CHAPTER 32: SHUT UP and KISS ME
(Patricia’s POV)
Lumayo na ako doon at wala na akong pakialam kung maraming mata ang nakasunod sa akin ngayon. I don’t care if they are seeing the weak side of me. I don’t care if people will judge me right at this moment ‘coz I’m damn hurt of this situation I’m in. Ang gusto ko lang naman na mangyari ay mawork-out naming ni Brandon ang kasal nato. Yes, we were able to work this out nung una. Kahit na nung una ay tutol kami at ayaw naming na mangyari ito, pero nakayanan pa rin nmin. We even celebrated the first month. Kahit papano, naramdaman kong asawa ko nga talaga si Brandon. Hindi yung, dahil sa biktima kami ng arranged marriage o pinagkasundo kami ng lolo namin, kasi nung nakaraan, it seems like being with him was like feeling forever. Kumbaga, kampante ka na sa buhay mo dahil alam mong andyan siya para sayo, na ayan siya at parte na ng buhay mo. Kaso nagkamali ata ako, I was always always on the brighter side, ni hindi sumagi sa isip ko na pwedeng mangyari to.
And this was my nightmare; that my husband and my friend are back together leaving me hanging behind.
Hindi pa ako nakakalayo nang biglang may braso na ang yumakap sa akin mula sa likuran, kahit hindi ko na tignan kung sino ay kilala ko na siya sa amoy pa lang. Mabigat ang kanyang paghinga, at nararamdaman ko sa batok ko ang kada hinga niya, “Please don’t ever walk away from me again, it hurts seeing your back against me. Damn it.” mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin dahilan para mas maiyak ako, “I know Pats, I know I am hurting you but please, believe me if I say that I’m doing this for your sake. Clarisse is not the friend you thought she was. Have faith in me, baby. I love you so damn much.”
Nagsimula na naman akong makarinig ng mga bulung-bulungan sa paligid at dahil doon ay tinanggal ko ang mga braso niya sa bewang ko. At kahit na nanlalabo na ang paningin ko dahil sa pesteng luha na to ay nagawa ko pa rin siyang harapin. “Brandon, stop it. People are looking.”
“I don’t f*cking care Pats. She needs to know na asawa kita! Para lubayan na niya ako!”
“Si Brandon ang asawa mo Pats? Is it true?”
Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko nang marinig kong sinambit yun ni Clarisse na ngayon ay nakatingin na sa aming dalawa. Tumayo naman si Brandon sa harap ko nang lumapit siya sa amin. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at hindi nakatakas sa akin ang pagtingin ni Clarisse sa kamay namin. Pinipilit kong bitawan ang kamay ni Brandon pero ang ginawa niya na ang ay ang pagsalikop ng aming mga daliri. “Stop this act Clarisse. You were never a friend to her. You tried to keep me away from her but you failed. You know from the start that I was her husband, but you were so desperate. I never knew you were that pathetic Clarisse.” sabi ni Brandon na ikinagulat ng lahat, lalo na ako. Hindi ko inakalang makakaya niyang sabihin yun kay Clarisse sa harap ng maraming tao.
Nakita ko ang pamumula ni Clarisse, napahiya siya ni Brandon sa harap ng maraming tao, kung ako rin siguro ang nasa kalagayan niya ay gagapangin ako ng hiya. This is Brandon James Dela Cruz, and kung hindi ko pa nakakalimutan ay marami na siyang napahiyang babae. Katulad na lamang ni Krissy noon. Hindi niya iniintindi kung nakakasakit na siya ng damdamin ng iba, yun ang Brandon na nakilala ko simula noong high school. “Brandon..tama na.”
“Why Pats? Yan ang napala niya dahil sa kagagawan niya. That’s not what you call a friend.”
Bigla namang tumawa si Clarisse na ipinagtaka ko naman, kanina kasi mukhang maiiyak na siya, tapos ngayon natatawa. “I was never her friend anyway.” panimula niya “You think being friends with a nerd is fun? She was too boring, too dull, too annoying. Napilitan lang akong makipagkaibigan sa kanya kasi isa siyang Villaverde. At ang tanga tanga niya para maging kaibigan ako. Yes, I tried to be friends with her back at high school, yun ay para mapalapit din ako sa parents niya at the same time. Hindi totoong ayaw ng parents ko na makipagkaibagan ako sayo nerd, ang totoo ay ginusto nila yun. It was the only way para mapagaan ko ang loob ng parents mo, nang sa ganun ay magkasundo ang parents nating dalawa. To bring your company down was our goal. Lagi na lang Villaverde ang nangunguna, how about our family?” sabi niya at natawa na naman, nakuha niya pang tumawa sa ganitong sitwasyon. “But the poor thing was so gullible. Diba Pats? I’m sorry for being your friend, though I don’t feel sorry at all. This is not yet the end, nerd.” pagkasabi niya nun ay umalis na siya.
BINABASA MO ANG
NERDY and PLAYBOY
RomansaThey never agreed to be with each other 'till forever. They've been two worlds apart for 13 years not until that day... The day that everything has changed; a day that they will face their FOREVER. But most probably a FOREVER DISASTER between 2 dif...