N.A.P->[9]

3.6K 87 3
                                    

CHAPTER 9: SECRET..SAFE

(Patricia's POV)

Hay, last subject lang tuloy naabutan ko. Nakaka-inis naman! Ang tagal kasi namin kanina sa office ni dad. Tapos isabay pa yung bwisit na si Brandon. Siya pala si BJ! Nakaka-baliw.

Natapos ang last subject at hindi ko manlang namalayan. Palabas na ako ng room nang mapansin kong may nagkukumpulang mga babae sa labas ng room.

Ano na namang meron? Maka-uwi na nga lang, sabagay anong oras na rin.

 *bzzzt*bzzzt*

 Agad ko namang binasa ang message. Galing kay Vince?

From: Vince

turn around..

Bakit kaya? Tumingin naman ako sa likuran ko at makita ko nalang na siyang nagwe-wave sakin. Lahat naman ng mga babaeng nasa paligid nakatingin sakin. Okay, bakit na naman?

"Aalis ka nalang agad?" tanong niya sakin at lumapit "Matapos kitang tulungan? Tsk tsk" sabay iling niya ng ulo niya.

"Hindi ko naman alam na ikaw pala yung pinagkakaguluhan..bakit ka ba nandito?" tanong ko sakanya

"Susunduin ka. Obvious ba?" nakanigiti niyang sabi kaya naman mukhang papatayin na ako ng mga babae sa paligid.

 "Di ba kanina sabay lang si nerd at si Prince Brandon? Tapos ngayon si fafa Vince naman! Omo! She's a flirt!"

"What's going on?! OMG!! I can't just accept it! Ahhhh!!"

"I hate that nerd!!"

"Vince, sige wag nalang. Tsaka THANK YOU PALA KANINA. Aalis na ako ha? Tsa---Vince!"

"Tara na kasi, hayaan mo nalang sila dyaan" sabi niya malapit sa tenga ko.

Pano kasi, hinila niya ako. Kanina pa siya nahila ah

"Vince naman kasi eh! Baka anong isipin nila." sabi ko.

Totoo naman diba? Kulang nalang ipamukha sakin ng mga babae kanina na MALANDI AKO.

"Hayaan mo nalang sila, tsaka kasama naman natin si Dannie at Cheska, may itatanong sila, ako rin kasi eh"

Nagpahila nalang ako kaya naman dinala niya ako sa parking lot.

Nakita ko sina Dannie at Cheska sa labas ng sasakyan ni Vince, cool kid. May sarili ng kotse.

Lumapit naman sakin si Dannie at inagaw ako sa kuya niya "Pats!! Ano yung balita na narinig namin na kasama mo si Brandon? Yung dinakip daw kayo ng bodyguards ng dad mo?" tanong niya

"Oo nga. Ano ba kasing nanyare?" tanong naman ni Cheska

Sasabihin ko ba? Eh kasi naman..hindi ko alam kung paano ko ie-explain.

"W-wala lang yun!" sabi ko

"Anong wala? Eh sabay pa daw kayo ni kaps pabalik dito eh. Pats, sabihin mo na. Di namin ipagsasabi kahit kanino" sabi ni Vince

Mukhang totoo naman yung sinabi niya..tutal kaibigan ko naman sila eh..wala naman sigurong masama diba? Pero..hay! Hindi ko alam. Bahala na si superman! Mas gusto ko siya eh, bakit ba?

"Sasabihin ko sa inyo..if.."

"If?" ulit naman nilang tatlo

"If wala ni sino man ang makakaalam na sinabi ko sa inyo at kung ano man ang malalaman niyo in the next days. Okay??" tanong ko sakanila at tumango nalang

NERDY and PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon