Chinito 12.

133 4 0
                                    

3 months had past. . .

Nomichi's POV.

Hindi ako mapakali, kinagat kagat ko yung kuko ko sa frustration. Ang tagal ko ng hindi nakakausap si tred, aaminin ko namimiss ko na sya. Lumayo layo nga ako sa kanya pero hindi ko aakalaing mamimiss ko sya.

Letseng love nato'

Kanina pa ako nakatitig sa cellphone ko baka sakaling magreply sya sa text ko.

after 1 hour. .

Napasabunot ako sa buhok dahil hindi man lang sya nagreply sa sorry ko. Napatingin ako sa oras, mag uumaga na pala. Ni hindi ako nakatulog, bumangon nalang ako at naghilamos. Ngayon ang foundation day namin pero ang itsura ko mukhang zombie.

Napasulyap ako sa kwarto ni mommy, ilang araw na kaming hindi nag uusap. Ou galit ako sa kanya pero kahit baliktarin man ang mundo nanay ko parin sya.

♡♡♡♡♡

Napangiwi ako sa suot ko, sobrang sexy naman, tube na simple dress na black at black wedge heels kasi ang suot ko. Sasayaw kasi kami ngayon ng ballroom.

Pagkarating ko ng room sinalubong agad ako ni mika,

"Omo. . What happen to your face??" Gulat nyang tanong sabay suri sa itsura ko. Hindi ako sumagot dahil alangan namang sabihin kong hindi ako nakatulog sa kakaisip kay tred.

"Oh well. . Nevermind akong bahala sayo" medyo kinilabutan ako sa ngisi nya.

Pagkapasok namin ng room, sinimulan nya na agad akong ayusan. Hinati nya ang buhok ko sa dalawa tapos kinulot nya sa baba. Nilagyan din nya ako ng make up sa mukha,

"Tadaa!!"

Tuwang tuwa nyang sabi na may kasabay pang palakpak. Inagaw ko sa kanya yung salamin at tinignan ang itsura ko. Napangiti ako dahil kahit papaano hindi na ako mukhang zombie hehe.

Pagkarating namin doon sa gym ang haba ng pila tss, ou nga pala bago makapasok kailangan muna naming magparegister. Nahati sa dalawa ang line para sa babae at para sa lalaki.

Nasaan kaya si tred? Aattend kaya sya?


"Wow ang ganda nya!" - girl 1

"Akala ko artista. . Studyante ba yan dito?" - Girl 2

Nailang naman ako dahil pinagtitinginan na ako ng iba.

"Girl ang ganda mo naman kasi e" sabi ni ate carla.

"Inlove ka siguro no?" Tanong ni mika sabay yakap sa leeg ko.

"Maybe?" Ilang kong sagot kaya nagtili naman yung dalawa.

"Kyaaa... I'm so excited na mamaya ahihi" sabi ni mika sa sarili. Napangiwi naman ako ng kapit sya ng kapit sa braso ko tapos bigla nalang syang kikiligin. Okey lang sana kung kiligin sya ng tahimik pero. . Ang tunay na kaibigan nananapak pag kinikilig.

Anong meron??

"Psst girl look" tinignan ko si mika sabay tingin dun sa lalaki na nginuso nya. Nanlaki naman mata ko sabay ng pagbilis ng puso ko ng makita syang muli. Nasa loob na si tred habang nakaupo pero nakatingin lang sya sa taas habang nakasandal yung ulo nya sa upuan.

Ano kayang iniisip nya? Mukhang ang lalim eh.

"Ang gwapo nun girl!!! Sino kaya yun?" Napangiti ako ng mapakla dahil hindi pala nila alam ang lovelife ko.

"Si Tred Kian Xien" sagot ko sabay iwas ng tingin. Ang gwapo nya ngayon sa sout nyang longsleeve na kulay white tapos tinupi hanggang braso.

"Kilala mo yun?"

"Ofcourse. . Famous yan sa facebook kaya kilala ko" palusot ko nalang. Ayaw kong natutukso e nakakainis kasi,

Nakapagregister na kami at pumasok na sa loob, grabe ano bato? Foundation day o acquaintance??

Ang bobongga naman ng suot nila. . Dinaig pa ang js prom haha.

♡♡♡♡

Nagsimula na ang contest sa bawat course kaya nag eenjoy na ang lahat. May kakanta at may sasayaw. .

"Girl tayo na pala" hinila na ako ni mika at pumunta sa kanya kanya naming partner. Napalingon ako kung saan nakaupo si tred. Nanlaki ang mata ko ng napatingin sya sakin pero yung cold stare. Nagsimula na yung tugtog at sumayaw na kami ng tango. Habang patuloy lang ako sa pagsayaw lagi akong sumusulyap kay tred kung nakangiti naba sya pero ganun parin. Nalulungkot ako dahil hindi na nya ako pinapansin, ni hindi nya nga ako nireplayan sa SONA ko kanina.

Gustong gusto ko ng tumakbo sa banyo para ilabas lahat ng luha ko pero hindi kami pwedeng lumabas dahil sarado na ang gym. Sinigurado siguro nilang walang uuwi hanggang hindi natatapos.

"Girl. . Girl ayan na yung pambato natin sa pagkanta kyaaa....." bored akong lumingon sa stage dahil kanina pa ako nakatingin kay tred sa likod na may kausap na ngayong babae,!

Teka? Si Will? Anong alam nyan??

"Eherm! Napili ko yung kantang to dahil sa kanya" sabi nya tapos parang may hinahanap. Nagtaas naman ng kamay itong si mika at kumaway kaway na parang sinasabing nandito kami.

Nagsigawan naman yung mga tao. . After 3 months ang laki ng pinayat ni Will. Aaminin ko ang gwapo na nya ngayon, naging sikat na din sya sa room. Pero hindi ko expect na kakanta sya ngayon. Akala ko kasi si Red ang kakanta, ,

[Just played When She Cries by Restless heart]

Nagtayuan naman yung mga studyante sabay palakpak ng malakas.

Wow! as in wow! Ang lamig ng boses ni will. .

Maganda pala talaga ang boses nya pag sineryoso nya lang. Feel na feel nya yung kanta at alam nyo ang mas cool? Sya lang yung tumutugtog. . I mean naggigitara sya habang kumakanta kaya nakokontrol nya yung kanta at tugtog.

Hindi ko alam pero naluluha ako sa bawat banggit nya ng lyrics. Para kasing natatamaan ako sa lyrics e.

"When she crieeeees..." chorus nya sabay dilat ng mata at tumingin sa akin.

Eh? Ano nga bang meron?

Pinatayo ako ni mika at hinila papuntang gitna, nagtaka ako ng nagform ng bilog yung mga studyante at may kanya kanya na sila ngayong bulaklak. Nagsisway din sila sa kanta ni will.

"T-teka mika ano to??" Nag abot kasi sya sakin ng isang bulaklak.

"Hehe sinabi ko na sayong excited na ako at eto yun"

Napakunot ako ng noo dahil hindi ko magets anong nangyayari.

Biglang dumilim yung buong gym at wala akong makita kundi mga konting ilaw-

Teka? Ba't andaming kandila?

"When she cries" napalingon ako sa likod ng biglang umilaw at tanging kay will lang nakatutok. Lumapit sya sakin kaya kami na ngayong dalawa ang nakatutok sa head light.

Hinila nya ako palapit sa kanya at hinawakan nya ako sa kamay.

"Nomichi. . C-can you. . . Can you be my Girlfriend??"



"EHH????? "





Itutuloy. . .















A Chinito Guy Break my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon