Unang Kabanata

34 3 0
                                    


"Thalia anong nangyayari sayo at nakatulala ka na naman sa ulan?" Ano nga ba ang meron at nakatulala na naman ako sa ulan? "dahil na naman ba yan kay Kevin?"

When I heard that name my heart was beat too fast "N-no! move on na ko Girl, Ikaw na lang yata ang hindi!"

"GIRL MOVE ON BA YAN?" Makatalak naman tong kaibigan ko akala mo ang kausap nasa kabilang ibayo. "Almost 1 yr. na pero, ikaw! Ayan tulaley ka pa din hanggang ngayon sa ulan, may nanliligaw nga sayo, pero anong ginagawa mo---SINUSUNGITAN MO SILA!"

Eto na naman kaming dalawa. Ano bang masama kung hindi agad ako pumasok sa isang relasyon. "No! You're not right sis. I just want to enjoy my life that's it Kristine Destine Jaminal".

"Fine! Hindi naman ako ang niloloko mo kung hindi yang sarili mo" Sabay turo nya sakin. "Dyan ka na nga, see you later."

Bwisit! Bakit hindi ako makapag-tago ng sikreto sa babaing yun. Sa bagay since birth pa lang ata magka-close na kami nito, kaya hanggang dito sa trabaho mag-kasama kami eh. Nakalimutan ko na ang mas gusto nyang itawag sa kanya ay ang Lensha kaysa sa tunay nyang pangalan. Gaga talagang tunay tong sisterakas ko.

Almost 1 yr. na nga kaming wala ni Kevin pero bakit hindi ko sya makalimutan at higit sa lahat... "bakit sa tuwing umuulan naaalala ko lahat-lahat ng nangyari samin noon." Kung kaya ko lang ibalik ang nakaraan at kung may time machine, baka ngayon hindi lang ako ang gustong bumalik sa nakaraan, baka nga mag-unahan pa ang mga tao para makabalik lang sa nakaraan at itama ang mga maling nagawa nila. Kung hindi kaya kami nagka-hiwalay, kami pa kaya hanggang ngayon? Madami din ang nag tatanong. Bakit nasa huli nga ba ang pag sisisi, bakit wala sa unahan o sa gitna?

*=*=

"Lensha, tingin mo bakit may mga taong takot ma-failed?"

"Failed? Saan naman, hmm" Hinawakan nya ang ilalim ng kanyang baba, tumingin sa itaas at pinaikot ng isang beses ang kanyang upuan. May sapak talaga tong babae na to. "Maybe by comparing their selves to other people, tignan mo na lang yung iba. Sinasabi nila bakit sya nakapasa o sya natanggap sa work bakit ako hindi!? Mga ganon ba or yung parents nila kino-compare sila sa kapatid o kaya naman sa anak ng kaibigan nila mga ganoong tipo. Bakit mo nga pala naitanong?"

Bakit ko nga ba yun naitanong sa kanya. "Wala lang naman, but failures should make them much stronger because it should not be the end of the world for them, right?"

"Ehem! Nathalia Bea Fluenteza, aber! Bakit mo naman yan sinasabi sakin may pinanghuhugutan ka---" I cut her word kasi malamang kay Kevin na naman mapupunta ang usapin naming ito.

"Wala ha! Pag may tinanong pinanghuhugutan agad, hindi ba pwedeng curious lang at marinig yang OPINYON mo!"

Impakta tong babae na to seryoso ako dito tapos sya walang ginawa kung hindi tumawa ng tumawa "Naku! Thalia yan ang namimiss ko sayo, pumunta nga tayo sa inyo namimiss ko na ang luto ni Manang eh,tsaka bakit ka pa ba nag t-trabaho ang yaman mo na ha!"

"Pagkain na naman yang nasa utak mo, babaita ka talaga. Wala gusto ko lang ng may pinagkakaabalahan na iba tsaka pinayagan naman ako nila Mommy at si Kuya naman ang namamahala ng business namin. Ikaw ba bakit nag t-trabaho ka din di'ba may business din kayo?"

"Wala. Si Kuya din naman ang namamahala ng business namin. Tsaka gusto kitang kasama, alam mo na---" I cut her word again. Sa tingin pa lang nya kasi alam ko na ang gusto nyang sabihin.

"Pupunta ka pa ba samin o itutuloy mo yang sasabihin mo?"

"Naku! Naku! Naku! Thalia eto na nga nag mamadali na sa alas kwatro. Ano pang hinihintay mo dyan tara na pumunta na tayo sa inyo." She said while smirking at me.

"Good. Let's go." May takot pa rin pala ang isang to. Pero may isang tanong akong gusto kong malaman ang sagot!

Kamusta na kaya sya ngayon. Ano na kaya ang balita sa kanya? Sa social networking sites naman wala akong makitang bago sa kanya. Hindi kaya nagpalit na sya ng account nya? Theheck I can't forget him.


When the RAIN pours downTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon