N.A.P->[44]

2K 59 2
                                    

CHAPTER 44

(Patricia's POV)

1 month later

Isang buwan na ang nakalipas simula nang tratuhin ako ni Brandon ng ganun. Isang buwan na rin ang nakalipas at kinamumuhian na ako ng mga estudyante sa university dahil sa nakalap nilang impormasyon. Isang buwan na ring hindi maayos ang relasyon namin ni Brandon. Kahit sina Dannie at Cheska ay hindi na ako pinapansin dahil sa nangyari.

Ang sakit lang isipin dahil sa nangyaring yun, naging malabo na ang lahat. Hindi pa nila alam ang buong katotohanan pero sarado na ang mga isipan nila. Mas malala pa ito sa kalagayan ko nung kilala ako bilang nerd ng Rodriguez University. Iniisip ko nga, sana pala nerd na lang ako habang buhay, kahit na kinukutya ako dahil sa ganung itsura matatanggap ko pa. Pero sa lagay na ito, ang pangungutya ng tao sayo dahil sa isang kamalian, parang buong pagkatao mo na ang hinuhusgahan.

Alam kong nagkamali ako, pero sana naman ay maging bukas ang isipan nila sa katotohanan.

Yun ang lagi kong dinadasal, paano kung malaman ni Brandon ang totoo, may pag-asa pa kayang mapatawad niya ako?

"Pats, kumain ka na. Sige ka, papangit ka." Sabi sa akin ni Vince at binigay sa akin ang pagkaing inorder niya.

Si Vince, silang dalawa na lang ni Preston ang nakakaintindi sa akin. Imbes na si Dannie at Cheska ang dapat na nakakaintindi sa akin ay sila ang nandyan sa akin simula nang magkagulo ang lahat.

Kahit na nasa ibang university si Preston ay dinadalaw niya pa rin ako dito. Alam niya ang lahat ng nangyari, pasalamat na lang ako dahil hindi siya natulad kina Dannie at Cheska. Nagalit din sila ni Vince sa akin nung nalaman ang totoo, nabalitaan ko pa ngang muntikan na nilang mapatay si Hiro sa pagbubugbog nila sa kanya.

Nginitian ko naman siya at kinain na lang ang pagkaing ibinigay niya sa akin. Pero nang maamoy ko ang binalatan niyang orange ay nakaramdam ako ng pagbaliktad ng sikmura ko.

Napatakip naman ako sa bibig ko dahil parang masusuka ako dahil sa amoy. Bakit ganun? Gustong gusto ko naman ang amoy ng orange, pero bakit parang iba ngayon?

Napansin siguro ni Vince ang naging reaksyon ko, "Pats? Okay ka lang?"

Tumango naman ako at pinagpatuloy ang pagkain. Ayokong mahalata niya yun.

--

Dumating ang hapon at katatapos ng klase ko nang may natanggap akong text mula kay Brandon.

From: Brandon
I'm waiting.

Yun lang ang laman ng message niya. Ibig niyang sabihin, nasa parking lot na siya. Kahit papaano, hinahatid at sinusundo niya pa rin ako matapos ang nangyari sa amin. Pero andun pa rin ang distansya sa amin, hindi na siya tulad ng dati na palangiti, halos hindi na niya ako kinikibo pag magkasama kami, kahit nasa iisang bubong kami.

Dali dali naman na akong pumunta ng parking lot at naabutan ko siyang nakasandal sa kotse. Nang makita niya ako ay agad siyang pumasok sa loob kaya binilisan ko na lang ang kilos ko at sumakay na rin.

Habang nasa daan kami patungo sa bahay namin ay nakaramdam ako ng antok. Malapit na kasi ang midterms exam kaya medyo nagpupuyat ako para makahabol ako sa lessons.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako, at naalimpungatan ako nang naramdaman kong parang nasa ere ako.

"Brandon.." ngayon ko lang narealize na buhat pala ako ni Brandon at ipinasok niya ako sa kwarto at inihiga sa kama.

"Just sleep, gisingin na lang kita pag kakain na." He said and leaned on and gave me a kiss on my forehead at lumabas na ng kwarto.

Medyo nanlabo ang mata ko at naiiyak ako dahil sa ikinilos niya.

For just seconds, I saw the Brandon I know. He still cares kahit na ganito na kami ngayon, I missed that Brandon. Oh, how I wanted to hug him right now.

NERDY and PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon