CHAPTER 25: HUSBAND and WIFE
(Patricia's POV)
"Awww. Hon! Ang cute nila! Tayo rin!"
"Mom!"
"Bakit? Kayo lang ba ni Pats ang may karapatang maging sweet?" pangangatwiran ni Mommy Jamie "Hon! Say 'aaahh'~"
"Urgh! I think I'm gonna be sick!" pagrereact ni Brandon at umalis sa hapagkainan
Sinundan ko lang ang tingin niya na parang may sinasabi kaya naman, "Ahm. Mommy, daddy..sundan ko lang po si Brandon." sabi ko at dali daling sinundan si Brandon
Naupo naman si Brandon sa couch sa sala kaya naupo ako dun sa tabi niya. "Bat ka ba biglang umalis dun?" tanong ko sakanya
Tinignan niya lang ako na nakataas ang isang kilay, "I don't think na gugustuhin mong makita ang susunod na eksena." sabi niya at nahiga sa hita ko. So ganun? Kelan pa ako naging unan? -.-
"Ewan ko sayo. At pwede ba, hindi ako unan. Shupi!" kaso ang loko ayaw umalis at kinuha ang kamay ko at nilaro laro.
"Just let them there. Pag ganun na kasi si mommy, iniiwan ko sila para sa moment nila ni dad." sabi niya habang nilalaro ko ang buhok niya.
"Ang sweet nga nila eh." infareness ha, anlambot ng buhok niya.
"Yah. And that makes me sick."
"Eh dun sila masaya eh. Pagbigyan mo nalang sila. Ok?"
Nginitian niya naman ako at hinalikan ang kamay ko. "You've got soft hands, wife."
"Kaya naman pala nagtataka ako kung bat antagal niyong bumalik, yun pala gusto niyo lang magsolo. Hihi." napabangon naman agad si Brandon nang madatnan kami ng parents niya sa ganoong posisyon.
"Kayo lang ba ni dad ang may karapatang magsolo?" tanong ni Brandon kay mommy Jamie at tumabi sa akin at inakbayan ako. And take note! Hawak hawak niya pa rin ang kamay ko. Tinatanggal ko kaso ayaw niyang bitawan. "Right wife?" baling sa akin ni Brandon habang nakangiti.
Ugh. Ang creepy niya. I'm getting goosebumps all over.
Pinisil pisil niya naman ang kamay ko, at alam ko kung anong gusto niyang gawin ko. "Ano ka ba naman husband. Siyempre gusto rin nila mommy magsolo." sagot ko nalang.
Bat ko siya tinawag na 'HUSBAND'?!
Ngiting ngiti naman si Brandon at walang pasabi bigla niya akong hinalikan sa pisngi. "I like the way you call me that, wife." bulong niya sa akin.
Dahil dun bigla ko naman siyang naitulak, I mean nasapak sabay tulak. "Halla. Sorry Brandon. Ikaw naman kasi bigla bigla kang nanghahalik. Sino ba naman ang.."
"It's alright wife." sabi niya habang ngiting ngiti pa rin.
Anak ng! Masasapak ko talaga ulit tong lalakeng to! Hinalikan ba naman ulit ako?! At ang matindi pa, sa lips niya pa ako hinalikan! Ano ba naman yan T_T
"Eeeeekk!" hulaan ko, si Mommy Jamie yan
"Hon, masyado ka ng kinikilig." suway sakanya ni Daddy Gilbert.
"Yung magaling mong anak kasi! Di ko inakalang ganyan pala sila ka-sweet ni Patricia. Just like when they were kids. Ang sweet pa rin nilang dalawa sa isa't-isa." saad ni Mommy Jamie
Dahil sa sinabi ni Mommy napatingin ako kay Brandon at ganon din siya.
Oo nga. Maalala ko nung mga bata pa kami, sweet na siya. "That's true mommy." sabi ko "And I never expected na mas magiging sweet pa si Brandon ngayon."
"Of course, you're my wife now Patricia. Everything now is not the same as before. Sometimes, you'll never expect yourself to change for someone." sabi niya habang nakatingin sa akin
"Hay nako. O siya mga anak! Aalis na kami at para makapag-moment kayo. Haha. Bye na" rinig kong sabi ni Daddy Gilbert kaya napatingin ako sakanila ni Mommy Jamie na nasa may pintuan na.
"Bye Pats!" paalam ni Mommy Jamie
"Ingat po kayo!" sabi ko nalang kaso nakalabas na sila. "O siya, at aayusin ko na yung mga pinagkainan natin kanina." tatayo na sana ako kaso pinigilan ako ni Brandon "Ano ba Brandon.."
"The things you said earlier with my mom, I heard it." sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko. "Was it true or just a part of the act?" seryosong tanong niya.
Tinitigan ko naman siya ng mabuti kaya napayuko ako. Akala ko hindi niya narinig, pero anong magagawa ko? He heard the truth.
Inangat ko naman ulit ang ulo ko only to find out na nakatingin pa rin siya sa akin kaya nginitian ko siya, "Yes husband. All the things I've said was true. All I thought being your wife would be the biggest mistake in my life but it never did since the day we became one Brandon." I said looking intently at him. "Yes, aaminin kong medyo nag-aalangan ako nung una dahil sa tingin ko, hindi na ikaw yung Brandon na nakilala ko. But I was proven wrong again. You're still the same Brandon I used to know, but.."
"I have this 'playboy image', is that it?" tanong niya kaya tumango nalang ako. "Patricia, like I've said earlier, everything now is not the same as before. Sometimes, you'll never expect yourself to change for someone. The whole act this morning Pats, was not a part of the deal for me." sabi niya
Nagulat naman ako dun, "So you mean.."
"Yes wife, that was not just an act for me. Lahat nun, totoo. The endearment, hugs and kisses, I meant it Pats." sabi niya at napabuntong hininga "And I thought..
why don't we give this marriage a try? You and me, as real HUSBAND and WIFE? Because Pats, I would really want to give it a try."
Natahimik naman ako bigla sa mga sinasabi niya, "Bakit mo sinasabi lahat ng mga to?"
Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay niyakap niya nalang ako at natawa nalang "You'll soon discover wife. Just let us give this marriage a try."
Kumalas naman ako sa yakap niya at tinignan siya, "Shunga ka ba? From the very start Brandon, I am giving this marriage a chance. Kaya nga nasa harap mo ako ngayon bilang asawa mo eh."
Ngiting ngiti naman siya and cupped my face, "That's all I wanted to hear, wife."
And without any permission, he gave me kiss. "Nakakarami ka na husband ha." sabi ko
Hindi nakalusot sa akin yung nakakalokong ngiti niya! Loko talaga to. "What? I didn't hear you wife."
"Wala naman akong sinasabi eh." sige lang Pats, pa-inosente pa -.-
Natawa nalang siya at hinalikan ulit ako. O siya sige na, aangal pa ba ako? Hihi
"Ehem!" biglang may tumikhim kaya agad kong naitulak si Brandon.
Gosh! Aatakihin ata ako sa puso neto eh!
"Sorry to interrupt you but Patricia, try to check your phone honey, I've been trying to call you this morning." sabi ni Mr. Charles
Yeah. Si Mr. Charles ang nandito -.-
"Sorry po Mr. Charles, pero bat po kayo nandito?" tanong ko
"Press Conference." sabi niya kaya nanlaki ang mata ko
"Ngayon na po yun?!"
"Yes. And andito na rin si Hiro para sabay na kayo mamaya." sabi niya na sakto namang pagpasok ni Hiro
"Hi Pats! Yow Brandon!" bati niya sa amin. Narinig ko naman ang pagmura ni Brandon.
Oh shiz.
BINABASA MO ANG
NERDY and PLAYBOY
RomanceThey never agreed to be with each other 'till forever. They've been two worlds apart for 13 years not until that day... The day that everything has changed; a day that they will face their FOREVER. But most probably a FOREVER DISASTER between 2 dif...