Chinito 11

141 4 0
                                    

Nomichi's POV.

"Eh? Anong meron?"

Sabi bigla ni mika or michelle blah blah basta yun ang pangalan nya.

Nakitingin din ako sa bintana kung ano yung pinagkakaguluhan nila.

"Tara girl tignan natin baka artista hehe" mika

"Tanga! Baka yung anak ng may ari bumalik na" ate
carla.

"Nang school??"

"Yep. . kaya wag kang-"

Napailing naman ako dahil nag uumpisa nanaman sila. Ako na mismo ang naghatak sa dalawa baka kasi abutan kami ng pasko sa conversation nila.

"Nakita nyo na kung nasaan ang kapatid ko?"

Rinig kong tanong nung pamilyar na boses. Nakisiksik ako at- O_o teka? Sya yung si Eniego?

Ang gwapo nya pala ah! Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Di na masama may ibubuga naman.

"Oh? Miss suicide girl?"

Nagulat ako ng sa akin na silang lahat nakatingin.

"Nakita mo ba ang kapatid ko?"

"K-kapatid? Sino?"

"Si Will?"

"Ah! Hindi e sig-" naputol ang sasabihin ko ng may humawak sa kamay ko at hinila nalang ako basta.

"Dumadamoves kana ngayon kapatid ah!" Rinig kong sigaw ni eniego.

Huminto kami dito sa may likod ng room.

"Sorry" sabi ni will sabay bitaw sa kamay ko.

"For what?"

"About yesterday?"

"I'm sorry din" nakayuko kong sabi.

"For what?"

"Dahil nasigawan kita?"

"Pffft... Gaya gaya ka naman sa patanong eh!"

"Pfft... Gaya gaya karin sa 'for what?' Ko e"

Nagkatinginan kami saglit at sabay na napatawa.

"Can we be friends? Nomi?"

Nilahad nya yung kamay nya kaya tinanggap ko naman.

"Friends" nakangiti kong sabi.


Eniego's POV.

Nakakapanibago ngayon ang kapatid ko ah? Dati sobrang taba nyan at walang pake sa paligid yun pala ay inlababo na tss.

"Mukhang busy pala yung kapatid ko. . bye girls" paalam ko sabay kindat.

Dumiretso ako sa Head Mistress office kung saan ang mom ko.

"Hi mom. . . surprise?"

Nagulat ko nga sya sa bigla kong pagdating. Hindi kasi ako nagpapaalala na darating ako haha. Lumapit ako at kiniss nya ako sa cheeks.

"Kamusta naman kuya?"

"Ayus lang mom. . ah! Yung kapatid ko pala may lovelife na haha"

"Ano??"

"Masyado ka kasing busy kaya hindi mo na alam ang ginagawa nun" sabi ko sabay pulot ng magazine at pinagmamasdan yung mga picture.

"Paanong hindi ko malalaman eh. . nag independent ang bruho. . kaya nya daw mag isa tss" alam ko naman na stress si mom kaya hindi na siguro nagpapagulo pa si will. Napatulala ako saglit at naalala ko nanaman si suicide girl.

"Hindi naman po ako magpapakamatay ang brutal nyo po"

Napatawa ako ng palihim ng maalala ko yung itsura nya tapos tumulo pa yung sipon nya. Sayang ang ganda pa naman na turn off tuloy ako. Pero sa kapatid ko yun kaya susuportahan ko nalang sya.

Desserie's POV.

Hanggang dito lang ako sa malayo nakatingin sa kanya. Napatago agad ako sa poste ng lumabas na sya galing sa office ng head mistress.

"Anong ginagawa mo dyan?"

Napapikit ako dahil nahuli nya ako.

"Ah. . eh w-wala sige bye!"

Agad akong naglakad palayo pero naramdaman ko nalang na may yumakap sa likod ko. Ipinatong nya pa yung ulo nya sa balikat ko kaya nakaramdam ako ng kiliti.

"I miss you dess" mahinahon nyang sabi kaya humarap na ako at hinawakan sya sa pisngi.

"I miss you too Eniego" sabi ko sabay halik ng mabilis sa pisngi nya.

Aaminin ko dalawa ang minahal ko. . pero mas nauna si eniego kaysa kay kian. Matagal kasi kaming nagkalabuan ni eniego dati kaya akala ko wala na ako para sa kanya. Tapos noong nakilala ko si kian naging karamay ko sya at napapasaya nya ako kaya nahulog ang loob ko sa kanya.

Naging kami. .

Malandi mang ituring pero malay ko bang busy lang pala si eniego sa pag aaral sa bussiness sa hong kong kaya nawalan kami ng communication pero dumating yung araw na bigla nalang syang nagpakita habang hinihintay ko si kian nun para sa date namin. Bigla nya kasi akong niyakap nun at hinalikan sa lips at kitang kita ko kung paano matulala si kian noon at tinapon nalang sa tabi ang bulaklak nyang dala para sana sa akin.

"I can't believe this. . you fool me"

Yun ang huling sinabi nya noon at sinabi nyang maghiwalay na kami. Hindi na nya ako kinakausap hanggang ngayon.

"Hey? Are you ok? Natulala ka?" Natauhan ako ng hinalikan nya ako bigla sa pisngi.

"Ah? W-wala may naalala lang ako"

Tred Kian POV.

Napakuyom ako ng kamao ng makita ko nanaman silang magkasama. Nagbalik nanaman ang lalaking sumira sa relasyon namin!

Nang dahil sa kanya kaya kami naghiwalay ni desserie.

"Hahaha yung ngipin mo may chocolate pffft"

Napatingin naman ako sa likod ko ng madinig ang pamilyar na boses.

"Asan? Ituro mo nga?"

Kumunot yung noo ko ng makita silang magkasama. .

Si edson at nomichi. .

Napahinto sila ng makita ako. .

"Nomi. ."

tawag ko kaya lumingon sya sakin pero agad din nyang binawi.

"Nauuhaw ako haha doon tayo sa canteen"

hinila na nya si edson na parang hindi ko sya tinawag.

dedma? Dinidedma na nya ako ngayon?

Ano bang nagawa ko?

Mukhang ang saya nila ah?

Teka? Bakit ba ako nagagalit?

Si desserie ang mahal ko hanggang ngayon. . pero bakit nung nakita ko si nomichi na kasama si edson bakit ako nagagalit??

Hindi kaya may gusto na ako sa kanya?


Itutuloy. . .

A Chinito Guy Break my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon