N.A.P->[19]

2.9K 74 2
                                    

CHAPTER 19: "I'm her HUSBAND, you got a problem with that?"

(Patricia's POV)

Huminga ako ng malalim at tinitigan siya bago ko sinagot, "Me."

Napansin ko naman ang pagkakunot ng noo niya. Alam kong hindi niya naintindihan pero kasi, mahirap i-explain eh. Matagal ko ng balak sabihin sakanya kaso baka hindi siya maniwala. Siya pa?

"I need to go. Hinihintay nako ni Mr. Charles" paalam ko at tumayo nako. "Siguro gagabihin ako ng uwi kaya mauna ka na." sabi ko at humakbang na ako paalis kaso..

"I'll go with you." sabi niya at sinundan ako. Sinilip ko naman yung table namin kanina at nakita kong nag-iwan nalang siya ng bill doon. Hay nako, bakit na naman? "You don't have your car with you, remember?"

Oo nga pala, kotse niya ang gamit namin ngayon. "Magtataxi nalang ako." Wala nakong choice eh. Alangan naman na magpahatid ako sakanya? Edi malalaman na niya ang secret ko.

"Magtataxi ka? And you said na gagabihin ka ng uwi? Oh come on Patricia, what if may mangyari na naman sayo just like a while ago? Can you even defend yourself?" nahahalata ko na medyo galit na siya sa tono niya at saglit na ipinikit ang mata ng madiin.

"Yes, kaya ko ang sarili ko kaya hindi mo na kailangang sumama pa." Naiinis na ako sakanya kaya napagdesisyunan kong maglakad na para makalabas ng resto at makahanap ng taxi dahil alam kong naghihintay na si Mr. Charles

"Sa ayaw at sa gusto mo I'll go with you." ma-otoridad na pahayag niya kaya naman napatigil ako at pinandilatan ko siya sa mata.

"Brandon, sabi ngang hindi pwede eh." kasi kung sakaling sasama ka, malalaman mo na ang sikreto ko! Bwisit naman oh!

"And why not?" sabi niya at nagcross arms pa.

"Eh kasi, ano.."

"Look Patricia. I'm just taking orders from our parents na hindi kita papabayaan. And look at yourself! Kaya ka napag-interesan ng mga gag*ng yun kanina dahil sa suot mo!" ayan, galit na yan eh! Teka nga! Bakit nga ba siya nagagalit? Imba rin itong lalaking to eh!

"Hindi nga kasi pwede Brandon eh!"

--

"Thank goodness Patricia! I thought hindi ka na makakapunta!" agad naman akong nilapitan ni Mr. Charles nung makita niya akong papalapit sakanya.

"Sorry po Mr. Charles natagalan ako."

"Natagalan sa ano?" tanong niya kaya tinuro ko nalang ang taong nasa likuran ko. "Oh, kaya naman pala." sagot na lamang niya nang makita niya si Brandon.

Yes, kasama ko si Brandon. Kahit na anong gawin kong pagkontra sakanya kanina, walang binatbat sa nakakatakot niyang tingin. No choice akong isama siya dahil after nung bangayan namin sa parking lot, hanggang sa pagsakay ko sa loob ng kotse, huli na nang marealize kong sa kompanya na niya ako dinala. Doon niya lang naman matatagpuan si Mr. Charles eh. Naisahan niya ako dun. Ansaklap lang dahil sayang ang effort kong nakipagtalunan sakanya. Humanda talaga yang lalakeng yan mamaya. Naisahan ako dun eh! Ayan tuloy, ang lapad ng ngiti niya na animo'y nang-aasar.

"Anyways, Patricia, your partner will be here any minute. Medyo na-traffic daw sila." sabi ni Mr. Charles

"Her new partner?" tanong ni Brandon atsaka lumapit sa amin ni Mr. Charles

NERDY and PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon