Chinito 15.

125 2 0
                                    

3 weeks had past

Nomichi's POV.

     Napatingin ako sa harap ng gate at kinakabahan dahil tatlong linggo akong hindi pumasok. Nagpaalam naman ako sa mga prof ko dahil gusto kong magtago muna sa kahihiyang ginawa ko noong nakaraan.

Hiyang hiya ako kay Will dahil sa ginawa ko, hindi dapat ako maguilty pero his my friend. I can't lose him pero dahil sa ginawa ko siguradong galit na yun sa akin.

Napahawak ako ng mahigpit sa strap ng bag pack ko habang nasa harap ng pintuan ng classroom.

Kaya ko to! Aja!

"Saan ka nanggaling nitong nakaraang linggo?? Alam mo bang pinag alala mo kami??"

Bungad na sigaw agad ni mika pagkapasok ko palang ng pinto ng classroom.

"A..e"

"A,E,I,O,U?! Wala kana bang ibang sasabihin kundi yan? Kaibigan ba talaga kita?!"

Galit na galit na sigaw ni mika sabay walk out.

Napatingin ako kay ate carla pero umiling lang sya at sinundan din si mika.

A-ano bang nagawa ko?

"Tss! Kala mo naman ganun sya ka dyosa para tanggihan ang isang edson will" rinig kong bulungan ng mga kaklase ko.

Now I get it

Galit sila sa akin dahil tinakbuhan at pinahiya ko si will sa harap ng crowd.

Nagmadali akong pumunta ng harap kaya napalingon ang lahat ng kaklase ko saken pero saglit lang yun at bumalik ulit sila sa ginagawa.

Napayuko ako. . . (_ _ ')

Ganun  ba ako kasama?

"I'm sorry. . I'm sorry dahil saㅡ" nabitin sa ere ang sasabihin ko ng bigla nalang may bumato ng eraser sa mukha ko.

"BWAHAHAHAHAHAHAHA"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

Mas lalo akong napayuko dahil pinagtatawanan na nila ako. Hindi naman nila ako ganito itrato dati ah?

"WILL!" biglang sigaw ni Red kaya napalingon din ako sa pinto.

Nangingilid na yung luha ko sa mata habang nakatingin sa kanya. Nagulat sya ng makita ako sa ganung itsura pero saglitan lang yun. Iniwas nya din agad ang tingin sa akin na parang diring diri  at nilagpasan lang ako.

"Will I'mㅡ"

"Who are you anyway? Do I know you?"

Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa sinabi nya. Hinawakan ko yung dulo ng polo nya pero agad din nya iyong tinabing.

"Don't touch me okay?" Bored nyang sabi at umupo na sya sa upuan nya.

Hindi ko na napigilan ang luha ko kaya nag unahan na silang bumagsak.

B-bakit nasasaktan ako?

Diba dapat lang yun dahil pinahiya ko sya?

Para hindi na sya lumapit sa akin?

Pinunasan ko ang luha ko gamit ang likod ng palad at nagmadaling tumakbo palabas.

Pati si ate carla at mika galit na din sa akin.

Edson will POV.

"Will what happen to you? Ano ba yung pinagsasabi mo kay nomi? Akala ko ba mahal mo sya? Bakit mo sya sinasaktan?"

Napairap ako sa protesta ni red nung umalis si NOMICHI.

"Tsk!" Iritang sabi ko at nagpansak ng headset sa tenga.

"Hindi ikaw ang kaibigang kilala ko" seryosong sabi nya kaya napahinto ako sa paghinga.

Napabuga ako ng hangin at tumayo.

"Tinatamad akong pumasok pakisabi sa prof masama pakiramdam ko" sabi ko at nagmadaling umalis.


Mika's POV.

"Inhale. . Exhale, .inhale. . Exhale"

Sinunod ko naman ang sinasabi ni ate carla kaya nagpakalma muna ako ng sarili.

Ewan ko ba! Ang init talaga ng ulo ko ngayon.

"Look mika, alam kong nag aalala ka kay nomi pero sobra na ata yung nasabi mo" kalmadong sabi ni ate carla sabay himas sa likod ko.

Napapikit ako ng mariin at napabuntong hininga.

"Ate carla"

"Hmm?"

"May sasabihin sana ako sayo pero"

"Sabihin mo lang makikinig ako"

"I. . I like will ate carla! I like him! Kaya ko nasabi yun kay nomi dahil nararamdaman ko ang nararamdaman ni will, ate carla, , nasasaktan ako sa tuwing nakikita kong nasasaktan din ang taong gusto ko" hindi ko alam pero napahagulhol ako ng iyak dala ng emosyon. Naramdaman kong niyakap nya ako.

"I know. . I know"

Mas humagulhol pa ako ng iyak dahil gusto kong ilabas lahat ng sakit ng nararamdaman ko.

Masakit na yung taong gusto mo ay gusto ang iba pero yung gusto nya sinasaktan lang sya.

"Miss! Miss are you ok?"

Napalingon kami doon sa nagkukumpulang studyante.

"Anong nangyari doon?" -Ate carla

Nagkibit balikat lang ako at lumapit nalang din kami para malaman kung ano yung pinagkukumpulan nila.

Nanlaki agad ang mata ko ng makita si nomi na putlang putla at walang malay, may dumi pa ng chalk sa buhok nya.

Hindi ko alam pero naguiguilty ako, she's still my friend.

"Nomi! Nomi! Are you ok?" Tinapik tapik ni ate carla yung pisngi nya pero hindi parin sya nagigising.

Nagulat kami ng may biglang bumuhat sa kanya at inilayo sya sa crowd.

Susundan ko na sana pero pinigilan ako ni ate carla.

"Hayaan mo muna si Will, she's still inlove with her"

Then suddenly tears fall into my eyes,

Nakatingin lang ako sa papalayong si Will habang buhat buhat si Nomi.

Bakit ang layo mong abutin Edson Will?





A Chinito Guy Break my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon