Phase 24
I was busy fixing the things we bought in my room. I never thought that I would be like this. It is breathing after the chaos that I have caused.
Hindi ko pa man nalinaw ang lahat pero nakakapag-umpisa na ako ng bagay na akala ko ay wala na. My grief and loss for my father is now slowly subsiding. A feeling I never thought that it will come.
It is sinking in on me that maybe if I didn't do it, I will never be here. Wala ako sa mansiyon na ito at tuwang-tuwa sa aking ginagawa. Kung tutuusin ay hindi pa naman ako gano'n kahilom.
Breaking him is not my intention to begin with. We have built a life that I carried for the longest time. And it never came to a point like this. But looking back, maybe I was meant to hurt him unintentionally. Dividing the course of doing something right and staying because it feels right.
Habang busy ako sa pagtitingin ng mga gamit ko at pag-aayos ay may narinig akong katok. Unti-unting pinihit ang doorknob at nakita kong iniluwa nito si Grandma.
Ngumiti siya sa akin, "I have a news for you..." Balita niya.
"Ano po 'yon, Grandma?" Pagtatanong ko habang tinutuloy ang aking ginagawa.
Umupo siya sa may tabi ng table stand ko kung nasaan ang mga art materials ko at mga sketch pad. Tumingin siya sa akin nang malalam bago tumikhim.
"Your Mama called," balita niya. "Asking how you are. I said that you were doing okay. Sinabi niya sa akin na tawagan mo raw sila ro'n."
I smiled a little and put my things down and sat down on my bed. Tumingin ako kay Grandma.
"Bakit hindi ka nila matawagan?" Litong tanong niya. Salubong na rin ang kilay niya.
Natawa ako sa kanyang reaksyon, "I turned off my phone po kasi."
"Huh?! Eh, mga kabataan ngayon 'di nga mabitawan cellphone nila."
Mas lalo akong natawa sa pagkalito niya sa akin.
Of course, I'm not a phone person. Mas active pa nga si Tala sa akin kaya minsan ay nalilito rin ako sa mga sinasabi niya. I turned off my phone after days being in here. Nagpaalam na rin naman ako kay Mommy at sa mga kaibigan ko sa mga desisyon kong ito.
Sa totoo lang ay nahihiya na rin ako na i-contact mga kaibigan ko. Naghahanap na rin ako ng tyempo kung kailan ko sila i-co-contact.
Napakamot ako ng ulo habang tawang-tawa pa rin kay Grandma.
"Bakit nga?"
"I am not really in to gadgets, Grandma..." Pag-amin ko dahil litong-lito na talaga siya.
"Okay, pero tawagan mo sila, ha," pagtango na lang."Tapos 'yung sinabi ko sa'yo."
I bobbed my head considering what my Grandma suggested. We have talked about what my mother has told her. When she went out, I continued what I was doing.
Tinawag ko si Tala para lumabas kami at magpunta sa may cafe. Pinahanda ko sa kanya ang gamit na gagamitin ko ro'n. Dahil tag-ulan na ay hindi kam makapunta sa dagat para doon sana magliwaliw.
"Loh, si Ma'am dadalhin na naman ako sa pangsosyal," asar ni Tala sa akin. Kaya natawa na lang ako. "Maipapakita ko na rin ang pagka-clout chaser ko. Charot."
Mas lalo akong natawa dahil do'n sa sinabi niya.
"Silly, why are you still calling me Ma'am?" I asked smiling.
Kumamot siya sa kanyang kilay at kinagat ang pang-ibabang labi, "Eh kasi po nahihiya po ako tawagin kayo sa pangalan niyo. Boss amo ko po kasi kayo."
Kumunot ang noo ko, "Ano?!"
BINABASA MO ANG
Everything Went Last
Fiksi UmumFalling out of love is one of the scariest things that can happen to a person. To lose interest in everything you love, losing everything in just a blink of an eye. Kaye Arvie thought that the one she has right now was the one. Just like how those r...
