[Author's NOTe: Paalala. . Ito po ay Rated SPG :D]Nomichi POV.
"E-eh??" Sigaw ko sa gulat O_O
Hindi ako makapaniwala na nasa harap ko ngayon si will at talagang nililigawan nya ako?
Ibinaba na nya yung mike na hawak nya at parang nalungkot sya sa reaksyon ko sabay bitaw nya sa kamay ko.
"Alam kong nagulat kita pero aaminin ko sa lahat ng taong nandito na gusto kita" pabulong nyang sabi na parang batang naliparan ng lobo.
"YES NA YAN! YES NA YAN!" Napalingon ulit ako sa mga studyanteng nandito at talagang nagkaisa na sila.
"NOMICHI!! Kyaaa sagutin mo na kasi!" Nahiya naman akong napalingon sa prof ko na talagang sinigaw yung pangalan ko.
"Ano na? Yes or No?" Nag angat ulit ng tingin si will kaya umiwas ako ng tingin.
"Uhmmm... Will ano kase..." habang nag iisip ako nakita ko si tred na nakatingin sa amen tapos nung nahuli nya akong nakatingin bigla nalang syang tumayo sa pwesto nya at umalis.
"Tred..."
Humakbang ako ng isang beses para sana puntahan si tred pero may kamay ng humawak sa braso ko.
"Bago ka umalis sagutin mo muna yung tanong ko" pagmamakaawa nya kaya napailing ako at pilit na tinanggal yung kamay nya sa braso ko.
"I'm sorry Will pero may iba akong gusto" yun ang huling sinabi ko bago ako tumakbo palabas ng gym. Nagsihawi naman yung iba para makatakas agad ako sa kahihiyang ginawa ko kay Will.
"Honto Ni Gomenasai Will" (I'm really sorry will)
Hindi ko alam pero napaluha na pala ako at ngayon ko lang nalabas lahat ng sakit na naramdaman ko simula pa kanina.
Bakit hindi mo na ako pinapansin Tred?
Tumakbo ako ng tumakbo at hinanap si tred kung sakaling maabutan ko pa sya.
Napahawak ako sa tuhod ko habang hinihingal na huminto. Alam kong walang ibang mapupuntahan si Tred kundi dito lang sa rooftop.
Tama nga ang hinala ko. . Nakita ko nga si tred dito sa rooftop habang nakatalikod at nakaharap sa railings.
"Tred. . " tawag ko sa kanya kaya gulat syang napalingon sa aken.
"Anong ginagawa mo dito" hindi ko alam kung nagtatanong ba sya dahil wala namang patanong sa salita nya.
"Deretsuhin mo nga ako tred! Bakit hindi mo na ako pinapansin? Nakakadiri naba ako para sayo? Hindi mo man lang ako pinansin sa sorry ko!"
Silence*
Silence*
Naramdaman ko nalang ang malakas na hangin na tumatama sa mukha ko.
Napakagat ako sa ibabang labi para pigilan ulit ang luha kong nag-uunahan sa pagbagsak.
"I don't know" biglang sabi nya sa gitna ng katahimikan.
"I don't know?? Yun lang ang sagot mo?"
Hindi ko mapigilang sigaw sa kanya kaya may halong inis na.
"Please Nomichi mabuti ng lumayo layo kana sa aken"
Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko at napaupo ako sa sahig.
BINABASA MO ANG
A Chinito Guy Break my Heart
PovídkyWalang nagmamahal na hindi nasasaktan. . Darating din ang panahon na makikilala mo ang taong para sayo. . pero kailangan nyo munang dumaan sa mga pagsubok kung kayo ba talaga para sa isa't isa. .