Chinito 3.

196 5 0
                                    


     Palakad lakad ako sa room at iniisip parin kung paano nya nalaman yung pangalan ko. Lunch break na kasi kaya ako nalang mag isa. Hindi ko muna sya in accept baka sabihin nun like ko sya. Pero sa totoo crush ko nga sya, para naman hindi showy haha.

     Araw araw ko nalang syang nakikita, pag uwian na namen nakikita ko sya lagi pero hindi nya ata ako napapansin. Kakalimutan ko nalang ata sya kasi ayaw ko mag expect. . . napaupo ako ng nagdatingan na yung mga kaklase ko. Siguro tapos na silang kumain, may quiz nga pala kami ngayon. Kinuha ko nalang yung reviewer ko sa bag at tahimik na nagbabasa, ayoko mabagsak nuh! Kahit naman kayo diba? Ayaw nyo yung mababang grade lalo na pag college nakakahiya pag ganun. 

"Nomichi may gustong kumuha ng number mo" nilingon ko naman yung babaeng nagsalita sa tabi ko.

"Sino?"

"Si kian"

Kian?

"Huh? Sino naman yun?" 

Ayaw kong pinamimigay yung number ko kahit kanino, alam nyo na mahirap mapagtripan.

Advice from nomi (-_^)/

Kung ako sa inyo wag nyo ibigay kahit kanino ha? Dapat kilalanin nyo muna baka kasi scam yan ma budol budol pa kayo. At higit sa lahat maraming naloloko sa text text na yan pati sa meet meet na yan!

"Naalala mo yung pumunta dito sa room?" Bumalik ako sa realidad ng nagsalita ulit sya. Pumunta sa room? Madami naman kasi kaming kaklase na iba iba kaya di ko alam kung sino sinasabi nya. 

"Bigay mo na. . ayiee singkit din yun magkatulad kayo"

Namula naman ako dahil sa hiya,

Sino kaya yun? Sana naman si crush ko haha xD hindi naman masama mag expected diba? 

Fast forward. . .

     Nandito ulit ako nakaharap sa cellphone at tinitignan ang mga litrato nya. Ou ano paba? Edi nag fefacebook ako haler?  Pinindot ko na yung confirm kaya ayan friends na kami. Nakikita ko yung mga post nya na laging maraming likes. State the obvious famous sya. Ganun naman sa fb diba? Paramihan ng likes. Nagulat ako ng may nag pop bigla sa messenger ko.

Tred kian Xien

     -Ikaw ba yung kaklase nila edson will?

Nomichi Tokogawa

-Ou bakit? 

     After ilang minute nakita ko yung seen :(

Teka? Tred Kian Xien

Naalala ko sinabi sakin ng classmate ko na kian daw yung humihingi.

Nomichi Tokogawa

-Ahm.. Ikaw ba yung humihingi ng number ko?

Tred Kian Xien

-Ah. . . ou ako nga . . nahihiya kasi ako . . pero pwede ko bang hingiin?

Kyaaaaa (>\\  napakagat ako sa labi dahil nagpipigil ng kilig. Eto naba ang forever ko?

Nomi : Ou sige eto 09*****

Tred: Sige salamat :)

Pwede bang himatayin? Nagpabaksak Ako sa higaan na kunwaring nahimatay. O my gash? Yung crush ko! Hiningi yung number ko? O my gash ulit. Napabangon ako ng biglang nag vibrate yung phone ko.

From : 09*********
Hi si tred pala to pakisave nalang thanks :)

Napatalon ulit ako sa kilig at pinaghahagis yung mga unan at mahigpit na niyakap yung malaking rilakkuma na bigay ng mga kapatid ko. Lumabas agad ako at nagpaload.

-------

     Buong gabi kami nagkatext ng mga about sa amen. Napatingin ako sa orasan.

Gosh! O_O 2 a.m na! 

Buti nalang at sabado na bukas. Napasimangot ako dahil sobrang tagal nyang magreply kaya napapikit na ako sa antok.

Kinabukasan...

     Pagkagising ko sa umaga agad kong hinanap yung phone ko at sinilip yung message.

From : My Crush

-gising kpa?

-oi?

-sige goodnyt nlang . .

Kinabahan ako kasi natulugan ko pala sya. Sinabi ko agad na nakatulog ako pero hindi sya nagreply.

Paano kaya kung galit sya?

Nagtampo?

Napailing ako, baka naman tulog pa?

Napasabunot ako sa sarili dahil ang aga aga yun ang problema ko.


Tred Kian Pov~ (Sa wakas LOL xD)

       Nagkita kita kami nila ed para magdota. Nauna na ako sa sikat  na computer shop kung saan kami laging naglalaro na kung saan lagi akong panalo. In on ko muna yung phone ko kasi nalowbat to kanina. Hindi na ako nagulat, dahil sobrang gulat na gulat. Para akong tinadtad ng text ni nom. Halos pareparehas lang pati GM nya pinapatamaan ako.

"Oy! Kanina kapa?" Agad kong tinago yung phone sa bulsa dahil chismoso tong si Red. Tutuksuhin lang nya ako.

"Oy sino yun ha? Naku! Nakamove on kana ba?"

Sinamaan ko sya ng tingin dahil pinapaalala nya lang ulit.  Naalala ko tuloy nung nakaraang araw.

Pagkatàpos naming maglaro ay sobrang saya ko dahil panalo nanaman ako. Malaki ang kinita ko ngayon haha.

"Tred pasok na kame" sabi ni ed pero pinigilan ko sila.
"Pwede bang sumama? Wala kasi kaming klase mamaya pang 5 p.m" 

Sabay sabay kaming pumasok sa room nila. Nagkatuwaan kami pero hindi namin namalayaan na maingay na pala kami. Medyo nairita ako at napahiya din dahil pinagbawalan ako ng mga di ko kilala tsk. Paglingon ko sa kanan may babaeng nakuha ang atensyon ko. Sa lahat ng kaklase ni ed masasabi kong sya ang pinakatahimik at walang pake.

"Ed sino yung babaeng nandoon?"

Tinignan naman ni ed yung tinuro ko.
"Ah? Si Nomichi yun. .,medyo tahimik nga yan at masungit"

Napaiwas ako bigla ng lumingon sya saken. Pero binalik ko ulit yung tingin sa kanya

Teka? Parang pamiliar sya! Nakalimutan ko kung saan pero parang nakita ko na syaPinakatitig ko pa sya para maalala pero isa lang ang nasa isip ko.

She's Interesting. . .

A Chinito Guy Break my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon