Tred kian POV.Lalapitan ko ba sya o hindi?
Hindi ko alam kung gusto ko na ba si nomichinita kasi may gumugulo pa sa akin. Nanlumo ako ng tumabi si edson sa kanya, pupuntahan ko sana si edson sa room nila pero wala namang tao kaya hinanap ko sila. Eto nga naabutan ko syang nagrereview mag isa sa gym.
"Tabi tayo"
"Bahala ka" sabi ni nomi habang hindi inaalis ang tingin sa libro.
Nagkibit balikat nalang ako at umalis na. Si red nalang hahanapin ko. . .
"Kian?"
Dahan dahan akong lumingon habang nakapamulsa. Napaiwas ako ng tingin ng biglang magpakita si Desserie.
Ang ex ko
"Kamusta na?"
"Ok lang naman. . sige mauna na ako"
Agad akong umalis pero pinigilan nya ako.
"Kian sorry. . hindi ko naman yun sinasad—"
"Stop! Please stop ok? Were done that's it were DONE!"
Napapikit ako ng mariin at nagmadaling umalis.
Niloko nya ako. . ou mahal na mahal ko sya pero niloko nya ako.
Lumingon ulit ako sa likod at nakita ko syang nakayuko at nakatakip ang kamay sa mukha.
"Tred! Tred!"
Kahit hindi ako lumingon alam ko na kung sino, dahil dalawang tao lang naman ang tumatawag sa akin ng tred.
Si Edson tsaka si Nomichi
"Grabe pinagod mo ako" hinihingal nyang sabi habang nakapatong ang kamay sa tuhod.
"Bakit ka naman kasi tumatakbo?"
Napaiwas sya ng tingin. .
"Hindi kana kasi nagtetext sa akin"
Seriously? Hinabol nya ako para lang sabihin yun?
"Nag aalala lang kasi ako sayo, baka may problema ka kaya hindi mo na ako nirereplayan"
Nakayuko nyang sabi. .
Wala ako sa mood ngayon dahil kanina.
"Busy lang ako. . don't worry. . may gagawin pa ako"
Iniwanan ko na sya. . kailangan kong magpalamig ngayon.
Nomichi's POV.
Naiiyak ako. . hindi ko alam kung bakit pero nasasaktan ako. Ang lamig lamig na nya ngayon. Okey pa naman kami noong isang araw ah? Pero bakit bigla nalang syang naging ganun?
"Nomi naiwan mo"
Nilingon ko si will na bitbit ang bag ko. Kinuha ko yun ng nakayuko.
"Umiiyak kaba?"
Hindi ako sumagot. . kinuha ko lang sa kanya yung bag ko.
"May nangyari ba sayo?"
"Wala"
"E bakit ka umiiyak?"
"Wala nga sabi e!"
Nagulat sya sa pagsigaw ko at binilisan ko nalang tumakbo. Umiiyak na pala ako,
Sobrang sakit e! Ganito pala ang pakiramdam ng one sided love!
Assumera ako? Ou assumera ako! Anong bang magagawa ko? E nagmamahal lang naman ako.
"Hey girl? Are you alright?"
Hindi ko namalayan nabunggo ko pala yung classmate kong how how de carabao friends.
"O-okay lang ako"
"Gusto mo bang sumama?" Tanong sa akin ni ate carla, yung matangkad na mahaba ang buhok. Mas matanda kasi sya sa amin. . sya ang ate ng room. Naiinggit nga ako kasi ang maria clara nyang gumalaw,
"Yeah girl lagi ka nalang nag iisa, gusto mo makijoin? Pwede ka namin maging kaibigan?" Sabi naman nung maliit na babae. Alam ko sya si michelle, medyo sya yung maingay sa kanila.
Tumango nalang ako, siguro naman hindi naman masama magkaroon ng kaibigan diba? Sana hindi nila ako iiwan tulad ng pag iwan sakin ng mga kaibigan ko dati.
"Yehey! Tara let's go shop"
Hinila na nila ako ng sabay, as if namang makakatanggi pa ako diba? Napangiti nalang ako dahil saglit nawala ang sakit sa dibdib ko.
Sana lang hindi ako mahawa sa. .
Alam nyo na?
BINABASA MO ANG
A Chinito Guy Break my Heart
Short StoryWalang nagmamahal na hindi nasasaktan. . Darating din ang panahon na makikilala mo ang taong para sayo. . pero kailangan nyo munang dumaan sa mga pagsubok kung kayo ba talaga para sa isa't isa. .