Edson Will's POV.Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni nomi habang tulak tulak sya ng mga nurses.
Akala ko kaya ko. . Akala ko kaya kong mag move on at tanggaping hindi ko na makukuha ang puso nya.
Pero hindi ko parin maiaalis ang nararamdaman ko sa kanya.
I still love her. . Nagulat ako kanina ng makita sya ng ganun ang itsura.
Gusto ko ng murahin ang mga kaklase ko sa ginawa nila sa kanya. At yakapin sya ng mahigpit. Sobrang miss na miss ko na sya dahil ilang araw syang hindi nagpapakita.
Nag flashback ulit sa isip ko ang naluluha nyang mata.
Ang sakit! Ang sakit lang na makita syang umiiyak.
"Dito kalang muna, we will check her condition" sabi ng doctor kaya huminto nalang ako at napaupo.
♡♡♡♡
"Ikaw ba ang kasama ng pasyente?" Sabi ng doctor pagkalabas.
"Yes"
"Come with me"
Sumunod naman ako sa doctor at pumasok sya sa isang room. Office nya siguro toh.
"Sasabihin ko sayo na malala ang kanyang kondisyon, masyadong mahina ang puso nya baka hindi nya kayanin ang pagbubuntis"
"Wa-WHAT??" Gulat kong tanong pagkarinig ko ng buntis.
Baka kasi mali lang ako ng rinig."She's one week pregnant, pero masyado nyang pinapabayaan ang sarili nya, she's unconcious because of stress, wag mo syang hayaan na mastress dahil naaapektuhan ang puso nya baka pati nadin ang baby nya"
Nashock ako sa sinabi ng doctor at parang gumuho ang mundo ko.
Buntis si nomi. .
Hindi kaya si tred ang ama?
May nangyari ba sa kanila ng hindi ko alam??
Natauhan ako ng tinapik ako ng doctor sa balikat.
"Mahirap maging batang ama, pero nandyan na rin kaya alagaan nyo nalang" nakangiting sabi ng doctor pero ako tumango tango lang dahil hindi ko parin matanggap ang nalaman.
Lumabas nalang ako ng nakatulala habang naglalakad.
Feeling ko naubusan ako ng lakas dahil sa nalaman ko.
Alam na kaya ni Nomichi na buntis sya?
Sumandal muna ako sa wall at kinuha ang phone ko sa bulsa.
Sasabihin ko ba kay tred na buntis si nomi at sya ang ama?
Napahawak ako ng mahigpit sa phone ko at pinipigilang maluha.
"Damn it!" Sa frustration ko nasuntok ko ang pader kaya dumikit doon ang dugo galing sa kamay ko pero hindi ko ininda ang sakit.
Dahil mas masakit pa ang mga nalaman ko. . .
Namanhid ang katawan ko dahil ang babaeng mahal ko ay magiging ina na,
Wala na talaga akong pag asang makuha ang puso nya.
Nomichi's POV.
Napadilat ako ng mata at nasilaw sa liwanag ng ilaw, agad akong napabangon dahil hindi ko alam kung nasaan ako.
"Miss humiga ka muna ichecheck lang kita" pinahiga ulit ako ng nurse kaya napatingin ako sa kamay kong may dextros.
Anong ginagawa ko dito sa hospital?
"Sinong nagdala sa akin dito?"
"Ah. . Yung poging lalaki ang nagbuhat sayo dito"
Si Tred kaya yun?
Imposible naman si Will dahil halos pagtabuyan na ako nun.
"Congratulation magkakababy kana" biglang sabi ng nurse kaya napakunot ako ng noo.
"What? Ako ba kinakausap mo?" Tanong ko sabay turo sa sarili.
"Omy! Hindi mo pa pala alam, sabi ng doctor youre one week pregnant"
Nanlaki naman ang mata ko at napahawak sa tyan.
No! Hindi pwede! Hindi pa ako handa!
"I love you too Nomichi"
Naalala ko ulit ang boses ni tred sa isip ko.
H-hindi kaya nabuo ito sa nangyari?
Nanginginig ang kamay ko habang nakahawak sa tyan.
Tatanggapin kaya ni tred ang bata?
May luhang tumulo sa mga mata ko habang iniisip kung paano ko sasabihin kila mom and dad na nagdadalang tao ang anak nila?
Hindi kaya ipagtabuyan nila ako?
"Nomi!" Napalingon ako sa pinto ng pumasok si ate carla at mika at niyakap ako ng mahigpit.
"Nomi I'm sorry"
"I'm sorry din mika"
Humiwalay si mika sa yakap at tinignan ako ng maigi,
"Are you ok? May masama ba sa pakiramdam mo?" Nag aalalang tanong ni ate carla.
"I'm ok" pagsisinungaling ko.
Hindi pa ako handa na sabihin sa kanila.
Kian Tred's POV.
"D-dad" naluluha kong tinignan ang malamig na nyang bangkay habang nakahiga sa kabaong.
I can't believe that dad will left us.
"Kuya" niyakap ko nalang ng mahigpit ang bunso kong kapatid na lalaki habang walang alam sa nangyari.
"Why dad sleeping there? Sabi nya mag piplay daw kami"
Napakagat ako sa ibabang labi para pigilang hindi maluha, dahil hindi nya alam na wala na si dad, he's only 2 years old. Hindi pwedeng sabihin sa kanya na patay na si dad dahil baka matruama sya sa pagkabata.
Si mom naman nakatulala lang na parang walang tao sa paligid nya. Tuloy tuloy lang ang luha nya habang tahimik na umiiyak.
Dad was killed by unknown killer,
Hinahanap parin ngayon kung sino ang salarin.
Gusto kong magbabayad sya sa pagpatay sa aming ama!
Dito kasi si Dad nakatira sa beijing china dahil may inaasikaso syang bussiness dito.
Dito muna kami titira para asikasuhin ang libing ni dad at ang paghuli sa may gawa.
Edson will's POV.
"The number you have dialed is out of coverage area. . Please try again later"
Nasipa ko ang gate nila tred dahil hindi ko sya makontak, kahit masakit gusto kong malaman ang totoo..
"Iho walang tao dyan" napalingon ako sa matanda na kapitbahay ata nila.
"Nasaan po sila?"
"Nasa ibang bansa sila iho, namatay daw yung daddy nila"
Nanghina ang tuhod ko sa narinig. .
Bakit ang komplikado ng sitwasyon?
NAPAsabunot ako ng buhok sa sobra sobrang frustration.
BINABASA MO ANG
A Chinito Guy Break my Heart
Short StoryWalang nagmamahal na hindi nasasaktan. . Darating din ang panahon na makikilala mo ang taong para sayo. . pero kailangan nyo munang dumaan sa mga pagsubok kung kayo ba talaga para sa isa't isa. .