(SORRY FOR NO UPDATED. NABUSY LANG AKO FOR A MONTH KAYA HINDI KO NAAASIKASO YUNG PAGSUSULAT. THANK YOU FOR WAITING)
1 week had past..
Nomichi's POV
Naalimpungatan ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Ou nga pala gutom na siguro si baby ko. Nagtimpla ako ng gatas at kumain ng prutas. Pagkatapos ay lumabas muna ako ng room ko para kamustahin ang asawa ko. Pinipilit kong wag mag alala kay William na hanggang ngayon hindi parin nahahanap, pero sabi ng Doctor wag daw akong mag isip ng ikakastress ko. Naguguluhan na ako dahil ang dalawa kong anak nasa bingit ng kamatayan. Pero pinapalakas ni Mika ang loob ko at sya na ang bahala kay William at nagtitiwala ako sa kanya.
Pagkabukas ko ng pinto nakapatay ang ilaw at tanging lamp shade lang ang nakasindi. Hinanap ko ang switch ng ilaw at sinindi iyon. Halos atakihin ako sa puso ng makita kong hindi nag iisa si Will sa kwarto.“T-tred? Anong ginagawa mo dito?” napaangat sya ng tingin at galit ang makikita ko sa kanya.
Teka? Bakit ba sya nandito? Akala ko ba lalayuan na nya kami?
Tumayo sya habang may hawak na enveloped. Napaatras ako dahil natatakot ako sa expression nya.
“Why nomi . Why?”
“What are you talking about? Akala ko ba hindi mo na kami guguluhin?”
Itinaas nya ang hawak na enveloped.
“This! Ito ang nagpatunay sa katotohanan! Bakit mo nagawa sa akin ito Nomi” hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi nya.
Inabot ko ang enveloped dahan dahan kong binuksan at nanlaki ang mata ko sa nakasulat.
“DNA result?! Bakit kayo nagtest nito ng hindi ko nalalaman?!”
Tinignan ko sya ng masama dahil nawawala na nga ang anak ko nagawa nya pang magpa DNA test?
“Kung hindi ko ito susubukan hindi ko malalaman ang totoo.. bakit ka nagsinungaling sa akin? Bakit mo pinagdamot ang anak ko?!”
Sinampal ko sya dahil sa galit. Lahat ng galit ko noon bumalik lang ang lahat.
I faked a laughed at pinunit sa harap nya ang DNA result. Ang kapal ng mukha nyang magpatest ng hindi ko alam?!
“Anak mo?! Ou anak mo nga si william! Pero ano? Anong karapatan mo sa kanya? Nasaan ka noong nabuntis mo ako? Hindi ba wala ka?! Si Edson ang sumalo sa lahat ng ito.. nagpanggap syang ama ni William para hindi lumaki ang bata na walang ama at pinagtanggol nya ako sa mama ko at sya din ang dahilan kung bakit nagkasundo ulit kami ni Mommy.. ginawa nya ang lahat para sakin,pinasaya nya ako kaya natuto na akong mahalin sya. Nagawa nya ding talikuran ang pamilya nya para saken kaya wala kang karapatan na maging ama nya! WALA!”
Naramdaman kong niyakap nya ako pero makalas ko lang syang natulak.
“Ano? Masaya kana nalaman mo ng may nabuo sa nangyare saten?! Tapos ano? Kukunin mo sya saken”
Tahimik lang sya habang nakayuko.
“Diba? Ano ngayon kong anak mo sya?! Akala mo ba papayag akong maging ama ka nya?! Kahit kailan tred… kahit kailan… hindi ko pinagdamot sayo ang lahat… noong time na nalaman kong buntis ako pumunta ako sa inyo para sabihin sa iyo ang totoo pero huli wala ka… kaya nakapagdesisyon na akong kailan man hindi kita ipapakilala sa anak ko bilang ama nya” napaluha na ako sa sobrang galit.
I bit my lower lip ng maalala ko nanaman ang dinanas kong hirap noon.
“Nomi—“ hahawakan nya sana ako pero lumayo ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
A Chinito Guy Break my Heart
Short StoryWalang nagmamahal na hindi nasasaktan. . Darating din ang panahon na makikilala mo ang taong para sayo. . pero kailangan nyo munang dumaan sa mga pagsubok kung kayo ba talaga para sa isa't isa. .