Ika-dalawampu't Tatlong Kabanata

22 3 0
                                    


Dadaretso na sana ko sa loob ng bahay namin kaso tong si Kevin biglang hinawakan ang braso ko. "What?" I asked him. "Nagugutom na talaga ko. I swear!" Kasi naman hindi kami kumain kanina eh.

"I know." Bigla nyang hinawakan ang kamay ko na nakahawak sa knob at iniligay nya ito sa batok nya and he smiled sweetly.

"Ano na naman yang pakana mo, baka pwedeng kumain muna tayo?" Sabi ko sa kanya ng seryoso habang nakatingin sa mga mata nya. I love his eyes. Walang pagbabago.

"Mamaya na tayo pumasok. Please!" Sabi nya sabay halik nito sa noo ko pababa sa tungki ng ilong ko at bigla nyang pinagdikit ang noo namin. "I love you Thalia." He said and kiss me on my lips at sa kasamaang palad bigla nitong binuksan ang pinto ng bahay namin.

"S-surprise!" Bungad at sabi ng pamilya namin na halata mong nagulat din sa nakita nila. Gago talaga tong si Kevin. 

"Ang sweet naman ng aso't pusa?" Dad said. "Congrats. Sabi sayo kumpadre sa huli magiging sila din." They laughed. Kaya pala hindi kami kumain dahil eto yun?

"Congrats to the both of you." Sabi ng Mommy namin ni Kevin.

"Let's eat." Tito said at nauna na sila doon sa dinning table namin.

Pagkaalis ng pagkaalis ng parents namin binatukan ko sya kaagad. "Letche ka talagang hayop ka! Kaya pala hindi mo ko pinapasok dahil talagang balak mong papuntahin sila dito." I said sarcastically.

"Chill Thalia and I'm sorry kung nagalit ka." Sabi nya habang hinawakan nito ang dalawa kong kamay. Kailan ba kami hindi naging ganito ni Kevin? Kung tawagin nga kami ng parents namin minsan aso't pusa eh.

"Letche." Pagkasabi kong yun bigla nyang hinapit ang bewangko palapit sa kanya at sinubukan nya kong halikan pero umilag ako. Akala nya siguro galit ako pero chance ko na to para makaganti man lang sa kanya.

"Sorry talaga. Kumain n---" Hindi ko na sya pinatapos at siniil ko sya ng halik. Lumakad na ko at ngumiti sa kanya.

"Let's go kumain na tayo,  wag mong isipin na nagalit ako. Nahiya lang ako." Sabi ko sa kanya habang nakangiti ng malapad. "Let's go." Lumapit sya sakin at bigla nya kong hinalikan sa noo at habang papalapit na kami sa dinning table bigla nya kong inakbayan.

Pagkaupo na pagkaupo namin bigla nyang nilagyan ng pagkain ang plato ko. "Ang lambing talaga nito ni Kevin." Sabi ni Daddy. "Kelan ba ang kasalan kumpadre?" Si Daddy talaga mas excited pa samin ni Kevin.

"Aba'y malalaman natin yan sa dalawa nating anak." Sabi ni Tito na sabay tingin saming dalawa ni Kevin.

"Dad sa ngayon hindi pa po namin iniisip ni Thalia na magpakasal pero dadating din naman po kami dyan." Sabi nito sabay baling sakin and I smiled. "Kainin mo yan ha." I nodded.

"Akala ko pa naman Iho nagbibiro ka lang na kayo na talaga ulit ni Thalia pero nagkakamali kami dahil nakita namin kayo na ang sweet nyo kanina." Sabi ng Daddy ni Kevin. "Kung alam nyo lang na ganyan din kaming dalawa ng Mommy mo Kevin." Sabi ni Tito at sabay ngiti nito kay Tita na ikinamula naman ng pisngi nya. Ang cute nilang dalawang tignan.

"Ang cute nyo pong dalawa." Komento ko sa kanilang dalawa ngunit bigla namang nagsalita si Daddy.

"Sila lang dalawa baby girl? Paano naman kami ng Mommy mo?" Eto talaga si Daddy hindi mo alam kung inaasar si Mommy o nagseselos eh.

"Syempre naman Dad pati kayo ni Mommy. Hindi ko na po kailangan pang sabihin sa inyo kasi sa tuwing nakikita ko kayo." I paused. "Because both of you look like a perfect couple." I smiled sweetly.

"Manang mana ka talaga sa Daddy mo Nathalia." My Mom said and smiled and I smiled back.

Pagkatapos naming kumain ng parents namin pumunta na sila sa salas samantala kami ni Kevin pumunta kami sa garden at umupo doon.

"Nung naghiwalay ba tayong dalawa nagkagirlfriend ka maliban sakin?" Bakit ba yun lumabas sa bibig ko? Malamang sa alamang na nagkaroon ng girlfriend to. "Wag mo na palang sagutin yung tan---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nyang hinawakan ang dalawang pisngi ko at iniharap nya ang mukha ko sa mukha nya.

"Alam kong hindi ka naniniwala pero hindi ako nagkagirlfriend maliban sayo. Inisip ko noon na tama lang na magkagirlfriend ako dahil ikaw naman ang nakipaghiwalay sating dalawa pero ayoko dahil kahit anong gawin ko, alam ng puso't isipan ko na ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin at hahanapin ko." Sabi nito. "Ikaw ba? Nung umalis ba ko hinanap mo ko?" Sabi nito, inalis nya ang kamay nya sa pisngi ko at inilagay nya ito sa balikat ko.

"Yup hinanap kita noon pero nalaman ko na umalis ka na ng bansa. Paano pa kita makakausap kung umalis ka na ng bansa tsaka kahit sa social media accounts mo wala as in NGANGA!" I exclaimed pero nakita ko syang ngumiti. "Why?"

"Hindi ko tinignan ang iba kong social media accounts maliban sa bago kong account. I know what you're doing Sungit. I'm your follower on your facebook." Sabi nya sabay kurot sa pisngi ko. "Pumasok na tayo sa loob." Sabi nya habang hila hila ang kamay ko at hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa nya dahil bigla nyang pinulupot ang kamay nya sa bewang ko at isinayaw nya ko.

"Letche ka! Di ka bagay maging sweet." Sabi ko at inilapat ko ang aking ulo sa kanyang dibdib.

"Naririnig mo ba ang sigaw ng puso ko Thalia?" He smiled. "Ikaw lang ang nakakagawa nyan sakin." Hinawakan nya ang mukha at hinalikan nito ang aking noo. "Masaya ako't andito ka na muli sa tabi ko."

"I love you too." I said and kiss him on his lips. Masaya ako dahil ang taong minamahal ko ay andito na muli sa tabi ko.


When the RAIN pours downTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon