Ika-dalawampu't Isang Kabanata

25 3 0
                                    


Hindi ko na pinansin ang text nyang yun at isinilid ko na ang cellphone ko sa bulsa ko. Lihim akong napangiti pero napansin ito ni Nic. "Bakit ka nangiti dyan?"

"Ah. Wala lang, ang ganda kasi nitong libro, eto na ang bibilin ko." Sabay taas ko ng librong hawak ko. "Ikaw ba ano ang bibilin mo?" I asked him.

"Katulad na lang din nyang sayo, sabi mo kasi maganda yan." Pagkasabi nyang yun bigla nyang ginulo ang buhok ko. Nang biglang may nagsalita sa likod ko.

"Ehem, kung hindi ko kayo kakilala pagkakamalan ko talaga kayong dalawa eh." Lensha said. "Oo nga pala sumabay na tayo kumain kala Shin." She smiled widely.

*=*=

Ngayon andito kaming lahat sa isang fastfood habang umo-order sila Shin at Lensha kaming apat ang natira dito sa pwesto namin. Sabi na dapat kami na lang ni Nic ang bumili eh. Habang nagk-kwentuhan kami ni Nic si Kevin naman walang ginawa kung hindi ang bumulong pero dahil makulit si Shunie bigla itong nagsalita. "Kevin ang angas angas mo pero ang tanga tanga mo naman." She laughed but Kevin glared at her at napatingin na kami sa kanilang dalawa ni Nic.

"Shunie!" He exclaimed. "Sabihin ko nga dyan sa kapatid mo na kausapin muna namin yang boyfriend mo."

"Ako talagang inaasar mo? Kung sabihin ko kaya kay---" Hindi na natapos ni Shunie ang sasabihin nya dahil bigla na lang tinakpan ni Kevin ang bibig nito.

"Anong nangyari sa inyong dalawa Shunie?" Shin asked.

"Wala Kuya Shin paano tong kaibigan mo tatanga tanga." She said sarcastically but Shin smiled.

"Hayaan mo na yan si Kevin alam mo naman yan laging---" Kevin cut him off.

"Let's eat!" Sabi nya na may pagbabanta sa boses nya.

"Hot-headed." I commented but I saw him smiling tapos nakita ko sila Shin at Shunie na lihim na napangiti.

Habang kumakain kami nakita ko si Nic na naglalagay pa rin sa plato ko. "Hey, kanina ka pa lagay ng lagay sa plato ko, kumakain ka ba?" I asked him.

"Oo naman. Natutuwa lang ako sayo." He said and winked at me. "Ubusin mo yan ha." He smiled genuinely and I smiled back.

Hindi ko napansin na nakatingin na samin si Kevin. Paano ba naman kasi nasanay kami ni Nic na ganito kami pag kami ay kumakain. Magsasalita na sana ko kaso naunahan naman ako ni Lensha.

"Naku, masanay na kayo dyan sa dalawang yan dahil ganyan talaga yang dalawa na yan pagnakain sa fastfood." Lensha said. "Kumain na tayo ulit." She smiled.

Pagkatapos namin kumain umuwi na kami. Kasabay ko sila Lensha at Nic, pero una naming hinatid si Lensha. Habang nasa sasakyan kami biglang nagvibrate ang phone ko. "We'll talk later Nathalia!" tapos tinago ko na ang phone ko pero makalipas ang ilang minuto nagvibrate ulit to. "Hey, where are you? Umuwi ka na." Ano kayang meron dito sa lalaking to ngayon. Yep, pauwi na po. I hit the send button.

Nic smiled. "Mukhang nagselos ata satin ang boyfriend mo." Sabi nya habang nakatingin sakin.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya at dinaretso ko ang tingin ko sa labas. "Loko hindi ko naman sya boyfriend." Sabi ko sabay tingin sa kanya. Totoo naman kasi dahil hindi ko alam kung kami na ba ulit o hindi eh.

*=*=

Nang makapasok na ko sa bahay namin dadaretso na sana ko sa kwarto ko ng biglang may nagsalita. "Bakit ngayon ka lang Sungit?" Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko syang andoon sa salas namin habang nagbabasa ng libro. Hindi ko sya pinansin, dare-daretso lang ako sa paglalakad ngunit hindi pa ko nakakalahati sa pag-akyat ng bigla ulit tong nagsalita. "Nathalia! I'm asking you?" Nakita ko na syang nakatingin sakin habang nakataas ang isa nyang kilay.

"Wala po. Traffic kaya ngayon lang nakauwi." I said and smiled at tuluyan na kong umakyat papunta sa kwarto ko.

Ang gulo naman, bakit ba ganito to ngayon si Kevin? Habang nagbabasa ako ng libro sa kwarto ko bigla itong bumukas. "Why?" I said.

"Namiss lang kita, masama bang puntahan ang girlfriend ko?" Sabi nya kaya naman napatingin ako sa kanya na gulat na gulat. "Wag ka ng magulat, wala din namang magbabago Thalia." Sabi nya sabay upo sa kama ko. Ano daw ako girlfriend nya? "Wag ka ng lalapit doon sa Nic na yun kung alam mo lang kanina na gustong gusto ko na syang sapakin." He gritted his teeth in anger and his hand balled into a fist.

"Kelan kita naging boyfriend ulit?" I smiled sweetly.

He looked at me. "Ako ba niloloko mo?"

"Hindi mukha ba kong nagloloko?" Sabi ko sa kanya ng seryoso pero natatawa na ko sa loob-loob ko.

"Do you love him?" Sabi ko nga sobrang selos na selos sya kay Nic eh.

"Yup bec---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla syang tumayo't tumalikod at paalis na ng kwarto ko.

"Okay." Gago talaga tong lalaki na to, hindi manlang ako pinatapos sa sasabihin ko. Kaya naman binato ko sya ng hawak kong libro at sa kasamaang palad este sa kaswertehang palad kong taglay tinamaan ko sya sa ulo nya.

"Aray!" Sabay pulot nya sa libro ko.

"Gago ka na't tanga pa! Hindi mo man lang ako pinatapos sa sasabihin ko." Sabi ko sa kanya sabay kuwa ng libro ko. "Pag to nasira, ibibili mo ko ng bago. Ang arte arte mo di sayo bagay magdrama."

"Huh?" Sa dami ng sinabi ko di nya na gets? Tanga talaga eh.

"Aish, nevermind. Umalis ka na nga." Sabi ko sa kanya pero nakita ko pa rin syang nakatayo. "Ano? Sabi ko umalis ka na di'ba?" I said sarcastically.

"Nung aalis na ko bigla mo kong binato. Ngayong bumalik ako pinapaalis mo na naman ako, ano ba talaga? Ang sungit mo talaga." Sabi nya habang tatawa tawa.

"I said I love him because he's my friend. Hianyupak ka kasi, drama-drama mo." Pagkasabi kong yun bigla nya kong pinitik sa noo.

"Ouch!" Sabay hinamapas ko sya ng libro kong hawak. Gago kasi eh.

"Is that a yes? Tayo na ulit hindi ba?" Ano pa nga ba ang isasagot ko, eh seryosong seyoso na ang mukha nya.

"Uhm, pag-iisipan ko muna." Bigla syang sumingangot. "In 3, 2, 1..." Tapos bigla syang naglakad ulit palabas ng kwarto ko. "Paano mo malalaman ang sagot ko kung aalis ka na?" I tsk-ed.

"Sabi mo pag-iisipan mo?" Sabi nya habang nakatingin sakin.

I laughed out loud. "Ang sarap mo talagang inisin kahit kailan John Kevin Gutierrez." I smiled and winked at him.

"Kanina mo pa ko pinagt-tripan." Tapos pinitik na naman nya ko sa noo ko. Ano bang meron sa noo ko at pinipitik nya ito.

"Oo kanina pa nga, tapos ikaw nakakadalawang pitik ka na sa noo ko. Pag yan namula maghintay ka ng matagal." I said and looked at him.

"Hindi naman masyadong namumula eh." Sabi nya, sabay hinalikan nito ang noo ko. "Ayan para mawala ang konting pamumula."

"Kahit kailan ka talaga. Bakit ka nga pala pumunta dito?" Pagkasabi kong yun humiga sya bigla sa kama ko.

"Wala lang, namimiss na kasi kita. Namimiss ko yung---" I cut him off.

"I love you too." I looked at him and he smiled genuinely. Ngayon ko na lang ata nakita ang ganyan nyang ngiti.






When the RAIN pours downTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon