CHAPTER 6: FIANCÉ
(Patricia's POV)
Tumingin naman siya sakin at napatigil sa paglalakad ganun rin ako, mukhang iniintay ang sasabihin ko, "Gutom nako, haha. Di kasi ako nakapag-recess kanina eh. Pasama naman! Pwede?" gutom na talaga ako eh. Kumakalam na nga sikmura ko eh.
Napatawa nalang siya at hinawakan ang kamay ko at dumiretso kami ng canteen.
Pagpasok namin. May nagkakagulo. Anong meron?
Bakit nandito yung mga tauhan ni daddy?
"Mr. Charles? What are you doing here?" tanong ko agad nang makita ko ang secretary ng daddy ko. Close kami niyan. Kaya sanay nang sinisigawan ko. Pero teka? Bakit ba sila nandito? Kasama niya pa yung limang bodyguard eh. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao.
"Thank God Patricia, you're here." sabi niya at lumapit sakin
"Hindi, wala ako dito, andun ako" sabi ko at binatukan naman ako ni Vince.
Tumingin ako kay Vince ng masama at parang sinasabi niyang 'Sino yan? Wag mong barahin'
"Secretary ni daddy yan, okay lang na binabara ko siya" sabi ko ng pabulong sakanya habang naka-poker face naman si Mr. Charles.
"Mr. Charles, bakit po kayo nandito?" tanong ko.
"Kasi wala ako sa office"
Yan kasi napapala nang nangbabara sa tao. Hindi ka tuloy makausap ng seryoso.
"Seriously, what are you ALL doing here? Alam ba ni dad na nandito kayo?"
"About that, siya ang nagpadala samin dito"
"Why?" tanong ko. Bakit naman kaya?
"For this." pagkasabi niya nun, he snapped his fingers at biglang lumapit sakin yung mga bodyguard.
"Bitawan niyo ako! Mr. Charles, ano po bang ginagawa nila? Aray! Masakit! Bitawan niyo nga ako! Sasabihin ko kay dad natatanggalin kayo sa trabaho! Vince!" nagpupumiglas ako pero ayaw nila akong bitiwan. Ang lakas nila!
"Pats!" lumalapit sakin si Vince pero hinaharangan siya nung tatlong bodyguard kasi yung dalawa ang nakahawak sakin.
"You three, go get him." utos ni Mr. Charles dun sa tatlo
Sumunod naman sakanya yung tatlo at maya-maya may hawak na silang isang lalake at pilit rin na nagpupumiglas.
"Hello Mr. Dela Cruz" Mr. Charles said tapos inangat naman nung lalaki ang kanyang ulo
"IKAW?" sabay kaming napasigaw kaya naman mukhang nagulat din ang mga tao sa paligid.
"Teka! Mr. Charles! Ano po bang nanyayari?!"
"You know these people?!" inis na tanong ni Brandon sakin.
"Duh! Di ba halata? Kaya nga tinawag ko siya sa pangalan niya eh--aray! Vince naman eh!" Hala! Nakuha niya pa akong batukan samantalang hirap akong nagpupumiglas sa hawak ng mga bakulaw na ito eh!
"Mag-ayos ka kasi" sabi ni Vince
"Okay fine, mga tauhan sila ng daddy ko. Tapos yang lalakeng yan" turo kay Mr. Charles "Secretary siya ng daddy ko, okay? Tapos itong mga bakulaw na ito, teka nga kasi, ang higpit naman kasi ng hawak eh..mga bodyguard sila ni dad okay? Gets mo na?" tanong ko kay Brandon
BINABASA MO ANG
NERDY and PLAYBOY
RomanceThey never agreed to be with each other 'till forever. They've been two worlds apart for 13 years not until that day... The day that everything has changed; a day that they will face their FOREVER. But most probably a FOREVER DISASTER between 2 dif...