Edson Will's POV.I clench my jaw, , at napakuyom ng kamao habang pinapanood si Nomichi at Tred na sinisimulan ang acting about sa theme ng kanta. Gustong gusto ko na syang suntukin kanina, ang kapal ng mukha nyang magpakita. It's almost 5 years na hindi sya nagpaparamdam, yung nabuntis nya si nomichi, ni hindi nga nya inalam kung kamusta na ang babaeng sinaktan nya.
Nakalimutan kong icheck ang magiging part ng Music Vid nato. Ang alam ko lang may model daw na galing sa China ang kasamang gaganap pero hindi ko ini expect na si Tred pala ang taong yun.
Alam ko naman at ramdam kong mahal na mahal din ako ni nomi pero . . .
Pero natatakot ako. .
Natatakot ako na balang araw agawin nya si nomi sa akin at baka malaman nya pa ang totoo.
ang totoo na may anak sya. . .
"Edson may problema ba?"
Tanong nung PA. Ko habang inaayusan yung buhok ko.
Tumango lang ako at pilit na ngumiti. Dyan naman ako magaling e. Magaling akong magtago ng nararamdaman.
Kung may best in actor lang sa pagiging martyr ako na yung panalo.
"Are you alright? Kanina kapa hindi nagkokoncentrate" napatingin naman ako doon sa kanila habang kinakausap ni direk si nomi at ito naman si nomi nakayuko lang at todo iwas sa titig ni tred.
Dukutin ko yang mata nya e!
Hindi ko na matiis kaya tumayo na ako sa kinauupuan ko at hinila na si nomi palapit sa akin.
"Direk kung pwede sana bukas nalang tayo ulit mag shoot, masama talaga ang pakiramdam ni nomi KO" diniinan ko talaga ang 'KO' dahil akin lang si Nomichi at sinadya ko talagang habang sinasabi ko yun ay nakatingin ako kay tred.
"It's Ok direk. . Pagpahingahin muna natin sya" magalang na sabi ni tred.
Napahilot sa sintido si direk at nagpaypay sa sarili.
"Ano pabang magagawa ko? Hindi magiging maganda ang shoot nato kung hindi naman kayang gawin ng maayos, tss sige na! Pauwiin mo muna sya! Basta bukas tuloy ang shoot"
"Sorry po talaga direk" paghingi ko ng paumanhin at inakbayan si nomi.
"Let's Go?"
Tanong ko kay nomi na hindi mapakali.
Tumango lang sya at inalalayan ko na syang makasakay ng kotse."Bakit kailangan nya pang bumalik?"
Bigla nyang sabi habang seryoso lang na nakatingin sa labas ng bintana.
Parang kumirot ang puso ko. .
Parang bumalik ako sa dati na halos mag makaawa para lang mapansin nya ako.
Sobrang natatakot ako. .
Hinawakan ko ang kamay nya kaya napatingin sya sakin,
"I Love you nomi" sabi ko nalang pero mas lalo akong kinabahan ng hindi sya nag response sa i love you ko.
"I need to rest" inis nyang sabi at sumandal sa bintana at pumikit.
Napahawak ako ng mahigpit sa manubela at yumuko. Gustong gusto ko ng umiyak. Ang bigat sa dibdib na inuunahan parin ako ng doubt.
Napabuntong hininga nalang ako at sinimulan ng paandarin ang kotse.
"I love you too"
Napatingin ako kay nomi habang nakapikit parin sya, kahit pabulong yun ay sobrang saya sa pakiramdam at nabawasan ang takot sa puso ko.
Napangiti ako at mabilisan syang hinalikan sa pisngi.
Tred Kian's POV.
Si nomichi ba talaga yun?
Ang laki na ng pinagbago nya. . .
Ang ganda nya sa personal. . .
Yeah sa personal, alam kong isa na syang sikat na model. Accidentally nakita ko ang picture nya sa magazine. Lagi ko lang syang nakikita sa magazine at lagi din sya ang cover.
Noong una hindi ako makapaniwala na sya yun, baka kamukha lang pero nung nabasa ko ang pangalan nya naniniwala na akong sya nga yun.
Hindi ko aakalain na yung babaeng gustong gusto ako dati ay isang napakagandang modelo na ngayon.
Hanggang ngayon kaya gusto nya pa ako?
Hindi nakakasawa ang ganda nya, hindi ko maiwasang hindi sya titigan dahil ang perfect ng mukha nya, halata ding nag matured na sya.
May nag offer sa akin ng project na to at nalaman kong kasama si nomichi sa gaganap kaya agad akong pumayag.
HALOS limang taon na ang lumipas ng iwan ko sya bigla ng hindi nagpapaalam.
Masyado kasing biglaan din ang pagkamatay ni daddy. Buti nalang at nahuli na ang salarin. Si mommy na din ang nagpatuloy sa iniwang bussiness ni dad.
Alam kong may kasalanan ako sa kanya pero gusto ko na syang makita.
Gusto kong alamin kung ok lang ba sya. .
Pero hindi ko aakalain na naging sila ni will.
Ang huling natatandaan ko ay binasted ni nomi si will noong college pa kami. Naalala kong nag walk out pa ako nun dahil naguguluhan ako sa nararamdaman ko.
Pero mukhang huli na ako dahil mag asawa na sila.
Natauhan ako ng tapikin ako sa likod ni direk.
"Ikaw tred kailangan ipakita mo na ayaw mo na sa kanya at pinagtatabuyan mo sya ok?" Sabi ni direk kaya tumango ako.
"Ikaw naman Nomi kailangan magmakaawa ka sa kanya na wag kang iiwan" sabi din nya kay nomi pero napansin kong hindi sya mapakali.
"ACTION!" Sigaw ni direk kaya sinimulan ko ng magsalita.
"Hindi mo ba naiintindihan na ayaw ko na sayo? Hindi na kita mahal. . I'm sorry" act ko at kunyari sobra sobra akong nafrustrate.
Nagulat ako ng bigla nalang syang umiyak, nakatingin lang sya sa mata ko. Hindi din sya nagsasalita, ,
"Ok ka lang?" Bigla kong tanong dahil hindi sya nagsasalita, tahimik lang syang umiiyak.
"Ok lang ako??" Sarkastik nyang sabi at tinuro ang sarili.
"Bakit kapa bumalik sa buhay ko,? Bakit kung kailan masaya na ako doon ka naman biglang nagpakita?? Alam mo bang sobra sobra ang sakit na dinanas ko ng iwan mo ako? Ang sakit sakit ng umasa !! Akala ko. . Akala ko magiging masaya na ako dahil sinabi mo sa akin ang salitang 'I love you' ang salitang yun ang nagbigay sa akin ng pag asa. . Binigay ko ang lahat sayo pati pagkababae ko pero ano?? Iniwan at sinaktan mo lang ako! Gago ka!"
Hindi ko alam pero bakit parang para sa akin lahat ng sinasabi nya?
Pinagsusuntok nya ako sa dibdib kaya pinigilan ko na sya at hinawakan ang kamay nya,
"Cut!" Biglang sabi ng direk at lumapit sa amin.
"Ok ka lang Ms, Nomi? . . I'm sorry pero ang layo ng mga sinabi mo sa kanya" prangkahan na sabi ni direk kaya agad na pinunasan ni nomi ang luha nya.
"Sorry po direk. . Ulitin nalang natin" biglang sabi nya.
"Are you alright? Kanina kapa hindi nagcoconcentrate" biglang tanong ni direk.
Nakita kong bigla nalang hinila ni will si nomi palayo sa akin.
Nakatingin sya ng masama sa akin, ,
At parang sinasabi ng mata nya na sa kanya lang si nomi. Umalis na sila kaya pinagmasdan ko si nomi na papalayo.
"Pasensya kana tred, , bukas nalang ulit tayo mag shoot"
"Ok lang po, , "
BINABASA MO ANG
A Chinito Guy Break my Heart
Short StoryWalang nagmamahal na hindi nasasaktan. . Darating din ang panahon na makikilala mo ang taong para sayo. . pero kailangan nyo munang dumaan sa mga pagsubok kung kayo ba talaga para sa isa't isa. .