CHAPTER 27: LEZZ CELEBRATE!
(Patricia's POV)
It's thursday and it's boring. Back to normal na kasi. An when I mean normal, I meant back to being the nerd I used to.
Nagsasalita yung prof and as usual, heto na naman ako. Nag-aaral.
Nilabas ko na yung book ko ng bigla akong kinalabit ni Hiro. Kaklase ko kasi siya sa lahat ng subjects ko. Remember?
Tinignan ko naman siya at tinuro yung papel sa sahig, "Nahulog mo."
Nagtataka naman ako kung ano yun kasi wala naman akong iniipit na kung anong papel sa libro ko pwera lang mga bookmarks, pero dinampot ko pa rin.
And to my surprise, it was a note.
Nerd, meet me at the cafeteria rooftop at noon.
Hindi ko na kailangang malaman kung sino ang nagsulat nito. Kasi obviously si Brandon ang naglagay ng note nato sa book ko.
Ano na naman kaya ang kailangan ng mokong nato? Hmm.
"What's that?"
"Ay palaka! Kyl naman!" nagulat ako dun ha! Nakalimutan ko nga palang kaklase ko rin to! Buti mahina lang ang pagkasabi ko dun. Kundi nakoooo! Eksena na naman.
"What's that?" tanong niya ulit
Umiling nalang ako at agad na tinago ulit sa libro ko yung papel. Usisero kasi tong lalakeng to.
11:54am
Break namin at magkasama kami ni Hiro at Kyl. Pupuntahan namin sina Dannie at Cheska. Diko na sila masyadong nakakausap.
"Paaaaats!" bungad sa akin ni Cheska "Why are you with that guy?" turo niya kay Kyl
"Nice to see you too." sarcastic na sabi ni Kyl kay Cheska
"Hirooooo!" bungad naman ni Dannie kay Hiro
"Oyoyoy. Ikaw babae ka ha." tigil naman ni Cheska kay Dannie
"Wala naman si Kuya eh. Hihi." halla, tong babaeng to
"Anong wala?" nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ni Vince!
Agad namang umiwas si Dannie kay Hiro at tumabi kay Cheska.
"Hi Pats!" bati sakin ni Migs at Stephen
"Hello!" bati ko rin sakanila pabalik "Anong meron? Bat nandito kayo?" tanong ko
"Itatanong sana namin kung nasaan si Brandon. Hindi kasi siya pumasok." sabi ni Vince
"Ha? Eh akala ko pumasok siya? Sabay pa nga kaming pumasok eh. Pero dun ako sa kanto bumaba. Sigurado kayo?" tanong ko
"Pats, kaklase ko si Brandon." sabi ni Vince
"Paanong aabsent yun eh--" natigil ako sa pagsalita nang may maalala ako.
Agad ko namang tinignan ang oras
12:03pm
"I know where he is." sabi ko sakanila at dumiretso sa rooftop ng cafeteria
Ano naman kaya ang naisip ng lalakeng yun at hindi pumasok?
Nakarating ako sa rooftop at nadatnan siyang nakatayo lang dun at halatang naiinip.
"What took you so long?" inis na sabi niya
"Pasensya naman daw at nakalimutan ko. Kung hindi ka pa hinanap sa akin nila Vince, malamang na makakalimutan ko na." sabi ko at lumapit sakanya "Oh? Eh bakit mo nga ba ako pinapunta dito?"
"What?" tanong niya pabalik. "Pinapunta kita dito?"
"Yeah. You put a note inside my book diba?"
"What note? Atsaka hindi kita pinapunta dito. Ikaw ang nagpapunta sa akin." sabi niya
Magsasalita na sana ako ng biglang nagsidatingan sina Vince, Migs at Stephen with Dannie, Cheska, Hiro at Kyl. Kasama din pala ang ibang team mates nila Brandon, yung mga nakakaalam na kasal na kami.
May mga dala silang mga pagkain and a cake.
"What the hell is going on here?" tanong ni Brandon sakanila
"Lezz celebrate!" sabi naman ni Migs at Stephen
"For the both of you making up! Diba nga kasi last week war kayo, then nalaman nalang namin kay Hiro na peace na kayo. Kaya were happy for the both of you!" sabi ni Dannie
Napafacepalm nalang si Brandon dahil sa kabaliwan nila. Maski ako, ganun rin siguro ang nagawa ko. Kailangan pa talagang i-celebrate?
"Guys, OA niyo." sabi ko sakanila
"Hep! Hep! Hep! Hindi lang yun ang ise-celebrate natin!" sabi ni Cheska
Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Ano pa ba ang ise-celebrate?
"Hello! It's your one month as husband and wife!" bulyaw ni Dannie
Natahimik naman ako. Has it been a month already? Hindi ko namalayan yun ah.
Napatingin naman ako kay Brandon and just like him, mukhang hindi niya rin namalayan na 1 buwan na ang lumipas after ng kasal namin.
"So? Magtitinginan nalang kayo? Ganun?" sabi ni Vince
"Hindi pa nagsisink-in sakanila kuya na ONE MONTH NA SILANG MAG-ASAWA!" sabi ni Dannie na talaga diniinan sa parteng yun.
"Tsk! Tara na nga lang magcelebrate!" sabi ni Vince at hinila kaming dalawa ni Brandon papunta dun sa isang mahabang table na ngayon ko lang napansin na meron pala dito sa taas.
Ipinagtabi niya naman kami at inilapag nila lahat ng pagkain sa table.
"Wala man lang greetings from the both of you? Ano ba yan." sabi ni Dannie kaya pinandilatan ko siya
Nakisabay naman sakanya ang lahat kaya nagulat ako ng bigla akong hinalikan ni Brandon sa pisngi and said, "Happy 1 month wife."
"Yieeeee! Yun oh!" Todo naman ang hiyawan nila kaya naramdaman ko nalang ang pag-init ng pisngi ko. Shooooocks!
Inakbayan nalang ako ni Brandon sabay gulo ng buhok ko kaya pinandilatan ko siya. Nginitian niya nalang ako at niyakap kaya mas tinukso kami eh!
"Guys! Andaming langgam! Kain nalang tayo!" sabi ni Migs kaya sinimulan na naming kumain.
"Happy 1 month husband." bulong ko kay Brandon kaya nginitian niya ako.
"Oyoyoy. Kayong mag-asawa. Kumain na muna. Brandon, pwede mo ng bitawan ang kamay ni Pats." sabi ni Cheska na ngayon ko lang namalayan na hawak pala ni Brandon ang kamay ko.
Nagtawanan naman kaming lahat pero hindi binitawan ni Brandon ang kamay ko, instead, inintertwine pa niya.
"Ay nako, kayo bang mag-asawa ay nagkakamabutihan na ba?" usisa ni Vince
Nagtinginan naman kami ni Brandon at hindi nalang siya sinagot. Bahala nga sila. Haha.
BINABASA MO ANG
NERDY and PLAYBOY
RomantiekThey never agreed to be with each other 'till forever. They've been two worlds apart for 13 years not until that day... The day that everything has changed; a day that they will face their FOREVER. But most probably a FOREVER DISASTER between 2 dif...