Chinito 17.

99 3 0
                                    


Nomichi's POV.

"Sigurado kaba talaga iha? Sayang yung nasimulan mo, malapit ng matapos ang first year mo dito" sabi ng head mistress sa akin pagkatapos kong mag pasa ng withdrawal papers.

Napahawak ako sa tyan ko, ayokong mapahamak ang baby ko. Hinabilin ng doctor bago ako umalis ng hospital na alagaan ko daw ang sarili ko.

"Opo. . Sigurado na po ako" nahihiya kong sabi at nagpaalam na.

Hihinto muna ako ng pag aaral bago tuluyang lumaki ang tyan ko.

Saktong pagbukas ko ng pinto nakita ko si Eniego na papasok din ng office ng head mistress.

"Hey sis are you ok? Bakit ang putla mo?" Biglang sabi nya kaya napayuko ako.

"Ok lang ako" naiilang kong sabi kaya nagmadali akong lumakad habang nakayuko.

"Watch out" narinig kong sigaw nya pero huli na ng mabunggo ako sa isang tao.

Pag angat ko ng tingin agad akong nahiya at lumiko ng dadaanan pero nahawakan nya ang kamay ko.

"Nomi" ramdam ko ang lungkot at pag aalala sa boses nya.

"Thank you for everything Will . . . And I'm sorry sa nagawa ko" yun lang ang sinabi ko at binigyan sya ng tipid na ngiti. Binitawan nya din sa wakas ang kamay ko at nagmadali na akong maglakad palayo.

Dahil malapit lang ang bahay nila tred dito sa school binalak ko ng puntahan sya at gusto kong malaman na din nya ang totoo.

Kanina pa ako pasilip silip sa bahay nila pero parang walang tao. Sinubukan ko ding tawagan si tred pero hindi ko makontak. Napakagat nalang ako sa daliri ko dahil kinakabahan ako.

Paano ko ba sasabihin sa kanya ang totoo?

I clear my throat. .

"Tred. . . Hmm may sasabihin sana ako sayo. . . Hmmm ano kasi. . Wag kang magugulat ha? Hmmm... I'mㅡ"

"So totoo nga?" Napatalon ako sa gulat ng may magsalita sa likod ko. Nilingon ko agad at nanlaki ang mata ko ng sinundan pala ako ni Will.

"Will I'mㅡ"

"May nangyari ba sa inyo?"

Bigla naman akong namula sa tanong nya, ,

Teka? Narinig kaya nya yung sinabi ko? Pero wala naman akong binanggit na buntis ako.

"I already know" nakayuko nyang sabi kaya nanlaki ang mata ko.

"You mean. . Ikaw angㅡ"

"Yes! Ako nga ang taong nagdala sayo sa hospital. . Nomichi sagutin mo muna ako. . May nangyari ba sa inyo ni Tred?"

Napayuko ako. . Nakakahiya. . .

"Ou meron ngang nangyari sa amin" agad kong sagot at nilabanan ang titig nya. Nakita ko ang sakit sa mga mata nya dahil sa sinabi ko.

"K-kailan?"

"Bakit ba gusto mong malaman? Hindi ba hindi mo ako kilala? Bakit nandito ka? Diba wala kanang pake sa akin? Bakit tinatanong mo ang mga bagay na yan ha?!" Naiiyak na ako dahil sa mga sinasabi ko.

"Wala nga pala akong karapatan sayo dahil hindi naman tayo" diniinan nya yung huling sinabi nya at tumalikod na sakin.

"Wala ngayon sila Tred dyan dahil nasa china sya. . Kakamatay lang ng dad nya" yun ang huling sinabi nya bago ako iwan.

A Chinito Guy Break my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon