Chinito 10.

128 5 0
                                    


Edson Will's POV.

"Gago! Bakit mo ako sinuntok!?"

Inis na sabi ni tred habang nakahawak sa labi nyang sinuntok ko. Pilit kong inaalis yung kamay ni red sa braso ko dahil gustong gusto kong basagin ang pagmumukha ni tred!

"Bakit mo sya pinaiyak!!" Sigaw ko at nasa amin na ang atensyon ng lahat. Bwisit!! Pinagkatiwala ko sya kay nomichi dahil doon sya masaya pero mukhang nagkamali ako.

Ang babaeng gusto ko. . pinaiyak ng kaibigan ko. .

"Anong pinaiyak?! Sino??!"

Nabitawan ako ni red at agad syang nilapitan. Hinigit ko ang kwelyo nya at inangat sya para makatapat sa mukha ko.

"Hindi mo alam?! Hindi mo naman pala siniseryoso ang mga taong may gusto sayo diba?? " sarkastik kong sabi. Napalayo ako sa kanya ng sya naman ang sumuntok sa akin.

"Hindi mo alam!! Hindi mo naman kasi alam ang pakiramdam ng maloko!"

"Ou! Hindi ko alam pero sana naman alam mo ang pakiramdam ng nakakasakit kana sa ginagawa mo!"

Kinalma ko yung sarili ko. . fuck! Hindi ako nakapagpigil. . naiinis ako dahil sinigawan ako ni nomichi. . at nung nalaman kong si tred ang dahilan agad akong sumugod dito sa compshop at sinuntok sya.

Nagkatitigan kami ng masama at parehas ng may bugbog ang mukha namin.

"Tred? Will? Anong—"

Sabay kaming napalingon sa pamilyar na boses.

"Nomichi" sabay naming banggit at nagkatitigan ulit.

(,>>)    ]]]]]]]]]]0[[[[[[[[[[   (<<,)

Nomichi's POV.

     Napipilitan nalang akong ngumiti dahil ang dami nilang gusto.

"Eto girl? Bagay ba?" Tanong ni mika at tumango nalang ako at nag thumbs up. Wala naman kasi akong alam sa fashion. .

Hinila nanaman nila ako sa jewelry store at naghanap ng babagay daw sa kanila. Napailing nalang ako dahil nahiya at nanliit naman ako sa dalawang kasama ko. Napangiwi ako ng 50 pesos lang yung laman ng wallet ko. Wala naman akong mabibili dito sa mall ng 50 pesos lang. . siguro mga pagkain lang kaya kong iafford pero sayang iipunin ko nalang :) . .

"Anong meron dun?" Ngumuso si mika at tinuro yung mga taong nagkumpulan at mukhang may artista ata doon at talagang pinagkakaguluhan pa ata.

"Tara tignan natin" unang naglakad si ate carla at sumunod naman kami. Napatingin ako sa loob, isa itong game caffe. . marami sigurong gwapo dito hehe.. Matignan nga!

Nakisiksik ako sa mga tao at pinilit na makapasok dahil curious ako baka nga may artista dito na pumasok.

"Hindi mo alam!! Hindi mo naman kasi alam ang pakiramdam ng maloko!"

Napahinto ako at kumunot saglit yung noo ko dahil pamilyar yung boses e.

"Ou! Hindi ko alam pero sana naman alam mo ang pakiramdam ng nakakasakit kana sa ginagawa mo!"

Natulak ako ng mga tao paloob kaya napahinto ako ng makita ang dalawang lalaki na parehong may bugbog. Anong ginagawa nila dito?? Kahit ba naman sa mall ayaw nila akong patahimikin?? ..

Nag momove on panga ako dahil sa nangyari kanina tapos eto naman maabutan ko?

"Tred? Will? Anong—"

"Nomichi" sabay nilang sabi kaya napatingin ako kay Tred. Napakagat ako sa labi dahil naalala ko nanaman yung coldness nya kanina. Masakit para sakin na umasa at magpakatanga kaya habang mas maaga lumayo layo na ako. Naiiyak nanaman ako dahil napahiya ko yung sarili ko.

"Nomi!" Huminto ako saglit at tumakbo ulit.

"Girl? Hey! Saan ka pupunta!" Nakalimutan kong kasama ko pala sila.

"May emergency kasi kaya kailangan ko ng umuwi"

Palusot ko at tuluyan ng tumulo ang luha ko.

Kahit anong gawin ko . . hindi ko maitatanggi na gusto ko parin si Tred. . ay mali Mahal ko na pala sya.

Beep beep!

Ay tae! Ang drama ko muntikan tuloy akong masagasaan.

"Miss kung gusto mong magpakamatay doon ka sa tulay tumalon"

Napangiwi ako sa sinabi nung driver.

"Hindi naman po ako nagpapakamatay ang brutal nyo po"

"E bakit ka nakaharang dyan? Dadaan ako! Tabi!"

Napapikit ako sa lakas ng busina nya. Grabe naman yun! Agad akong tumabi at tinuro ko pa talaga yung daan.

"Your highness" sarkastik kong sabi pero may panyong tumama sa mukha ko.

Ang bastos ah!

"Punasan mo yung luha mo isama mo narin yung sipon at kulangot nakakadiri e"

Wag nyo akong tawanan! (>\\<)

Hahabulin ko na sana yung lalaki pero mabilis nya ng pinatakbo ang sasakyan.

Nagkibit balikat nalang ako at pinahid ko sa luha ko.

Pero inilayo ko agad sa mukha ko, baka kasi basahan to at magkapimples pa ako. Siningot singot ko pa at ang bango. . amoy lalaki. .  Naagaw ng pansin ko yung pangalan sa baba.

Eniego Warren Garcia

Isearch nga kita sa facebook! Akala mo ha!

Itutuloy. . .




A Chinito Guy Break my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon