali lang natahimik and how I wondered how she would turn into beet red. I can't help but to smile at her, imagining her cheeks burn up. I suddenly want to hug her tightly. Darn.

"I'm sorry." And there she goes again. Sorry siya ng sorry but it's not her fault, I can't blame her.

"Hey, I told you a thousand times. Don't be sorry." Tumigil naman ako saglit at bumuntong hininga. Well, here goes nothing. "Krissy and Clarisse are here. Don't get upset, alright? Promise, lalayuan ko sila. I didn't know na nandito sila." Okay Brandon, compose yourself. You sounded so defensive over that matter.

Inaasahan kong bababaan niya ako ng tawag pero narinig ko na lang na tumatawa siya. "I know Brandon. Dannie and Cheska told me already. Alam ko namang kayang kaya nila silang dalawa. But still, thank you. Thank you for telling me."

"Please come home already so I can hug you right this damn moment." I whispered through the phone. Delikado at baka may makarinig sa akin, kantsawan pa ako.

"Brandon..I have something to tell to you too."

"Hmm? Ano yun?"

"Something came up, a new project for next year. So.. Maybe I'll be home by January.."

NERDY and PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon