Epilogue

46 2 3
                                    


10 years later…

Nomichi POV.

“Kamusta kana? Kung nasaan ka man ngayon sana masaya ka” bulong ko sa hangin at naghagis ng bulaklak sa dagat. Inipit ko ang buhok sa likod ng tenga dahil sa lakas ng hangin kasabay ng malakas na hampas ng tubig sa bato.

Tumingin ako sa langit at itinaas ang kamay ko para harangan ang sikat ng araw sa mukha ko. Ngumiti ako sa langit at pumikit.

(Play the Song: If this was a movie by Taylor Swift)

Naramdaman ko ang patak ng ulan habang sikat na sikat ang araw. Napadilat ako ng mata at sinalo ang tubig ulan. Napangiti ako ng lumitaw ang Rainbow.

“Eto ba ang regalo mo saken? Pfftt.. ang sweet mo talaga”  bulong ko ulit sa hangin at natatawa.

“Mom tara na” napalingon ako sa anak kong 15 years old na ngayon. Makikita mong nagbibinata na si William Nokenshi. Ang bilis nga naman ng panahon hindi ko maikakaila na nasa 30’s na ako.

“Mommy” sa likod ni Nokenshi nagtatago si Minari ang isa ko pang baby girl.

“Mga baby ko lumapit kayo kay mommy”  nakangiti kong sabi at inispread ang kamay ko para salubungin ko sila ng yakap.

Si Nokenshi naman napakamot sa ulo nya sa inis habang si Minari tumakbo palapit sa akin at dinamba ako ng yakap. 9 years old na din si Minari at feeling dalaga na din.

“Happy Birthday Mommy!” sabi ng sweet kong anak at tinadtad ako ng halik sa pisngi. Tinaasan ko ng kilay si Nokenshi na nakatayo lang.

“Oh? Anong ginagawa mo dyan? Come here baby gusto kang mayakap  ni Mommy”

Napapout lang sya pero lumapit parin naman kaya kinurot ko ang pisngi nya.

“Ikaw ha! Nagtatampo na si Mommy sayo” natatawa kong sabi.

“Don’t call me Baby .. Im not baby anymore mommy malaki na ako” reklamo nya kaya pinalapit ko sya saken at niyakap sya ng mahigpit.

“Asus etong binata ko talaga oh! Don’t worry kahit big kana baby ka parin ni Mommy wag ka ng pumalag kundi babawasan ko allowance mo”

“Mom!”

“Eto naman joke lang” 

Tapos ay sabay ko silang niyakap dalawa.

“Happy Birthday Mom” sabay nilang sabi kaya napangiti nalang ako.

“Wow rainbow!” sigaw ni Minari kaya sabay sabay naming tinignan yung Rainbow.

“Mommy si Daddy kamusta na?” tanong ni Minari kaya may pumatak na luha sa mata ko.

“Masaya na sya ngayon habang nakatingin sa atin” sabi ko at pinahid ang luha.

8 years ago…

(Play the Song : Kailanman by Denis Trillo)

“Nomi”

“Hmm?”

“Kapag nawala na ako sana kung may manligaw man sayo sana wag kang matakot magmahal ulit”

Sinapak ko sya ng mahina.

“Wag ka ngang magsalita ng ganyan. Ikaw lang ang nag iisang taong mamahalin ko at malapit kanang gumaling”

Tinitigan ko sya., sobrang payat na nya dahil sa gamot at nakalbo na din sya pero kahit ganun mahal ko parin sya at nandito lang ako sa tabi nya hindi ko sya iiwan. Nakaupo sya sa wheelchair habang ako naman sa bench habang hinihintay namin ang sunset. Sobrang ganda din ng view dito kaya nakakatulong ito sa preskong hangin. Hinakawan ko ng mahigpit ang kamay nya. Tumayo ako at hinalikan sya sa pisngi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Chinito Guy Break my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon