CHAPTER 22.2 (Part Two): TON-TON
(Patricia's POV)
"Ghad! What the heck are you doing here?! And pwede ba, bitawan mo nga ang bestfriend namin!" bulyaw ni Cheska kay Kyl atsaka hinablot ang kamay kong hawak niya.
"Woah, easy there gal." sabi ni Kyl sabay taas ng dalawang kamay at ibinaba din kaagad "I'm not doing anything to her."
"Siguraduhin mo lang na lalake ka." sabi ni Cheska.
"Wait wait wait! Kilala niyo ang isa't-isa?" tanong ko naman.
"Obviously Pats, ano ka ba. Di mo ba namumukhaan tong lalaking to?" sabi ni Dannie.
Nagtaka naman ako sa sinabi niya, "Do I have to remember him?"
Napa-facepalm nalang si Dannie, "Tara, maupo kaya muna tayo." suggestion niya kaya naman naupo kami sa may dulong parte ng cafeteria, kung saan walang masyadong tao.
"Okay, can you please explain to me?" tanong ko nung nakaupo na kaming lahat.
"He is Preston Kyl Cortez" panimula ni Dannie.
"I know." sagot ko naman.
"Hindi ba familiar sayo?" tanong ni Cheska.
"It doesn't ring the bell." sabi ko.
"Cortez! Pamilyang Cortez to Pats! Cortez Incorporation!" sabi ni Dannie.
"And so?" tanong ko. Eh ano ngayon? Anong kamalay malay ko?
"Seriously? I was in your wedding, stupid." sabi ni Kyl.
Nagulat naman ako sa sinabi niya, "H-ha?"
"I was in your wedding." sabi niya ulit.
"Oo, nasa kasal mo yang lalakeng yan! Gosh! I can't believe it na andito siya ngayon!" sabi ni Cheska.
"Bakit anong nanyare?" tanong ko.
"Kasi ganito yan" panimula ni Dannie.
"Don't tell the story!" sabat ni Cheska.
"I am telling the story! Now, shut up sis." sabi ni Dannie at natahimik si Cheska "You see, diba nung nagchange clothes ka na kasi aalis na kayo ni Brandon, nung natapos kang magbihis, at nung lumabas na kami nung room, sakto namang nabunggo nitong si Kyl si Cheska."
"And gosh! Ang kapal ng mukha niyang banggain lang ang isang tulad ko!" sabi ni Cheska.
"I don't care." sabi naman ni Kyl
"Nakakabwisit ka talagaaaaa!"
"Pwede ko ng ituloy ang kwento ko? Ha?" sabi naman ni Dannie kaya tumango naman si Cheska "Then itong si Kyl, medyo nakainom that time. Nagtaka nga kami kung bakit siya andun eh."
"I was looking for the bathroom!" singit ni Kyl.
"Then nung nabunggo niya si Cheska, he just puked right infront of her. Hahaha. That was epic!" sabi ni Dannie.
"Hahaha! Ewwwww Cheska!"
"Masasapak talaga kita Pats! Isa!" bulyaw sa akin ni Cheska.
"Yan! Dahil sa kakadada niya nung nabunggo ko siya, hindi ko napigilan ang paglabas ng sama ng loob ko! Serves her right." sabi naman ni Kyl.
"I really hate your guts." sabi ni Cheska kay Kyl at sinamaan niya ng tingin.
"Wait! So if kilala mo pala si Cheska, and you were there in my wedding. Bwisit! Tinakot moko! Akala ko ipagkakalat mo na ang sikreto ko!" inis na sabi ko at binatukan ko si Kyl! Nakakaasar! Alam niya naman pala tapos kung makapanakot sa akin kanina. Urgh!
"Hahahaha, ang saya nga eh! Hindi maipinta ang mukha mo! Did you really think na gagawin ko yun? Eh ano ngayon kung alam ko nang kasal ka na from the very start? Hindi ako mag-aaksaya ng panahon para ibulgar sa madla ang sikreto mo. Sabi ko nga diba, I don't want to meddle with your problems." sabi ni Kyl.
"Eh kahit na! Alam mo bang sobra akong kinabahan?! Tapos malalaman ko ngayon na alam mo pala?! Aish! Mapapatay talaga kita!" babatukan ko sana ulit si Kyl kaso pinigilan ako ni Dannie.
"Teka teka, may dapat ba kaming alamin?" tanong ni Dannie.
"Kaya nga. Mamaya mo na yan gulpuhin. Ikwento mo muna kung bakit ganyan ka ka-hot ngayon." sabi naman ni Cheska.
"You see, diba nga may kumakalat na rumors about me and Brandon. And then nung pumasok si Hiro sa room, tinanong ba naman sakin, ' Pats, bati na ba kayo ni Brandon?' of course maghihinala na ang iba. Kaya bago pa may masabing iba si Hiro, agad ko siyang dinala sa rooftop and told him to keep it as a secret. And that's when he entered the scene." paliwanag ko sakanila at tinuro si Kyl.
"Hey, I was sleeping there! But you both were irritating, you woke me up. Kaya para makaganti, tinakot kita. Hahaha."
"Nakakainis!"
"I feel you sis." sabi naman sakin ni Cheska sabay pat sa balikat ko. Bumaling naman siya kay Dannie, "Pwede na ba naming patayin yang lalakeng yan?" tanong niya kay Dannie.
"Of course not! Gusto mong mapatay ka ng pamilya niyan?" sabi naman ni Dannie "Anyways, bakit mo pala kinaladkad papunta dito sa cafeteria si Pats?" tanong niya kay Kyl.
"Magpapalibre sana ako eh. Siyempre natakot ko, madali ng mauto yan. Para-paraan lang yan."
Hindi ko alam kung matatawa ako o mas maiinis. Oo natakot ako dun! Yun pala uutuhin lang ako para ilibre siya?! Urgh!
"Bwisit ka talaga!" bulyaw ko sakanya.
"Paulit-ulit Pats? Seriously? Simula pagkabata natin, yan ang lagi mong sinasabi sakin." sabi ni Kyl na ikinabigla ko
Okay. Processing...
'Simula pagkabata natin'..
Still processing..
"Ha?" yan nalang ang nasabi ko. Hindi kinaya ng brain cells kong mag-process eh.
"Don't you even remember me at all Pats?" tanong niya kaya umiling ako.
"Bakla, pumayat lang siya nakalimutan mo na ang mukha niya?" tanong ni Dannie
"Wala tayong magagawa, si Pats yan." sabi ni Cheska
May nilabas naman si Kyl na picture.
Picture ko nung bata ako kasama si..
"Ton-ton?"
"Yes Pats." sabi niya at ngumiti "Miss me?"
BINABASA MO ANG
NERDY and PLAYBOY
RomanceThey never agreed to be with each other 'till forever. They've been two worlds apart for 13 years not until that day... The day that everything has changed; a day that they will face their FOREVER. But most probably a FOREVER DISASTER between 2 dif...