Chinito 23.

51 1 0
                                    


Nomichi's POV.

"Cut!" natauhan ako sa sigaw ni direct kaya napayuko nalang ako sa hiya.

"Sorry po direct" sasaktan nya sana ako pero may kamay ng humarang sa kanya kaya sinundan ko ng tingin kung sino yun. Masamang nakatingin si Tred kay direct dahil sa balak nyang saktan ako.

"Stop it or else.." pagbabanta nya kay direct kaya inis na napasabunot sa buhok si direct at bumalik sa pwesto nya.

"Nakakainis na kayo.. kahapon naman ang ganda ng shoot tapos ngayon naman di ko magets hays! Sumasakit ulo ko sa inyo!" reklamo ni direct sa di kalayuan kaya mas lalo akong napayuko.

Nakakainis hindi ako mapakali dahil kahapon lang nagkausap kami ni Tred at sobra ko syang tinaboy tapos ngayon naman magkaharap kami. Wala ngayon si Will dahil may concert sya sa korea kaya wala akong matakbuhan ngayon kundi ang sarili ko lang.

"Ayus ka lang?" napaangat ako ng ulo ng magtanong si Tred,nagtama ang mga mata namin kaya agad akong napaiwas ng tingin.

"O-ou ayus lang ako.. hindi ko lang kasi aasahan na may script palang kissing scene" sagot ko sabay lunok.

Nanlaki ang mata ko ng hinawakan nya ang magkabila kong balikat at pinaharap nya ako sa kanya.

"W-what??"

"Look Nomi kahit ako hindi ko rin alam na may ganito palang set up.. pero isipin mo nalang na trabaho lang ito walang meaning ok?"

Para akong napipi dahil nakaramdam ako ng kaba sa tuwing napapatitig ako sa mukha nya. Dati gwapo sya pero ngayon mas lalo syang gumwapo dahil nagmatured na ang itsura nya at sobrang tangkad nya pa ngayon at halatang hindi sya maabot abot dahil sikat sya sa ibang bansa.

Napaiwas ako ng tingin dahil ako mismo ang gumigiba sa pader na binuo ko sa pagitan namin. Kainis!

"Direct pwede na po tayong magstart ulit" dinig kong sabi ni Tred kaya napalingon ako sa kanya pero nginitian nya lang ako.

Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko gaya ng dati kong nararamdaman noong college palang kami. Ang hirap huminga dahil kaharap ko pa sya at sobrang natetense na ako ano ba yan! Parang hindi naman sya naapektuhan sa mga pinagsasabi ko kahapon kainis talaga!

Nagulat nalang ako ng bigla nyang hawakan ang bewang ko at mas lalong inilapit sa kanya. Yung kabila naman nyang kamay hinawakan ang likod ng ulo ko para mas lalo akong mapalapit sa mukha nya. Nagbangga na ang mga ilong namin sa lapit kaya napababa ang tingin ko sa mapula nyang labi. Ganun din ginawa nya, naramdaman ko nalang na lumapat ang labi nya sa labi ko at para akong nakaramdaman ng kuryente. Nag umpisang gumalaw ang labi nya at hinihintay ang respond ko kaya ginalaw ko na din yung labi ko at sumasabay sa galaw ng labi nya. Napahawak ako sa batok nya kaya mas lalo nya akong nilapit sa kanya at mas lumalim pa ang halik namin. Yung huli naming paghahalikan noong may nangyari sa amin at ngayon ko nalang ulit nahalikan ang labi nya sa makalipas na taon. Gusto ko ng tumigil dahil tama na yung ginawa ko siguro naman satisfied na si direct pero ayaw akong bitawan ni Tred. Parang gusto nyang habang buhay na kaming maghalikan.

Nauubusan na ako ng hangin dahil ayaw nya paring tumigil. Pero ako namang tanga ayaw din tumigil dahil parang may part parin sa puso ko na namiss ang halik nya.

"Cut!" doon lamang kami bumitaw sa isa't isa at hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil sa ginawa namin. Nagmadali akong pumunta sa tent ko at napainom agad ng tubig. Napahawak ako sa puso ko dahil hindi ito tama. Kahit itanggi ko pang hindi ko na sya mahal may 1% parin akong pagkagusto sa kanya.

"That was a good scene goodjob everyone" tuwang tuwa si Direct sa naging daloy ng shoot at tinapos nya din agad.

Papunta na ako sa van ko ng may biglang humila sa akin papunta sa private cottege at nilock nya ang pinto.

A Chinito Guy Break my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon