Tred Kian POV.Nakatayo lang ako sa harap ng dati naming school. Madami din akong ala ala na naiwan dito.
Pumasok ako sa loob at nilibot ang lugar. Madami na din pala ang nagbago dito.
Napapangiti ako ng maalala kong magkakasama pa kami nila Will at Red na mag DOTA at ako lagi ang panalo. Napatitig naman ako sa lobby at naalala ko yung time na pinahiram ko si Nomi ng damit ko.
Yung first time ko syang nakausap face to face. Napangiti ako ng palihim ng maalala ko ang mukha nyang namumula.
Kung pwede lang sanang balikan ang nakaraan hindi ko na sana pinakawalan ang babaeng gusto ko.
Kaya nga laging nasasabi ang NASA HULI ANG PAGSISISI
Umakyat ako sa rooftop at dinamdam ang hangin. Wala man masyadong umaakyat dito kaya ito ang favorite place ko dati dahil payapa lang at masarap matulog. Napalingon naman ako sa pwesto ko noon yung time na tinanong nya ako kung bakit hindi ko na sya pinapansin.
"I don't know" yun lang ang naisagot ko dahil yun din ang time na niligawan sya ni Will.
Hindi ko din alam kung ano ang nararamdaman ko noon.
After 2 years bumalik ako dito. .
Pero dumating yung time na hindi ko na sya nakikita. Hindi ko din sya nacontact. . gusto kong malaman kung ok lang ba sya.
Doon ko narealized na importante sya sakin.
Hinahanap ko ang presensya nya yung pangungulit nya kung galit ba ako.
Bumalik ulit ako ng china dahil wala na akong magagawa. Kasalanan ko din naman kung bakit sya lumayo at ako ang unang nag iwan.
Napangiti ako ng maalala ko din yung aksidenteng nakita ko sya sa news. Hindi pa sya model doon, pero nasaktan ako na ang nakalagay sa news na yun ay sya ang girlfriend ni Will.
Napabuntong hininga nalang ako dahil lahat yun ay isang memories nalang na hindi na pwedeng balikan.
"Kian?" Agad naman akong napalingon sa tumawag.
Nanlaki ang mata ko ng after 5 years ngayon ko lang ulit nakita si Desserie.
Yung ex ko dati nung college. .
Nakauniform sya ng pang School Nurse at nakangiting lumapit sa akin. Nginitian ko na din sya at sumandal din sya sa railings.
"Long time no see. . kamusta kana?"
"Eto nagmomodel na sa china"
sagot ko at tinignan ang mga studyanteng naglalakad sa baba."Ikaw dess? kamusta kana din?"
Nakamove on na ako sa kanya kaya hindi ko na sya papakealaman sa love life nya ngayon.
"Ahm. . . eto naging school nurse" malungkot nyang sagot at parang naiiyak.
"May problema ba dess?"
"Huh? w-wala naman. . sige mauna na ako" nakita kong tumulo ang luha nya kaya hinila ko sya palapit sa akin at niyakap sya.
"Kilala kita dess . . alam kong may problema ka"
Naramdaman kong nagtaas baba ang balikat nya kaya alam kong umiiyak sya. Tinapik tapik ko sya sa likod para pagaanin ang loob nya.
"I'm sorry Kian sa lahat ng nagawa ko sayo"
"It's ok now dess . . napatawad na kita alam kong mas sasaya ka kay Eniego at nalaman ko din na mas nauna sya saken . . kahit alam kong ginawa mo lang akong rebound noon pero Don't worry nakamove on na ako"
BINABASA MO ANG
A Chinito Guy Break my Heart
Short StoryWalang nagmamahal na hindi nasasaktan. . Darating din ang panahon na makikilala mo ang taong para sayo. . pero kailangan nyo munang dumaan sa mga pagsubok kung kayo ba talaga para sa isa't isa. .