Ika-labing Tatlong Kabanata

23 3 0
                                    


Habang nasa byahe kami ni Kevin wala akong ginawa kung hindi ang mag soundtrip at magbasa ng libro. Buti na lang at nagdala ko ng libro kong babasahin at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ko.

*=*=

Nagising ako sa taong tumatapik sa pisngi ko. "Thalia we're here, wake up sweetie." Antok na antok pa ko eh. "Okay. Sige matulog ka lang sa balikat ko mukhang sarap na sarap ka eh." Dahil don bigla akong napabangon. Theheck. Nahilo ako sa pagtayo ko. "Hey. I'm just kidding. Mamaya ka na matulog sa hotel. Let's go." He said while smiling and grab my hand.

"Pwede bang bitawan mo ko? Yung gamit ko hindi ko pa nakukuwa." Sabi ko sa kanya pero sya parang walang narinig at tuloy tuloy pa din sa paglalakad. "Hey."

"Don't worry hindi naman mawawala yang mga gamit mo." He said and laughed. Langyang lalaki to. Nung nakababa na kami tawa pa din sya ng tawa kaya naman tinapakan ko sya sa paa nya.

"Ouch." He laughed again. "I remember the day nung tinapakan mo din ang paa ko. That's why I like you Thalia. Hahaha." He patted my shoulder. Ugh. Inuubos nya talaga ang pasensya ko.

Pagdating na pagdating namin dito sa Cebu dumaretso kaagad kami sa isa naming meeting. All in all okay naman at least pumayag sila sa deal.

"Thalia let's go. Alam ko namang pagod  ka na." Hindi na nya ko pinagsalita at sumakay na sya sa cab. Habang nasa elevator kami paakyat sa hotel room namin wala akong ginawa kung hindi ang nakasimangot.

"I hate this. I want to go home!" I excalimed.

"You're silly Thalia. Don't worry hindi naman kita kakainin." He said and winked at me.

"Wag kang ano dyan kung ayaw mong tusukin ko yang mata mo. Lintek bakit ba ko pumayag na sumama dito." Sabi ko sa kanya pero biglang nawala ang ngiti nya sa labi nya.

"Hindi ka naman pinilit na sumama dito. Narinig ko ang usapan nyo ni Tita. Wag kang mag-alala bukas na bukas din pag may vacant room lilipat na ko." Sabi nya sabay labas na ng elevator.

Bakit nga ba ang big deal sakin kung magkasama kami? Bakit ko nga ba sa kanya binubuntong ang lahat ng galit ko at bakit ba ko naiinis kahit na wala naman syang ginagawa sakin? Simula bukas susubukan kong ayusin ang pakikitungo ko sa kanya. I promise that.

"Thalia dyan ka na sa kama dito na ko sa sofa." He said.

"Okay." Habang nakahiga na ko sa kama hindi ako mapakali kasi hindi ako makatulog. Nang tumingin ako sa kanya nakita ko syang hindi kumportable sa sofa. Mahabaging tadhana talaga bang niloloko nyo ko? Konsensya de amor ko pa kung sumakit ang leeg nya.

"Hey! Kevin are you still awake?" I asked him habang nakatalikod ako sa kanya.

"Kingkong!" I exclaimed. 

"Why? Naalala mo pa rin pala ang tawag mo sakin. Akala ko hindi na eh." He said and laughed. "Bakit nagugutom ka ba? Teka tatawag ako sa----" I cut his word.

 "Hindi ako nagugutom. Mukha ka kasing nahihirapan dyan sa pwesto mo. Uhm, dito ka na sa kama." I said and looked at him.

"Akala ko naman kung bakit." Sabay umupo na sya.

"Kung ayaw mo, di wag." I said and rolled my eyes at him.

He laughed. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago. By the way, thanks and goodnight Sungit."

"Goodnight din Kingkong." I smiled. 

*=*=

It's another day. Habang busy ako sa pagbabasa ng libro ko at hinihintay si Kevin bigla namang tumunog ang cellphone ko.

 Why is there any problem Nic?

[ Wala naman Thalia kinamusta lang kita.]

Don't worry I'm fine. Babalik na din naman kami dyan maybe by thursday andyan na kami.

[ It's okay kinamusta lang naman kita and 1 week ka namang naka-leave. Without pay yun. Mayaman ka na naman eh.]

I laughed. No worries Nic. It's okay. I need to hang up this call.  Aalis na din kasi kami. Bye.

[ Okay. Take care of yourself Thalia.]

"You're still smiling because of that guy." He said but I ignore him.

"Hey! I'm talking to you?" Ano bang problema nito kung magkausap kaming dalawa ni Nic, wag nyang sabihing nagseselos sya?

"Yeah. Happy now?" Sabi ko sa kanya sabay lumabas na ko sa hotel room namin.

"No. I'm not happy." Ano ba tong pinagtatanong nya sakin parang sira naman sya eh.

Habang palabas na kami sa hotel namin. Sabi samin wala pa din daw na bakanteng room. Ano pa ba ang magagawa namin tsaka okay na din naman. It's not a big deal after all.

*=*=

Konti na lang uugatin na kami dito sa kakahintay sa client naming isa. Anong oras na wala pa din! Habang nagbabasa ako ng libro bigla namang nagsalita si Kevin. "Are you okay? Gusto mong umalis na tayo, mukhang hindi na dadating yung isang client natin eh."

"Yeah. I'm okay. We'll wait for him pero pag after an hour wala pa ulit, saka na lang tayo umalis." Sabi ko sa kanya habang nagbabasa pa din ako ng libro.

"Book-a-holic." Pagakasabi nyang yun biglang may umupo sa tabi ko.

"Hi. You love books?" Sino naman to at bigla bigla na lang nasulpot.

"Yeah." I said.

"By the way I'm Kenshin Tan sorry if I'm late." He said. Oh! Sya na pala ang hinihintay namin.

"I'm Nathalia and this guy..." Sabay turo kay Kingkong na ang sama ng tingin. "is Kevin."

Habang nag-uusap kami about sa business biglang umalis saglit si Kenshi. Ang weird naman nung lalaking yun.

"I hate that guy. Lumipat ka nga dito sa tabi ko Thalia." He said in a command tone.

"Opo, eto na nagmamadali pa sa alas kwatro!" I exclaimed. 

All in all okay naman ang nangyari ngayong araw na to. Worth it ang paghihintay namin ni Kevin mukhang matutuwa ang parents namin nito.

Habang pabalik na kami sa hotel. Nagulat kami dahil may event pala dito. Oh! Party party kaya pala busy ang mga staff kanina. Nice, tapos bukas pahinga na kami ni Kevin. Matagal tagal na din pa lang hindi kami nakakapag gala ni Lensha. I missed her so much. Kaya naman nagtext ako sa kanya.

I missed you so much Sissy.

After a minute nagreply na din sya. [ I missed you too sissy. Kwentuhan mo ko pagbalik mo ha. Loveyah. Enjoy your vacation. Xoxo] This girl makes me happy. Ang saya ko dahil nakilala ko tong si Lensha.

*=*=

Dahil maaga pa tinigil ko na ang pagbabasa ng libro. Makalabas nga muna tutal naman may party tsaka invited ang lahat dahil anniversary ngayon ng hotel.

"Where are you going?" Kevin asked. "Don't tell me pupunta ka sa party?"

"Why not, invited naman ang lahat. How about you?" Invited naman ang lahat ng guest nila. Kaya hindi nakakahiyang  pumunta.

"No. I'm just staying here." Wow sya ba to parang hindi ha at biglang may inilabas syang book. "Sige na."

"Okay. Ayaw mo talaga?" I asked him again.

"Yup." He said.

"Okay. By the way nice book." I smiled at him at umalis na ko.






When the RAIN pours downTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon