N.A.P->[34]

2.6K 64 0
                                    

(I’m sorry for the long wait! Sinabi ko na by Friday night ay maga-update ako pero ngayong Saturday night ko ginawa. I’m sorry po. Medyo naging busy po kasi kaya hindi ko naasikaso. I hope na magustuhan niyo itong Chapter 34 and Chapter 34.2. I appreciate your support for my story! Thank you so much!)

CHAPTER 34: Grandchildren

(Patricia’s POV)

“Hay nako! Parang kailan lang war kayo tapos kung makapaglambingan kayo ngayon! Tss.” Sambit ni Cheska at umalis sa tabi ko.

“Pagbigyan! Ang bitter mo Cheska!” sabi naman ni Vince sa kanya.

Natawa nalang kami dahil sa inaasta nila. Nandito kasi kami sa field ng school namin, at ganyan na lang kung maka-react si Cheska kasi katabi ko ngayon si Brandon. Hinihintay namin si Dannie kasi may class siya hanggang 6pm. Medyo madilim na kaya okay lang na magkatabi kami ni Brandon, wala na rin namang masyadong tao dito sa field. Hindi nila kami mamumukhaan.

Naramdaman ko naman ang kamay ni Brandon sa bewang ko at mas inilapit niya ako sa kanya. “Ano ka ba Brandon.” Nahihiya ako sa harap nina Cheska at Vince! Oo nga at kinikilig ako sa ginagawa niya kaso may hiya naman ako kahit papano, lalo na at sa harap pa ng kaibigan namin. “Huy!” tinatanggal ko na yung kamay niya sa bewang ko kaso ayaw niya talagang tanggalin at isiniksik niya pa ang mukha niya sa leeg ko, “Waaaahhh! Brandon may kiliti ako dyan!”

“Aray ko.” napahawak siya sa sentido niya nang maitulak ko siya kaagad at nauntog siya sa poste sa tabi niya. “I didn’t know that you were strong.” Sabi niya at umayos na ng upo.

Hindi ko na lang siya pinansin at tumabi kay Cheska, “Hey, nagkausap na ba kayo?” tanong ko sa kanya.

Umiling na lang siya at napatingin sa baba, “Hayaan mo nga siya. Wala siyang kwenta. Nakakaimbyernang lalake yun. Huh! Subukan niyang magpakita sa akin at nakoooo!”

“Hep hep hep!” anong pinag-uusapan niyo?” bigla namang umeksena si Vince sa usapan namin at pareho kaming inakbayan ni Cheska. Narinig ko namang tumikhim si Brandon at agad namang bumitaw sa akin si Vince, “Tss. Possessive.” Narinig kong sabi niya kaya natawa na lang ako. “Pero seryoso, Cheska, kumusta na kayo?”

“Ayun, nalintikan na.” tanging nasabi ni Cheska, “Ang gag* niya pala eh! Pag makita ko yun, lagot sakin yun.” nanggagalaiting sambit niya at sinasabunutan ang grass. Nako, delikado to. Galit na to.

“Wag kang mag-alala, akong bahala dun.” Sabi ni Vince at hinaplos haplos ang likod ni Cheska para i-comfort siya.

“I’ll talk to him tomorrow.” Sabi naman ni Brandon kaya napatingin ako sa kanya. Napangiti naman ako sa sinabi niya, atleast may care pa rin siya sa kaibigan namin.

“I can’t believe na ipinagpalit niya ako sa isang..ugh! Hindi ko ma-take!” bulyaw ni Cheska, “Bwisit na Miguelito yan! Ambantot na nga ng pangalan! Sa isang pipitchuging babae pa pumatol!”

Ewan ko kung maaawa pa ako kay Cheska o matatawa sa sinasabi niya eh. Yung totoo? Galit ba siya o nanlalait? Kamakailan lang kasi na napag-alaman naming may ibang babae si Migs ngayon, unfortunately, pumatol si Migs doon sa isang tourism student na hate na hate ni Cheska. Kaya pala hindi ko na masyadong napapansin si Migs na umaaligid kay Cheska, yun pala matagal na silang nagkakalabuan. Ni hindi man lang sinasabi sa amin ni Cheska ang nangyayari sa kanila, parang wala lang sakanya pero kung magalit naman, hay! Hindi ko siya maintindihan. Kilala ko si Cheska, alam ko sa loob loob niya mahina siya, ipinapakita niya lang na matapang siya pero alam kong may kahinaan din siya. Kahit ganyan lang siya, alam kong mahal niya si Migs, halos 2 years na rin sila, at siya pa ang first boyfriend niya. Kahit ina-under niya lang si Migs, alam kong mahal niya yung lokong yun.

NERDY and PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon