Edson Will's POV."Mom. . Dad I'm sorry. . . Pero sana tanggapin nyo sya"
pagpapakilala ko kay nomi sa magulang ko.Gusto ko ng ipakilala sya ng mas maaga kina mom at dad kaya dinala ko sya dito sa bahay namin.
Napatingin si mommy kay nomi sabay baba ng tingin sa tyan nya.
"Diba ikaw yung nag drop out sa school? Kaya kaba nag drop out cause your pregnant?"
Tumango naman itong si nomi kaya hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya.
"Alam kong ang bata pa namin para magka anak pero mom. . Sana matanggap nyo sya sa pamilyang to"
Hindi nagsalita si mom, napatingin ako kay dad na nagpipigil ng galit.
"Ano pabang magagawa namin, nandyan na yan. . Hindi naman natin pwedeng pabayaan ang bata" nabuhayan ako ng loob sa sinabi ni mom kaya napangiti ako pati din si nomi na kanina lang ay kinakabahan.
"Sa isang kondisyon" pagpigil nya sa kasiyahan namin.
"Kailangang dito ka tumira iha at ikaw edson magpatuloy ka sa pag aaral"
May isa pa pala akong gustong sabihin. .
"Mom. . I'm sorry pero hindi ko gusto ang course na kinuha ko, , may pangarap ako na gusto kong abutin. . Ayokong maging isang chef tulad ni dad dahil hindi naman talaga yun ang gusto ko. . Mas gusto ko ang kumanta"
Nagulat ako ng bigla nalang binagsak ni dad ang kamay sa lamesa kaya napahawak ng mahigpit si nomi sa kamay ko.
"Kung gusto mong tanggapin namin sya dapat sumunod ka din sa gusto namin!" Sigaw nya kaya naramdaman kong nanginginig ang kamay ni nomi.
"Dad. . Hindi ako sasaya sa gusto nyo, , buhay ko ito pero kung ayaw nyo syang tanggapin. . Wag nyo na din akong tanggapin" yun ang huling sinabi ko at hinila na si nomi sa mga taong yun.
Baka mastress sya at maapektuhan pa yung pagbubuntis nya.
"Will" huminto sya sa paglakad at tinignan ako ng may pag aalala.
"Don't worry sanay na ako" sabi ko nalang at hinila na sya palabas.
Ayoko naman talaga ng gusto nila e!
Kaya ayaw kong tumira sa bahay namin, buti pa si kuya natitiis nya yung mga yun. Wala nga ding nakakaalam na anak ako ng head mistress kaya hindi ako masyadong napapansin, hindi din yun alam ni nomichi. May sarili akong apartment na tinutuluyan ng hindi alam ng magulang ko. Pero simula nung bumalik yung kuya ko lumabas lahat ng sikreto ko. Alam kasi nilang sya ang anak ng head mistress tapos nalaman pa nilang kapatid nya ako.
♡♡♡♡♡
"Gusto ko ng strawberry jelly"
Napabangon ako ng madaling araw ng kinukulit ako ni nomi sa gusto nya, ang hirap pala pag naglilihi ang buntis.
Kahit inaantok ay tumayo ako at kinuha ang jacket sa kabinet at lumabas.
Buti nalang at may bukas pang tindahan at may nakita akong strawberry jelly.
Pagkauwi ko sa apartment, mas maganda siguro kung bahay namen.
Pagkapasok ko sa bahay namin naabutan ko syang kumakain ng sardinas sa delata pero walang kanin.
"Eto na yung strawberry jelly mo" nakangiti kong sabi pero sinimangutan lang ako at bumalik ulit sa kinakain nya.
"Ayoko na nyan gusto ko na ng guyabano"
"What?"
Napakamot ako sa batok dahil nagmadali pa akong bumili nito tapos guyabano naman ang gusto nya?
Aishh!!
"Nahihirapan kana ba?"
Bigla akong napatingin sa kanya dahil umiiyak na sya ngayon.
Hala anong gagawin ko?
Niyakap ko nalang sya mula sa likod at pinatong ang ulo ko sa balikat nya. Ang laki na ng tyan nya, pitong buwan na syang buntis at eto ako nagtitiis sa paglilihi nya.
"Mahal na mahal kita nomi kaya bakit ako nahihirapan? Ang saya ko nga dahil kasama kita ngayon at masaya akong alagaan ka ok?"
Ngumiti ulit sya at inagaw yung plastic na hawak ko.
"Gusto ko na ulit ito" napangiti naman ako dahil kasama ko sya ngayon.
Akala ko hindi na to mangyayari, , akala ko hanggang pangarap nalang ako sa kanya pero ito sya ngayon sa harapan ko.
Paiba iba sya ng emosyon, madali lang syang maiyak at minsan madali syang mainis at magalit. Ganun daw talaga ang mga buntis sabi ng doctor. Kada umaga ko din sya pinag eexcercise para maging healthy parin sya. Kada lunch naman pinapanuod ko sya ng disney cartoons sa gabi naman hinihintay ko syang makatulog bago ako matulog tapos pagmadaling araw ayun! Humihingi sya ng pagkain na ang hirap hanapin.
"May nagpadala pala ng sulat sayo kanina" biglang sabi nya kaya pinaharap ko sya sakin.
"Ano daw sabe?"
"Sabi sa sulat pasok ka daw sa audition"
I blink two times. .
"Seriously?? Pumasa ako? Yaay! Ang swerte ko talaga!"
Ang saya grabe! Swerte nga talaga daw ang mga buntis. Niyakap ko sya ng mahigpit at hinahawakan ang tyan nya.
"Ano kayang itsura ni baby?"
Naramdaman kong napatulala sya. .
"I- I'm sorry..." bigla kong sabi
"Ok lang yun will syempre gwapo tulad mo" biglang nawala ang kaba ko dahil akala ko. . .
Kinurot nya ako sa pisngi
"Ang cute cute mo talaga! Sana kasing cute mo sya" nakangiti nyang sabi pero yung mata nya halatang napipilitan lang. Napailing ako, binura ko agad ang doubt sa isip ko at inisip yung audition.
Nag audition kasi ako noong nakaraan, hindi lang sya basta singing contest. Napapanuod pa sa TV ang show na yun kaya laking pasalamat ko na pumasa ako.
"Galingan mo will para matupad naman ang pangarap mo" nakangiti nyang sabi habang nakatitig sa mata ko.
"I will and that's my name"
"Pfft . . Haha ang corny mo parin" natatawa nyang sabi.
"Anong gusto mong ipangalan kay baby?" Tanong ko
"Hmmm... gusto ko Willam Nokenshi hehe"
"Alam mo bang excited na yung daddy mo magka apo?"
"Really? Nakausap mo sya?"
Tumango tango ako, yeah alam na din ng daddy nya, akala ko nga isang yakuza yung daddy nya dahil natakot talaga ako. Pero para sa anak nya tinanggap nya din agad ako at si Nomi.
"I love you nomichi"
"I love you too edson will"
Sana hindi na ito matatapos. . .
BINABASA MO ANG
A Chinito Guy Break my Heart
Short StoryWalang nagmamahal na hindi nasasaktan. . Darating din ang panahon na makikilala mo ang taong para sayo. . pero kailangan nyo munang dumaan sa mga pagsubok kung kayo ba talaga para sa isa't isa. .