Panibagong araw na naman ang dumating ngayon. Pagkalabas ko sa cr ng kwarto ko bigla akong nagulat sa babaeng nakaupo sa sofa. "Kabayong kalabaw!"
"Naging kayo lang ni Kevin naging magugulatin ka na sis?" Ang chismosa kong best friend. Kelan ba to nahuli sa buhay ko.
"Paano mo naman nalaman?" Sabi ko sa kanya habang pinapatuyo ko na ang buhok ko.
"Malamang kanino ko pa ba malalaman edi kay Shin." Akala ko naman kay Kevin? Ano bang meron kay Lensha at Shin.
"Maiba nga tayo ng usapan. Anong meron sa inyo ni Shin?" Pagkasabi ko non bigla syang nagulat pero hindi makakaligtas sa akin ang pamumula ng kanyang pisngi.
"W-wala. We're friends, that's all. Thank you." She laughed out loud.
"Gaga. Maniwala ako sayo? Kung nakikita mo lang yang pisngi mo, para kang nakablush-on." I smiled.
"Naku Thalia. Wag mo ko sayong igaya na in love." Sabi nito sabay walk out pero hinabol ko sya.
"Lensha kahit anong gawin at palusot mo sa akin alam kong gusto mo si---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nyang tinakpan ang bibig ko. Loka tong babae na to.
"Anong pinag-uusapan nyo sweetie?" Kaya naman pala biglang tumakbo dahil kasama pala ni Kevin si Shin. Ay! Tinapa bakit andito tong dalawa na to?
Ano naman ang ginagawa nyo dito Kingkong?
"Ang ganda talaga ng bungad mo sa sinabi ko sayo." Halatang halata sa boses nya na disappointed sya. Paano ba naman kasi bigla bigla ba naman nasulpot dito sa bahay namin.
"Sorry." I said and kiss him on his lips. "Bigla bigla ka kasi nasulpot ng wala man lang pasabi." Pagkasabi ko non siniil ko sya ng halik at nakita ko ang pamumula ng pisngi nya.
"Lovey dovey! Doon nga kayo, wag kayo dito." Lensha commented.
"Why? Shin lambingin mo nga tong si Lensha para manahimik to." Kevin said and smiled. Natutuwa talaga ko sa kaibigan namin ni Kevin because they're both blushing.
"Bakit nga kayo pumunt---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang nagsalita si Lensha.
"Kasi sis aalis tayo. Pupunta tayong palawan kaya bilisan mo ng mag impake. Ang daldal mo kasi kanina kaya hindi ko nasabi sayo. Don't be mad, sinabi ko na din naman kay Nic ang tungkol dito and he said yes. What are you waiting for, bilisan mo na mag-impake." Sabi nito at hinila ako palayo kay Kevin sa madaling salita kinakaladkad na nya ko papunta sa kwarto ko.
"Teka ano pala sabi nila Mommy?" Sabi ko sa kanya habang namimili na kung ano ang mga dadalin ko.
"Ano pa ba? Malamang o-oo kaagad sila." Sabi nya sabay talon sa kama ko. "Sis kasama pala natin sila Nic and Shunie." Pagkasabi nya yun bigla akong napatingin sa kanya.
"W-what? Di nga kasama sila?" Tanong ko sa kanya at pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko.
"Yup. Baka ngayon andyan na sila sa salas nyo." Sabi nya habang nakadapa at nakasalumbaba. "Tingin mo sis magiging masaya ang vacation natin for 3 days?"
"Oo naman bakit hindi." I smiled and looked at her.
"Wala lang. Tara na nga." Habang pababa na kami bigla kaming sinalubong ni Nic.
"Nic buti at nakasama ka samin ngayon." I smiled at him.
"Oo naman. Nagpaalam kasi si Lensha kaya naisipan kong sumama at pumayag naman sila." Sabay gulo nito sa buhok ko at dinala nya pababa yung maleta ko.
"Good to hear tha---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang may nagsalita sa likuran ko.
"Hmm, Dude buti at nakasama ka?" Sabi ni Kevin at bigla nya kong hinapit palapit sa kanya.
"Oo naman. Minsan lang din naman ako magbakasyon at kasama ko naman sila Lensha and of course pati si Thalia." He looked and smiled at me.
"I see. Let's go sweetie." He looked and smiled sweetly at me. Stupid Thalia! Gaga ka talaga. Bakit hindi mo inisip ang mangyayari gayong magkasama kayong tatlo nila Kevin.
Habang nasa sasakyan kami andoon ang maingay at asaran na namamagitan kala Lensha at Shin samantalang si Shunie at Nic naman ay tahimik pareho kami ni Nic na nagbabasa ng libro samantalang itong si Kevin eto at natutulog sa balikat ko. As usual may forever sa edsa kasi traffic pa din kahit umaga na kami umalis. Eto muna ang challenge para samin ang makaalis sa edsa within 30 mins.kung mangyayari yun agad agad. Lumuwag lang ang edsa nung may APEC eh kaso APECTADO na ang lahat. Just kidding. Anyway, habang nagbabasa ako biglang may kumalbit sa likod ko kaya naman napatingin ako kung sino ang kumalbit sa likod ko.
"Bakit Nic? May gusto ka ba, baka nagugutom ka ha?" I asked him.
"Wala lang. Kakamustahin lang naman kita." Sabi nito at sabay gulo ulit sa buhok ko.
"Nicholas! Pinagt-tripan mo na naman ako ha!" I exclaimed at pagkasabi kong yun biglang nagising si Kevin.
"Hmm, anong meron?" Sabi nito habang kinukusot ang mata nya.
"Wala kinulit lang ako ni Nic. Sorry kung nagising kita. Matulog ka na lang ulit." Pagkasabi kong yun bigla nyang inilagay ang kamay nya sa balikat ko at ipinatong nito ang ulo ko sa dibdib nya.
"Nawala na ang antok ko." Sabi nya habang pinaglalaruan ang dulo ng buhok ko. "Ikaw matulog ka muna, kanina ka pa nagbabasa eh."
"Nope hindi naman ako inaantok." Sabi ko sa kanya habang ngumiti ng ubod ng lapad.
"Silly." He said and kissed my forehead.
BINABASA MO ANG
When the RAIN pours down
Short Story" I love walking in the rain cause no one can see me crying."---Thalia