CHAPTER 16.3 (Part Three): UH-OH!
(Dannie's POV)
Hihi. Ang pogi talaga ni kuya ko! Mainggit kayo! Haha. Joke lang!
Makapunta na nga lang sa room! Late nako eh. Baka pagalitan pa ako mamaya
"Psst"
Biglang may sumitsit pero hindi ko nilingon. Ano ako? Aso? Sa ganda kong ito? Loko pala yun eh!
"Psst!"
Hayaan mo lang yan Dannie, hindi ikaw ang sinisitsitan.
Pero ako lang ang tao dito sa way na ito. Ni wala nga ring aso eh. Malamang bawal yun dito sa university!
"Psst!!"
"Ano ba?! Kanina ka pa huh?! Sa ganda kong to sinisitsitan mo la--Hiro?!" napatigil ako sa pagsigaw ng makita ko si Hiro. Siya nga ito!
"Ako nga. Hehe." sabi na nga ba siya eh!
"Grabe lang! Bakit mas pumogi ka?!" lumapit ako sakanya at in-examine ng mabuti ang mukha niya "Bakit ngayon ka lang ulit nagparamdam?!"
Grabe! Ilang weeks siyang nawala!.Kahit isang araw lang yun nakakamiss ang cuteness niya! Hihi.
"May photoshoot kasi ako nun sa Italy tapos sunod naman nun sa Thailand."
Oo nga pala. Nakalimutan kong model pala ito at hectic ang schedule! Nahiya ako dahil in-demand ang pagmunukha niya
"Waaaahh! Hiro! Namiss kita alam mo yun?!" tapos niyakap ko siya. Ang gaan kasi ng loob ko sakanya kaya ganun na lang ng pakikitungo ko sakanya "Kelan ka pa dumating?" tanong ko pagkabitaw ko sakanya
"Kahapon lang, may guesting kasi ako kaya ngayon lang ako ulit nakabalik sa university."
"Ikaw na talaga ang model! Hiya ako sayo dre!" pero tinawanan lang niya ako.
Ginulo niya naman ang buhok ko tapos ngumiti. "Miss rin kita. Hehe"
Awww. Ang cute niya :">
"Pwes, meron ring isang babae ng miss ka na! Hihi. Tara!" tapos hinila ko na siya at tumakbo kami.
Mainggit kayo! Haha. Itatakas ko na to! Haha. Joke lang ulit!
**
"Waaaahh! Hirooo!"
"Waaahh! Dannie! Tulong!"
"Haha. Hoy Cheska, wag mo ngang minomolestya yan. Akin yan no!" haha. Grabe naman kasi itong si Cheska!
Yup. Pinuntahan namin si Cheska. At saktong wala yung prof nila!
"Na-miss ko nga siya eh. Bakit kasi? At anong sayo? Excuse me, hati tayo"
"Nawala lang ako ng ilang linggo ganito pa inabot ko. Hihi. Miss ko kayo!" tapos niyakap niya kami, pero humiwalay rin agad. "Saan nga pala si Pats?"
Nagtinginan naman kami ni Cheska dahil sa tanong niya.
Uhmmm. Sasabihin ba namin? Di kasi siya updated eh.
Siniko naman ako ni Cheska at pinandilatan ako "Ikaw na magsabi"
Pinandilatan ko rin siya. Bakit ako?
"May nangyari ba?" tanong ni Hiro
Tumango naman kami ni Cheska.
"Ano?"
"Wala" sabi ko
"Meron"-- Cheska
"Ano ba talaga?" tanong niya
"Ah ano, ang ibig sabihin ni Cheska, merong nanyare pero walang kwenta lang naman. Pinapunta siya ng parents niya sa Palawan dahil sa isang business something. 5 days siya dun so baka sa thursday ang uwi nila." sabi ko
"Nila? Akala ko siya lang?"
"Ay! Kasama niya pala yung isang business associate ng parents niya kaya ayun" paliwanag naman ni Cheska
"Ah. Sayang naman. Pero ok lang. Hihi."
Wooo! Nakaligtas kami dun! Pasalamat ka Pats ha!
Wala sa amin ang desisyon kubg sasabihib mo ba kay Hiro na kasal ka na.
Pero ngayon, mag-enjoy ka muna sa honeymoon niyo at mage-enjoy kami kasama si Hiro
(Vince's POV)
Iniwan ko na yung mga baliw doon. Baka mahawa pa ako eh. Pogi pa naman ako.
Nagugutom na ako. Magpalibre kaya ako kay Dannie? Mehehe.
Matawagan nga yung bubwit na yun.
*dialing Dannie's number..
Naka-ilang ring na kaso hindi nasagot. Baka may klase? Tsk. Sayang.
Sige na nga. Makapunta nalang sa cafeteria. Di ko nagbreakfast dahil dun kay Dannie eh.
Speaking of Dannie, nakikita ko siya ngayon. Kasama ni Cheska at..
SINO YUNG LALAKENG YUN?!
Agad naman akong pumunta sa lugar nila at naabutang nagtatawan sila habang kumakain.
"Ehem." singit ko sa pagtawa nila
"Oh! Hi kuya! Hehe"
"Sino siya?" sabay turo dun sa lalakeng katabi niya
"A-ah kuya, si Hiro. F-friend namin."
"Talaga? Ang ganda nga ng posisyon ng kamay niya kanina sa balikat mo eh"
"Uh-oh" comment ni Cheska
Uh-oh talaga! Maka-akbay sa kapatid ko eh!
Sabihin niyo ng strict kuya ako pero ayaw ko kasing may umaaligid na lalake sa kapatid ko. Kung si Stephen na nga lang eh
BINABASA MO ANG
NERDY and PLAYBOY
RomanceThey never agreed to be with each other 'till forever. They've been two worlds apart for 13 years not until that day... The day that everything has changed; a day that they will face their FOREVER. But most probably a FOREVER DISASTER between 2 dif...