Will's PoV.
Pagkapasok ko agad sa bar na sinabi ni mika si nomi agad ang hinanap ng mga mata ko. Lumapit ako doon sa may bar counter at pinakita ko yung picture ni nomichi.
"Napansin nyo po ba yung babaeng to dito?"
"Pasensya na sir madami din po kasing customer dito kaya hindi na namin natatandaan"
Napasabunot nalang ako ng buhok at umupo muna sa bar counter. Sinubukan kong tawagan yung number nya pero hindi nya sinasagot, sinubukan ko din tawagan si tred pero ayaw din sagutin. No choice kaya si mika nalang ang
tinawagan ko.[Oh? Ano? Nakita mo na sya?]
". . . "
[Hoy! Kinakausap kita! Nandyan paba sya?]
Napabuntong hininga muna ako at nilibot ng tingin ang lugar. Bising busy yung iba sa pag sayaw, yung iba nag iinom na magbabarkada at yung iba may kanya kanyang trip. Hindi ko na mahagilap si nomichi. . Siguradong umalis na yun.
"Mukhang nakaalis na sya"
[Try mo kayang tawagan?]
"Ginawa ko na pero ayaw nyang sagutin"
[Weh? Kung nakauwi na yun edi sana hindi sya hinahanap ng mama nya saken?]
Nanlaki naman mata ko sa sinabi nya.
"Totoo? Hindi pa sya nakauwi sa kanila?"
[Yup! Kaya nag aalala din ako, hindi kaya dahil sa kanina?]
Napakuyom ako ng kamao ng maalala ko nanaman yung kanina.
[Hoy will? Will? Nandyan ka paba?? Yuhoo??]
Ng dahil sayo Tred nasasaktan si Nomichi pero ikaw parin ang pinili nya.
Sobrang sakit!
"I'll hang up first miks may gagawin pa pala ako" malungkot kong sabi sabay end call.
Tutal nandito narin naman ako sulitin ko na. Tumingin ako sa bartender at ngumiti.
"Isa ngang maiinom dyan yung makakalimot" sabi ko at inabutan nya ako ng shot glass na may lamang hindi ko alam kung ano dahil hindi naman ako mahilig mag bar.
Ininom ko agad yun at humingi pa ulit. Habang shot ako ng shot naalala ko nanaman yung kanina.
Akala ko ba pampalimot to? Bakit parang lalo lang akong sinasaktan??
"Sinungaling po kayo hik* kuya e! Hindi naman to pampalimot! Isa pa nga! hik*"
Ewan pero ang lakas ng tama nung alak dahil hindi ko na nakokontrol yung sarili ko.
Tama lasing nanga ako pero yung puso ko masakit parin.
Sobrang sakit pala ng one-sided love!
Akala ko. . .
Akala ko nakuha ko na ang loob ni Nomichi dahil matagal tagal din kaming naging close, laging magkasama pero mali ako.
Maling mali ako dahil ang puso nya ay na kay Tred parin.
BINABASA MO ANG
A Chinito Guy Break my Heart
ContoWalang nagmamahal na hindi nasasaktan. . Darating din ang panahon na makikilala mo ang taong para sayo. . pero kailangan nyo munang dumaan sa mga pagsubok kung kayo ba talaga para sa isa't isa. .