N.A.P->[10]

3.5K 82 0
                                    

CHAPTER 10: DINNER NATIN?

(Patricia's POV)

**thursday

Nagising nalang ako nang may humahalik saken. Panira naman ng tulog to.

"Hi baby!" siya lang pala ang humahalik saken para magising! 

Bumangon na ako at hinalik-halikan ko rin siya. Ancute kasi!

"Good morning baby!!" bati ko sakanya

"Arf! Arf!" tahol niya and wiggled her tail

"Are you hungry baby?" tanong ko habang kandong ko siya

"Arf! Arf!"

Binuhat ko na siya pero sinama ko muna siya sa banyo kasi maghihilamos pa ako at magsisipilyo.

Tahimik naman siyang umupo sa may toilet (nakasarado naman) habang pinapanood ako.

Nang matapos na ako, binuhat ko naman ulit at lumabas na kami para mag-breakfast! I know my baby is hungry na eh.

Opo, aso ko po yun. Hehe, her name is Hershey, gustong gusto ko kasi nung hershey's kisses na chocolate kaya yun ang naging name.

"Iha, akin na si Hershey. Kumain ka muna" sabi sa akin ni Manang

Binigay ko naman na kay Manang Manang si Hershey at ako ay kakain na ng almusal!

The usual, wala ngayon si daddy at mommy. Maaga silang umaalis dahil sa work nila sa company. Malalaman niyo rin later kung anong business ng company namin, pero wag muna ngayon.

Pagkatapos kong kumain, umakyat na ako sa kwarto ko para maligo at para makapasok na sa school.

After kong naligo syempre nagbihis na ako..at pinatuyo na ang buhok ko para isuot ang wig. Hihi..

Pero habang nag-aayos ako may kumatok sa pintuan

"Pasok" sabi ko nalang kasi baka si Manang Maria lang pala

"Hija, may bisita ka sa baba" sabi ni Manang Maria

"Sino po?" tanong ko. Sino naman kaya yun?

"Ayaw sabihin ang pangalan eh. Pero lalake siya, at gwapo hija! Boyfriend mo ba?"

"Naku Manang! Wala po akong boyfriend..kayo talaga" sabi ko nalang. Adik rin itong si manang eh, boyfriend daw? Pero sabi pogi eh.

"Sa ganda mong yan? Walang boyfriend? Magpakamatay ka nalang hija" sabi niya sabay tawa

"Manang naman eh!"

Adik talaga siya.

Nung natapos na ako mag-ayos bumaba na ako at para makita kung sino yung bisita ko..

"Ang tagal mong bumaba." sabi niya sakin habang naka-upo dun sa couch namin sa sala

"BAKIT KA NANDITO?!"

"Is that how you talk to your FIANCÉ?" sabi niya at tumayo habang nakapamulsa.

"Akala ko naman bisita yun pala BWISITA. Eh bakit ka nga nandito?" tanong ko ulit kay Brandon

Yeah. Si Brandon yung BWISITA ko. Bakit kaya nandito itong mokong nato?

"Ako na ang maghahatid at magsusundo sayo" sabi niya habang naka-poker face.

NERDY and PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon