Ika-dalawampu't Anim na Kabanata

16 3 0
                                    


Pagkatapos ng pag-uusap nila bigla na lang nawala sa mood si Kevin. Ano kaya ang pinag-usapan nila at ganito tong si Kevin kaya naman nilapitan ko sya. "Mukhang seryosong seryoso kayo sa pinag-usapan nyo ha?" I smiled brightly.

"Ah. Wala yon!" Pagkasabi nyang yun umalis na sya at iniwan ako dito sa tabing dagat.

Alam kong labas na ako don, pero bakit ang sakit sakit! Habang nakaupo ako sa tabing dagat biglang meron akong napansin na anino kaya naman napatingin ako sa di kalayuan sakin. " Kanina ka pa ba dyan Nic?" Sabi ko sa kanya sabay ngumiti ako ng pilit.

"Wag ka ng ngumiti kung pilit lang din naman." Sabay upo nito sa tabi ko. "Nakita ko ang nangyari kanina. Kaya ka ganyan dahil kay Kevin di'ba?" Alam kong seryosong seryoso sya dahil sa mga mata pa lang nya. "I can be your tissue Thalia if you want?!" He smiled and looked at me and as usual ginulo na naman nya ang buhok ko.

"Kaasar ka talaga. Thanks sa pagsama sakin dito Nic alam mo naman si Lensha di'ba may pagkapraning minsan." Sabi ko sa kanya.

Habang nagk-kwentuhan kami ni Nic biglang dumating si Lensha na akala mo ay hinabol ng sampung kabayo. "Anong nangyari?"

"S-si Kevin nakikipag suntukan. Di sya maawat ni Shunie at Shin." Pagkasabing yon ni Lensha dali dali kaming tumayo ni Nic at tumakbo.

Pagdating namin doon nakita nga namin si Kevin na nakikipag suntukan pa. Inawat na din sya ni Nic pero hindi sya nagpaawat kaya lumapit na din ako at iniharap sya sakin. "What's wrong?" I asked him but he ignore me. Hayop naman, nakakapikon na! Kaya naman sinundan ko sya hanggang sa hotel room nya.

"What's wrong Gutierrez. Tangina naman! Hindi ako mangangapa para malaman ang problema mo!" I exclaimed.

"W-wala." Sabi nito sabay pasok sa kwarto nya.

"Anong wala? Gusto mo lang ganon, kaya ka nakipag-away?" Pagkasabi kong yun bigla syang humarap sakin at kitang kita ko ang galit sa mga mata nya.

"Oo gusto ko lang. May magagawa ka ba?" Sabi nya at tumalikod ulit.

"Hindi ka naman ganyan kanina. Simula nung nag-usap lang kayo ni Shunie bigla ka ng naging ganyan. Sabihin mo nga ano bang nangyari?" I said calmly.

"W-wala nga Thalia bakit ba ang kulit mo? " Sabi nito na halata na ang irita sa boses nya.

"Bakit ako makulit? Malamang gusto kong malaman kung bakit ka nagkakaganyan mahalaga ka't iniingatan kita Kevin kaya gusto kong malaman kung bakit ka ganyan ngayon." Narinig kong bumuntong hininga sya. Alam kong may problema kaya gusto kong malaman kung ano yun.

"What's wrong? Tell me." I said.

"Walang mangyayari kung sasabihin ko pa sayo, just leave me alone!" Pagkasabi nyang yun lalong uminit ng ang ulo ko. Ganon ba kaimportante yun kaya't pati kami ngayon ay nag-aaway?

"Tangina Kevin ano bang nangyayari sayo?! Girlfriend mo nga ko pero hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan." Balik sigaw ko sa kanya.

"I know. Alam kong laging kang andyan para sakin pero iwan mo muna ko gusto kong makapag-isa." Sabi nito sabay talikod sakin kaya naman iniharap ko sya sakin.

"Ano ba!" I exclaimed at hindi ko inaasahan ang ginawa nya dahil bigla nya kong inipit sa may pader at kinulong ang kanyang mga kamay sa gilid ng mukha ko.

"Wala kong problema Thalia kaya umalis ka na." Sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko. Pinilit kong pigilan ang luhang gustong lumabas sa mata ko pero hindi ko napigilan ito, kaya naman tinulak ko sya at umalis na ko. Letcheng luha to hindi manlang nakisama sakin.

Hindi ko napansin na may nabangga ako kaya naman nag sorry ako. "What happened?" Nic asked me.

"W-wala. I just want to go home now." Nang makarating na ako sa hotel room ko inayos ko na ang gamit ko pero nagulat ako na nakasunod pala sa akin si Nic.

"Uuwi ka ng mag-isa? Sasamahan na kita." I nodded. "Babalikan kita rito."

Habang nasa byahe na kami ni Nic tinext ko na si Lensha. "Sis I'm sorry we're going home. I'm with Nic."

"Ano bang nangyari Thalia? Thank God at tumigil ka na din sa pag-iyak." Sabi nito na halatang halata ang pag-aalala.

"Wala nagtalo lang kaming dalawa ni Kevin sabi nya umalis daw ako. Kaya eto umalis na ko sa resort." Sabi ko sa kanya habang ngumiti ako ng tipid.

"Paano ko ba mapapagaang yang nararamdaman mo?" Sabi nito habang inilagay naman nya ang ulo ko sa may dibdib nya hindi ko alam kung ilusyon ko lang ba yun o ano pero naramdamang kong dumampi ang labi nya sa buhok ko. "Matulog ka muna."

"Thanks Nic. Don't worry gumaan na din naman ang pakiramdam ko kasi andito ang isa sa mga kaibagan ko." I looked and smiled at him.

He heavily sighed. "Kung...." Hindi ko na narinig pa ang sinabi nya dahil unti unti na akong nakatulog.

Nagising na lang ako nung may tumatapik sa akin. "Thalia wake up. Let's go." Sumunod lang ako sa kanya hanggang doon sa lalaking may naghihintay sa amin. Hindi ako nagsasalita pinagmasdan ko lang ang mga taong nasa labas, mga puno, mga building. I heavily sighed ng biglang umulan. Pinahinto ko ang sasakyan at lumabas ako ng hindi ko inaasahan na sumunod pala sya sakin. "Thalia magkakasakit ka nyan sa ginagawa mo. Tara na iuuwi na kita." Hindi ko pinansin ang sinabi nya naglakad lang ako ng naglakad ng hindi lumaon huminto ako sabay harap sa kanya.

"You know Nic I love walking in the rain cause no one can see me crying." Pagkasabi kong yun bigla akong napakapit kay Nic at narinig ko na lang ang boses nito na puno ng pag-aalala.

When the RAIN pours downTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon