Chinito 21.

104 1 0
                                    

Nomichi POV.

"Mommy what's wrong? why are you so sad?"

"Huh? what is it Baby?" napatulala pala ako ng di oras.

Hindi parin ako makapaniwala na after 5 years nagpakita si Tred. Tinignan ko ng maigi si william, simula sa mata hanggang ilong kamukha talaga nya si Tred.

Bigla akong napailing, no hindi ko dapat sya isipin dahil may asawa na ako.

Napangiti ako ng niyakap nya ako at kiniss sa cheeks.

"Don't worry mommy . . mag gogood boy ako sa school" kiniss ko nalang sya sa cheeks dahil akala siguro ng anak ko sya inaalala ko.

Pero natatakot ako na baka dumating yung araw na malaman ni Tred ang totoo.

Pero hindi ako papayag na mangyari yun dahil mahal ko si Will. Sya lang ang taong karamay ko noong hindi ko alam ano ang gagawin ko. Ginawa nya ang lahat para sa akin. Tinalikuran nya din ang sarili nyang pamilya at inako nya ang responsibilidad na maging ama ni william.

"Sorry baby kung di ka masusundo ni mommy later si lola ang susundo sayo later ok?" habilin ko at tumango naman sya at tumakbo na papasok.

"I love you" halos mapatalon ako sa gulat ng may yumakap sa akin sa likod at bumulong pa sa tenga ko.

"Nomi?" takhang tanong ni Edson at pinaharap ako.

"Is there something wrong? are you really ok?" concern nyang sabi habang nakatitig sa mata ko.
Umiwas lang ako ng tingin kaya kita kong napaiwas din sya ng tingin at tumingin sa ibabaw.

Simula pa kahapon nag aaway kami hindi ko din alam kung bakit masyado akong emotional ngayon.

"Woah. . ganito nalang ba tayo Nomi? Dahil ba sa mahal mo parin si Tred? Tapos ngayon gusto mo syang balikan at iiwan nyo ako ni~"

Pak*

Nanlaki ang mata ko ng masampal ko sya. Nagulat din sya sa ginawa ko at napahawak sya sa pisngi nya.

"I. . I'm sorry Will" hahawakan ko sana sya sa pisngi pero tinapik nya ang kamay ko.

Kita ko sa mata nya ang galit habang may namumuong luha. Tinignan nya muna ako ng maigi at dali dali syang umalis.

"Will! Will I'm sorry" habol ko sa kanya habang papunta sya sa kotse nya. Niyakap ko sya sa likod para pigilan pero hindi sya umiimik.

"Will please! I'm really sorry"

"Do you really love me?" seryoso nyang sabi kaya napahiwalay ako sa yakap at humarap sya na may luha ang mata.

Hindi ako agad nakasagot dahil naiiyak narin ako.

"See? all this years minahal kita nomi! Ginawa ko ang lahat lahat para mahalin mo lang ako!"

Tumulo na ang luha ko at napahikbi habang nasasaktan na makita si Will na umiiyak ng dahil sa akin.

"Alam mo . . . ang tanga ko e! ang tanga tanga ko dahil sa dami ng babae sa mundo ikaw pa ang nagustuhan ko~"

Hindi na nya natuloy ang sasabihin nya ng bigla ko syang hinalikan.

"Mahal kita Edson Will totoo yun. . . yes noong una kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sayo pero. . pero dahil nakita ko naman na totoong mahal mo ako kaya natuto na akong mahalin ka"

Natulala sya sa mukha ko at pinunasan ang luha ko. He cupped my face at pinagdikit nya ang mga noo namin.

"I'm sorry Nomi . . natatakot lang kasi ako na baka iwan mo ako at balikan mo si Tred" mahinahon nyang sabi kaya napangiti nalang ako.

A Chinito Guy Break my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon