Tred Kian POV♥Napainat ako dahil sa wakas tapos na ang quiz. Kinuha ko na yung bag ko at sinabit sa balikat, pupuntahan ko sila will baka sakaling maabutan ko yung babae.
Si Nomichi :)
Interesado ako sa kanya dahil napakamisteryosa nya.
Ang tahimik kasi :)
Maganda sya at cute, ang sarap nga kurutin ng bilugin nyang pisngi. Sinilip ko muna sa room nila kung nandoon pa sila will pero sya ang naabutan ko. Tahimik lang syang nagbabasa habang yung iba naman ay may kanya kanyang bussiness. Pumasok na ako at nilapitan sya, hindi nya ata napansin ang presensya ko.
"Nakita mo ba sila will?" Tanong ko kaya napaangat sya ng ulo at gulat na expression agad ang bungad nya.
"Hi-hindi ko alam b-baka lumabas" nakayuko nyang sabi. Ngumiti nalang ako.
"Ganun ba? Sige thanks" paalam ko at lumabas na ng room. Akala nya hindi ko napansin na namumula sya. Napangiti ako. . mukhang gustong gusto nya ata ako.
Satur. . .Day
Inis kong binato yung alarm clock dahil sabadong sabado may pasok. Kinuha ko nalang yung cellphone ko, at may text nga ako galing kay nomichi.
From: Nomichinita :)
-galit kaba saken?
-bakit hindi kana nagrereply?
-sige kung ayaw mo magreply hindi na kita itetext. . bye
Napatawa ako dahil sa text nya, ang OA lang kasi. Pati sa mga GM's nya ang drama ng mga laman.
Fastforward. .
Nomichi Tokogawa
-Hi tred :)
Tred Kian Xien
-yes? Bakit?
Nomichi Tokogawa
-galit kaba saken?
Ewan ko pero lagi nalang nya akong tinatanong kung galit ba ako. Paulit ulit nalang.
Tred Kian Xien
-Ah? Di naman ako galit, bakit naman ako magagalit?
Nomichi Tokogawa
-Hmp! Wala naman alam mo kasi. . . .
CRUSH KITA!!! :(
Nanlaki mata ko ng mabasa yung respond nya. Tama nga hinala ko may gusto sya saken. Napatitig muna ako sa keyboard, di ko alam irereply ko nakakagulat.
Tred Kian Xien
-Ha ha ha . . .panget ko lang naman bakit mo naman ako crush?
Nomichi Tokogawa
-Ang cute mo kasi at ang bait mo pa kaya ako nagkagusto sayo :)
Hindi ako nakapagreply dahil ang straightforward nya. Nababaitan sya saken? Kailan? Nagulat parin ako sa sinabi nya kaya hindi ko na nireplayan. Pero natatakot ako na baka bigla nalang yun magtampo. Nag offline na ako sa FB at kinuha yung phone ko at tinext sya.
Nomichi POV♥
Sheeet!! Napatakip ako ng unan sa mukha dahil namumula parin sa hiya. Kahit kailan hindi ako naging straightforward sa mga taong gusto ko sa kanya lang ako nagkalakas ng loob.
"Ahhhh..bakit ko nasabi sa kanya yun?" Tanong ko sa sarili.
Sinilip ko ulit yung phone ko pero nakita ko na yung seen.
Nagulat ko ba sya?
Napasimangot ako dahil baka maiilang na yun saken huhu. (T_T)
Bakit ba ako umiiyak?
Napatawa ako sa kagagahan ko dahil nag expect ako na baka magreply sya na
Same here :) crush ka din
Nagpahid nalang ako ng luha at nilubog ko sa malambot na unan. Napaharap ako ng higa ng tumunog yung phone ko.
From: My Crush ♥
Sorry . . crush din kita wag kana magalit haha. .
Napangiti ako ng mabasa ko yung text nya. O ha? Sabi na e magrereply din sya ng ganun.
Me: Nagulat ba kita? Sorry :(
Tred: haha ayus lang yun.
Hindi ko na muna sya nireplyan nakakahiya! Gosh! Ang haba ng hair ko! For the first time in my life! Chus ang OA haha. Umamin ako sa lalaki na gusto ko sya, gosh! Ang kapal talaga ng pagmumukha ko.
Inulit ulit ulit ulit ko yung yext nyang. .
Sorry .. Crush din kita
Crush din kita
Crush din kita
Kyaaaa (>\\
Atleast alam na nyang may gusto ako sa kanya.
May chance naman siguro diba?
Sana nga . .
BINABASA MO ANG
A Chinito Guy Break my Heart
Short StoryWalang nagmamahal na hindi nasasaktan. . Darating din ang panahon na makikilala mo ang taong para sayo. . pero kailangan nyo munang dumaan sa mga pagsubok kung kayo ba talaga para sa isa't isa. .