Phase 23
"Hala ma'am! Ako na po," pagpipilit ni Tala.
We're here in our garden readying my things for my painting. I was about to arrange my things for my preparation.
Natawa akong tiningnan si Tala dahil sa pagpupumilit niya na siya na ang mag-aayos ng ibang gamit ko. Hapon na rin kasi sa tingin ko ay nasa alas tres ng hapon.
"Tala, it's okay," I said smiling. "Kaya ko naman..."
"Naku naman ma'am," saad niya 'tsaka nilagay ang kamay sa noo na parang bang stress na stress.
"It's okay, Tala..." I pointed to the table where the pastries I had made were. "Fix mo 'yon. I'll do something about it later. Magpipinta muna ako."
Tumango siya bilang tugon. Habang ginagawa niya ang iyon ay nagpatuloy naman ako sa pag-ayos ng gamit ko para sa pagpinta.
"Uh, Tala," I said calling her name.
Agad naman siyang bumaling sa akin at ngumiti. Ipinunas niya ang kamay sa kanyang likod.
"Bakit po, Ma'am?"
"Do you want to paint with me?" I questioned.
"Loh," napaatras siya bigla tsaka nagtataka akong tiningnan. "Bakit naman po?"
I noticed how much she admired me while I was painting. The past few weeks that I have been roaming around the mansion, she has been my companion throughout.
Ngumiti ako sa kanya, "Nakakalungkot naman magpinta ng mag-isa lang. Come on! Join me..."
"Eh, Ma'am 'di po ako maalam sa gan'yan..." She hesitantly said. "Mas nakakatuwa po kayong panoorin kasi. Tsaka alam niyo po ma'am..."
I creased my forehead and waited for her to continue. I nodded my head permitting her to continue her story.
"Medyo na-i-intimidate po ako no'ng una kayong nagpunta dito..." Tumawa siya saglit,"Kasi alam niyo naman po bago rin po ako dito. Lalo na po nalaman ko kung ano nangyari sa inyo, Ma'am..."
Pinagsikop niya ang kanyang kamay parang kinakabahan sa reakyon ko.
"Pero ako po kasi ang kasa-kasama mo palagi," she continues. "Natunghayan ko po kayo matulala paminsan-minsan. Hindi naman po ako gano'n ka-close sa inyo para po aluhin kayo at itanong kung ayos lang po kayo..."
I was taken aback by what she said. Totoo naman na paminsan-minsan ay natutulala pa rin ako sa nangyari. It was a big shift for me to adjust again.
Redirection and staying steady are confusing. Mahigit isang buwan palang naman ang nakalipas. Napaiwas ako ng tingin at tumingin sa paligid
Medyo makulimlim din dahil tag-ulan na. Nasa may gazeboo kami rito sa garden. Naka-fix ang high chair ko rito dahil madalas dito ako nagpipinta ng mga tanawin.
"How do you feel when you start working here?" I asked.
"Ma'am sa totoo lang po naninibago ako." Pagkukwento niya sa akin. "Hindi ko naman po masasabing gaya niyo dahil una ko po itong trabaho," aniya 'tsaka napakamot ng ulo.
"Nalilito po ako kung ano ang dapat unahin. Lalo na po at ilang buwan pa lang ako ng dumating po kayo. Tapos natuka ako po sa inyo." Natawa siya saglit, "Eh, sobrang tahimik niyo po talaga no'ng una. Kaya hindi ko po makapa kung ano ba dapat ang gawin ko. Kaya po nang makita ko po kayo magpinta at mag-bake sobra po ako nagagalak. Kasi do'n po bumaba 'yung kaba ko," She said and showing a peace sign.
I understand how distant I was when the first few days I'm here. I was always away in my mind and I feel out of the blue.
"'Tsaka ma'am nakita po kayong umiyak."
BINABASA MO ANG
Everything Went Last
Ficción GeneralFalling out of love is one of the scariest things that can happen to a person. To lose interest in everything you love, losing everything in just a blink of an eye. Kaye Arvie thought that the one she has right now was the one. Just like how those r...
