Chinito 24.

68 1 0
                                    


Tred Kian POV.

"Im sorry nomi" hahawakan ko sana sya pero tinapik nya lang ang kamay ko.

"Tred Please tumigil kana" may inis sa tono ng boses nya kaya napabuntong hininga nalang ako at umupo sa kabilang upuan kung saan hinihintay namin ang resulta. Nag aalala akong napalingon ulit sa kanya dahil nakatulala lang sya at shock sa nangyareng aksidente kay Edson.

Sumandal nalang ako at napapikit, kasalanan ko ito kung hindi ko hinalikan si Nomichi hindi sana ito mangyayare. Napahawak ako sa panga ko dahil medyo masakit parin pero ginamot na ako ng nurse kanina. May bandaid na din ang gilid ng labi ko dahil sa lakas ng suntok nya.

"Anak! Anong nangyare?" napadilat ako ng mata ng marinig ko ang mga taong kakadating lang.

"Mommy" agad na yumakap si Nomi sa mama nya at doon lang lumabas lahat ng takot nya.

"Anong nangyari anak?"

"Ma.. si Edson...hindi ko kayang mawala sya ma.. mahal na mahal ko sya.. sana ayus lang sya" sabi nya sa gitna ng pag iyak. Napaiwas nalang ako ng tingin dahil nasaktan ako sa sinabi nya.

Talagang mahal na mahal na nya si Edson at hindi ko na mababago iyon.

"Daddy!" may narinig akong bata na umiiyak kaya tinignan ko ulit sila. May karga na ngayong bata si Nomi habang nakayakap sa kanya.

"Baby wag ka ng umiyak hm? Ayus lang si Daddy" pagtatahan ni Nomi kaya hindi na ako nakatiis at tumayo na ako at lumapit sa kanila.

"Nomichi bakit hindi mo sinabi saken"

Nanlaki ang mata nya ng makita ako.

"A-anong ibig mong sabihin?" napansin ko ang takot sa mata nya habang mahigpit nyang niyakap ang anak nya.

"Bakit hindi mo sinabi na may anak na pala kayo.. Edi sana hindi na kita ginulo.. pasensya kana"

Kung nalaman ko lang ng mas maaga sana hindi ko na sya ginulo. Ayokong masira ang pamilya nya ng dahil saken. Hindi nya ako sinagot at yumuko lang sya. Napalingon ang bata saken at ganun nalang ang pagkagulat ko dahil kamukha ko sya noong bata pa ako. Pinilit ko nalang ngumiti at kumaway sa bata.

"Hi baby? What's youre name?"

Tumingin muna sya sa mommy nya bago binalik ang tingin saken.

"William Nokenshi po" cute nyang pagkasabi kaya napangiti nalang ako.

"Umalis kana Tred" seryosong sabi ni Nomi kaya nawala ang ngiti ko.

"Nomi"

"Please Tred umalis kana" pagtataboy nya kaya napayuko nalang ako at tinignan ko ulit yung anak nya.

"Pasensya kana Nomichi.. sorry sa nagawa ko .. sana ayus lang si Edson para maging masaya kayong pamilya. Sigh* eto na siguro ang huli nating pagkikita kaya sana maging malusog ka para maalagaan mo ang anak mo at si Edson. I hope you have a happy family" pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim.

"Promise hindi na kita guguluhin at hindi narin ako magpapakita sayo para hindi na ako makasira pa sa inyo. Thank you for the days na nagkita tayong muli at napatunayan kong nasa huli na talaga ang pagsisisi" pinilit kong ngumiti pero bawat pagkasabi ko ng salita bumibiyak ang boses ko.

Lumapit ako sa huling beses sa kanya at niyakap sya kasama ang anak nya. Hinalikan ko sya sa ulo pati ang baby nya.

"Goodbye" isang word lang pero sobrang bigat sabihin. Tumalikod na ako sa kanila at doon din tumulo ang luha ko, napakagat ako sa ibabang labi at napatawa dahil nasasaktan ako. Hindi na ako lumingon pa dahil pag ginawa ko iyon baka bawiin ko lang ang sinabi ko.

A Chinito Guy Break my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon