N.A.P->[11]

3.5K 81 0
                                    

CHAPTER 11: HIRO

(Patricia's POV)

Inayos ko na ang gamit ko at bababa na sana pero pinigilan ako ni Brandon. Ano na naman problema nito?

"Bakit?" tanong ko sakanya

"I-text moko kung tapos na ang klase mo" sabi niya

"Ha? Bakit naman?" bakit kailangan ko pang ipaalam kung anong oras matatapos ang klase ko?

"Para sunduin ka malamang."

"Eh kung pektusan kaya kita. Bakit nga?" ang kulit talaga ng lahi ng isang to

"Yun na nga. Para sunduin ka para sa dinner natin mamayang gabi" casual na sabi niya

"Ano?! NATIN?!" diko naman maalala na inimbita ako neto sa dinner na yan eh.

"Wag ka ngang assuming dyan. Alangan tayong dalawa lang, siyempre kasama parents natin"

TOINKS! Ang assuming ko nga. Pahiya ako dun! Bwisit siya!

"Psh. 4:30. Sige alis nako. Male-late pako niyan eh. Bye bye po~~" pagkasabi ko nun, bumaba na ako at isinara ang pintuan

Hinintay ko munang maka-alis si Brandon kasi trip ko eh. Bakit ba? Pero nung aalis na sana ako may napansin akong isang lalaki na biglang nagtago sa isang pader. Weird nun ha. Pero bakit parang familiar siya? Hmm..hayaan ko na nga lang.

Nandito na ako sa klase ko pero bat antagal naman ata nung proff namin? Sayang naman effort kong pumasok kung hindi lang rin naman siya papasok eh.

"Ang boring." napabuntong hininga nalang ako sa may desk ko. Di naman ako pwedeng lumabas para puntahan sila Cheska at Dannie kasi may klase din sila. Ang lone--

"Um..he-hello po"

"Aaaaaahhhhh!!" sigaw ko nung biglang may nagsalita sa tabi ko. Mamamatay ako neto sa heart attack eh!

"Ay. S-sorry kung nagulat k-kita. Hehe"

Napatingin naman ako dun sa nagsalita at wow~~

Ang cute cute niya, pero teka nga..

"Teka. Ikaw ba yung lalakeng nagtago kanina sa may pader? Doon sa may kanto diba? Ikaw yun diba?" tanong ko. Kasi alam kong siya yun eh.

"Oo ako yun. Pasensya din kung nagulat kita kanina. Ano kasi, bago lang ako dito" sabi niya na medyo nahihiya pa rin

"Ay naku.Okay lang basta sa susunod wag mo ng uulitin. Haha. Bakit ka nga pala nagtatago kanina?" tanong ko. Kasi diba? College na pero kung makatago kanina akala mo highschooler na parang takot makita ng crush niya.

"Eh kasi ano, takot ako." sabi niya kaya naman napatawa ako

"Bwahahaha. Ikaw? Takot? Bakit naman?" seriously? Anong problema neto?

"Basta. Haha, Wag mo ng alamin." sabi ni guy. Eh hindi ko alam ang name eh. "Hiro pala. Hiro Forteza." sabay lahad niya ng kamay niya

Nakipagshake-hands naman ako at "Patricia Jade Villaverde, Pats nalang for short."

"Nice meeting you. Haha. Alam mo ang bait mo compared sa ibang tao dito." sabi niya pa

NERDY and PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon