N.A.P->[28]

2.6K 65 1
                                    

CHAPTER 28: ANOTHER GIRL

(Patricia's POV)

December na pala.

Christmas is drawing near. After nung celebration namin last month for our first month as husband and wife, naging busy na ako until now.

Me and Hiro are always together since we are partners. Since the release of last month's issue of the magazine, sunod sunod na ang naging trabaho namin ni Hiro. Marami ang naka-abang sa amin na opportunities sa bansa even in other countries as well. We even went to Thailand last week for a shoot then ngayon andito naman na kami sa South Korea.

Aaminin kong mahirap, pero trabaho ito. And God knows how much I wanted to go home. Go home in the Philippines, where my family is. Where he is. Hindi ko inakala na magiging ganito kahectic ang schedule ko, and next week, pupunta kami sa Singapore for another shoot. Gusto ko nga sanang umuwi kahit saglit lang, kahit isang araw lang. Kasi the photoshoot schedule is on our 2nd monthsary as husband and wife. Tinatak ko na sa isip ko na hindi ko na kakalimutan ang date na 18.

Kaso hindi ako pinayagan ni Mr. Charles. Naiintindihan niya naman ako pero this is work. And there's nothing I can do about it. Since ang offer next week sa Singapore comes only once in a lifetime. And it's loss if I don't take it.

"Pats?" narinig kong tinawag ako ni Hiro kaya nilingon ko siya. Nakatayo siya sa may pintuan at may dalang tray na may 2 baso.

"Halika dito." sabi ko sakanya kaya pumunta naman siya dito sa may veranda ng hotel room ko. Sa kabilang room siya eh.

Inilapag niya naman sa table yung tray at ibinigay sa akin yung isang baso ng hot choco. Lagi niya itong ginagawa tuwing gabi.

These past weeks na si Hiro ang kasama ko, he never left my side. Though hindi ko pa siya gaanong kakilala since hindi ko naman siya masiyadong nakakahalubilo nun kasi Brandon and I were in Palawan, tapos sina Cheska at Dannie naman ang nakakasama niya noon. Pero feeling this close to him, it feels like parang matagal ko na siyang kilala. He's sweet, nice at gentleman siya. And tuwing photoshoot namin, whenever I get tired, lagi niya akong pinapatawa, and whenever I miss home, he's there to comfort me. I'm glad na isang tulad ni Hiro ang taong nasa harap ko ngayon, drinking hot choco at nights when you miss home.

"Tumawag na ba siya?" tanong sa akin ni Hiro. Umiling nalang ako bilang tugon. "Tatawag din yun Pats." sabi niya and gave me a reassuring smile.

Nginitian ko nalang siya habang nakatingin ako sa screen ng phone ko. Waiting for Brandon to call me.

Nung first week na wala ako, lagi niya akong tinatawagan every now and then to check if I'm alright or kung nilalapitan ba ako ni Hiro or kung may ginawa siyang hindi maganda sa akin. Aaminin kong nakakairita pero despite the irritation I'm getting whenever he calls me every now and then, it seems cute. Kasi that's a side of him na hindi ko inakalang nag-eexist sa katauhan niya. Parang gusto ko pa ngang umuwi nun just to see kung anong itsura niya habang sinasabi niya sa akin yung mga yun.

At tuwing gabi, inaabutan kami ng madaling araw sa pagtawag. Hindi ko nga alam kung magkano na ang bill niya dahil sa kakatawag niya sa akin eh. At sa tuwing maririnig niya na yung paghikab ko, sinasabi niya: 'Goodnight wife. I love you.'

And after exchanging 'I love you' with him, it will drove me to sleep. And it was hard for the first night. Kasi nasanay ako na yakap yakap niya ako ng mahigpit at hahalikan sa noo para makatulog. Pero he was not beside me. That's the saddest part.

Pero weeks later, hindi na siya masiyadong tumatawag. Minsan ako na ang tumatawag kaso pag tumatawag ako, saglitan nalang ang usapan namin.

Tumatawag naman ako sa iba, like sa parents namin, kina Dannie, Cheska, Vince at Kyl ang kaso hindi nila alam kung ano ang sinasabi ko. Ganun pa naman daw si Brandon pero something was different daw sa kanya. Vince tried to talk to him kaso hindi siya kinakausap ni Brandon ng matino.

And now, it's been 3 days na wala akong balita sa kanya. Hindi niya sinasagot ang tawag ko. Kanina ko pa siya tinatawagan kaso hindi niya talaga sinasagot.

Gusto kong maiyak kaso hindi ko magawa. Gusto kong umuwi na at alamin kung bakit hindi na siya nagpaparamdam kaso masiyadong strikto si Mr. Charles pag trabaho ang usapan.

Ramdam kong may problema si Brandon, kaso wala ako sa tabi niya ngayon.

Narinig ko naman ang pag-ring ng phone ko at agad agad na tinignan ang screen kung sino ang tumatawag. Nagbabakasakaling si Brandon na yun kaso..

"Dannie? Kumusta? Just in time, tatawagan sana kita mamaya." sabi ko pagkapindot ko sa answer button

"Pats.." narinig kong sabi niya. Narinig ko ang paglunok niya sa kabilang linya at alam kong may mali kaya kinutuban ako "I saw Brandon..

with another girl." she said the last 2 words almost a whisper but it was like a loud slap right at my face.

NERDY and PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon