SPECIAL CHAPTER

640 15 1
                                    

SPECIAL CHAPTER

(His side)

“I wish I can believe you Brandon, but I just can’t.”

I didn’t know which was more painful, seeing my wife walked away from me or knowing that my wife doesn’t trust me that much?

Kinabukasan, wala akong nadatnang asawa ko. Nagluto lang siya ng pagkain at note na nauna na siyang pumasok. Ramdam kong umiiwas siya, at hindi ko kayang ganun na lang ang mangyayari sa amin. Sinusubukan ko siyang tawagan kaso hindi niya sinasagot, nagtetext ako kung nasaan ba siya para makapag-usap ulit kami kaso ni isang reply niya wala akong natanggap. F*ck! Ganito ba ang pakiramdam niya noong hindi ko sinasagot ang bawat text at tawag niya? Ginagantihan mo ba ako Pats? Ginawa ko lang yun dahil gusto kong ayusin ang gusot na nagawa ko, at ayaw kong may malaman siya tungkol doon. Dahil gusto ko, pag-uwi niya ay sabay naming ise-celebrate ang 2nd month naming as husband and wife.

I wanted to celebrate it with her na walang manggugulo. I’m not dumb para hindi makahalata sa kilos ni Clarisse nung nagkita ulit kami. I know girls, and I’ve known Clarisse. She became more clingy and irritating. She wanted to be with me again but I said that I was already married but she didn’t believe me. The next day na nagkita kami sa bar na yun, sinabi niya sa akin na alam niya kung sino ang asawa ko. Ayaw niya pang maniwala na si Pats ang asawa ko, her friend back at high school. Alam niya ang sikreto ni Pats na pagiging model niya at pinagbantaan niya ako na gagawa siya ng paraan para matibag ang marriage namin, dahil na rin sa mga impormasyong nakalap niya, alam niya ang estado ni Pats sa school at pag once na sinabi niya sa school ang tungkol sa amin, alam niyang sisiraan siya ng ibang estudyante at siguro ay ang pagiging model niya ay makalat at pwedeng makasira sa image niya. I didn’t want that to happen, of course. But she was too desperate of me. Hindi ko na alam ang gagawin ko noon, at alam kong nag-aalala na rin si Pats noon. But I didn’t have a choice, ayoko naming umuwi siya agad dahil sa gulong ito. Clarisse is not the friend she thought she was. At ayokong magkaroon ulit sila ng ugnayan kasi pag mangyari man yun, alam kong tatraydurin lang ni Clarisse si Pats.

But then, Pats came home earlier than I thought. I was drunk that day she came home. Dinaan ko nalang sa pag-inom noon ang problema ko dahil kahit na anong sabi ko kay Clarisse na lubayan na niya ako ay hindi niya ginagawa.

Nakita ko na lamang si Pats na nakahiga sa kama naming. Sa mukha niya, halata mong stressed siya, namayat din siya ng kaunti pero masaya ako dahil umuwi na siya. God knows how much I’ve missed her. Pero nataranta ako bigla noong nakita ko siyang umiyak. That was my weakness, her tears. I was not convinced sa sinabi niyang rason kung bakit siya umiiyak that night, I can sense that something’s bugging her thoughts. Pero ayaw ko naman siyang pilitin na sabihin niya, dahil alam kong ako ang dahilan ng pag-iyak niya. I’m sorry for that. Gusto kong magalit sa sarili ko. Pinaiyak ko ng asawa at the same time naglilihim ako sakanya. But trust me for this wife; I’m doing this for your sake.

Hapon ng araw na yun ay nadatnan ako ni Pats na nakabihis. Sinabi kong may aasikasuhin lang ako at gagabihin. Nakita ko naman sa mukha niya na medyo nalungkot siya, sh*t! Kung pwede lang talaga na hindi ko siputin si Clarisse nung oras na yun ay ginawa ko. I wanted to be with her.

Nakarating ako doon sa venue ng pagkikita namin ni Clarisse kaso kung minamalas nga naman ay nakita ako ng asawa ko. Tapos itong si Clarisse ay sinabi pang nagkabalikan kami which is not. Nagkita kami dahil kakausapin kong tigilan na niya ako dahil may asawa na ako. I never expected her to be some kind of sh*t na lolokohin niya ang dati niyang naging kaibigan.

I wanted to explain to Pats, but it was too late. She’s been hurt and I’m so f*cking furious at myself! All I wanted was for us to make this marriage to work out. I am sure that I love her ever since and I will do whatever I can to make her stay by my side. Yes, and I am seriously in love with the nerd I used to bully back at high school. But she can't even believe that I love her her and it's all my f*cking fault. 

I'm sorry wife, but I assure you. You'll believe me soon. I promise.

NERDY and PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon